Hello everyone! Thank you so much for reading and supporting my work. This story has not been edited, so typos and grammatical errors are to be expected; additionally, I am not a professional writer, so incorrect grammar is pretty much inevitable.
DISCLAIMER
This is work of fiction the characters, names, places, events, business and incidents that are mention in this story are based on the author's imagination, any resemblance to actual events, stories or memoir of a person is a highly coincidental.
Sa madaling salita ito'y walang katotohanan at mula lamang sa aking malikot na kaisipan. Maaaring may mga bagay at pangyayaring mabanggit na may kaparehas ng ibang kwento o buhay ng isang tao ngunit ito'y nagkataon lamang sapagkat itoy ay naisusulat base sa orihinal na may akda. Hindi makatotohanan at hindi nasusulat sa kasaysayan. Mula lamang ito sa malikhaing imahinasyon ng may akda.
Plagiarism is a crime
"Subukan ninyong pumikit ng limang segundo."
"Ano ang inyong nakikita?"
"Dilim!" "Madilim!" seryosong sagot ng aking mga kaklase sa aming guro.
"Kung ano ang inyong nakikita gano'n rin ang itsura ng daigdig noon. Noong unang panahon ang mundo ay nababalot pa ng dilim. Wala kang makikita kundi dilim, sapagkat hindi pa nageexist ang mga bagay-bagay sa mundo." kwento ng aming guro. Bigla kong naikuyom ang aking mga palad habang nakikinig, halos hindi ako makagalaw at makahinga sa aking kinauupuan. Maya-maya'y nakarinig na lamang ako ng isang malakas na sigaw.
"Ma'am si Sabrina po nahimatay!" malakas na sigaw ng aking katabi at tanging sigawan nalang ang aking narinig habang patuloy na lumalabo ang aking mga paningin hanggang sa dumilim na ang paligid.
Napamulat ang aking mga mata ng makarinig ako ng mga boses.
"Pasensya na po ma'am, hindi ko po alam na may sakit pala si Sab."
"Don't worry nay, excuse po muna si Sab dahil valid naman po yung reason niya."
"Maraming salamat po"
Napalingon ako at nakita ko ang aking guro at ang nanay ko na naguusap sa pintuan. Nasa clinic pala ako, ano bang nangyare? Dahan-dahan akong umupo at napakapit sa aking ulo ng bigla itong kumirot.
"Sab! Gising kana pala are you okay?" Tanong ni ma'am at tumango nalang ako.
Inalalayan na ako ni mama palabas ng school. "Ma, may sinabi ba kayo kay ma'am?" Nanguusisa kong tanong kay mama.
"Syempre anak wala, naiintindihan naman kita e" sabay haplos nito sa ulo ko.
Alam naman ni mama na sa tuwing may napaguusapan about sa mga pangyayaring nagpapaalala sakin sa nakaraan ay nagkakaganito ako ngunit hindi niya na sinabi kay ma'am ang tungkol doon dahil alam niyang ayaw ko.
Nakarating na kami sa bahay at agad na akong nahiga sa kama para makapagpahinga. Nakatulala ako sa malaking ilaw sa kisame, may apat na ilaw pa sa bawat sulok ng aking kwarto. Pinasadya iyan nila mama dahil alam nilang hindi ako makakatulog kapag madilim, gusto ko maliwanag lang yung paligid ko. Nakasolar din yung apat na ilaw sa bawat sulok sakaling magbrown out ay hindi ito mamamatay.
Alam kong napakaOA ko para sa iba kaya hindi ko na nais malaman pa ng karamihan kung ano ang sitwasyon ko. Alam kong wala naman makakaunawa sa kalagayan ko.
Masama ang aking pakiramdam, nilalagnat talaga ako sa tuwing nakakaramdam ako ng trauma.
10 years ago na diagnosed ako na mayroong PSTD o Post-traumatic stress disorder. Sa sobrang lala ng epekto nito noon sakin naranasan kong madala sa Mental Hospital. Almost one year din bago ako pinayagang makalabas doon, Sa nakakabaliw at nakakatakot na lugar. Ang sabi nila mama gagamutin daw ako dun pero hindi nila alam yung pinagdaanan ko don. Hindi nila naiintindihan, inakala nilang baliw ako. Pero hindi ako baliw.
Hindi ako baliw!
"Mama tulungan niyo po ako! Ayoko po dito. Hindi ko kaya dito please wag niyo po akong iwan!!! Mama! MAMAAAA!!! PLEASE!!!" nagwawala ako dahil pilit akong hinahatak ng mga nurse. Nagmamakaawa ako kala mama at tito (pangalawang asawa ni mama) na wag nila akong iwan pero tanging pagluha lang ang nagawa nila habang inilalayo ako sa kanila.
"Hindi po ako baliw mama! Ayoko dito natatakot ako!" Malakas na sigaw ko habang nagwawala.
Wala na akong nagawa at tuluyan na nila akong iniwan. Dinala nila ako sa isang kwarto at doon iniwan. Punong-puno ng ingay ang paligid, hiyawan, malakas na sigawan, tawanan, iyakan at kung ano-ano pa ang naririnig ko sa paligid.
Napatakip nalang ako sa tenga ko dahil hindi ko kayang pakinggan ang ingay nila. Napalingon naman ako sa likod ko ng may marinig akong humahalakhak.
"Hahaha! Hahahaha! Hahahahahaha!" Demonyong tawa ng isang babaeng baliw na nasa sulok, gusot-gusot ang kaniyang buhok, marumi ang mukha at nakakatakot ang itsura nito dahil nakatirik ang mata nito sa akin. Napaatras ako sa kama ng nagsimula itong tumayo.
"Bataaaa halika ditoooo! Bataaaaaa halika ditoooooo!" Nakakakilabot ang boses nito habang nakangiti palapit sa akin.
Agad niyang hinawakan ang kamay ko at sinigawan ako. "PAPATAYIN KITA!!!" agad ko itong tinulak at tumakbo palabas ngunit agad nitong nahawakan ang aking buhok na siyang sinabunutan niya ng malakas habang sinasabi ang mga katagang "Qui morietur!(Mamatay kana) Ego te interficiam!(Papatayin kita)" sabay tawa ng malakas.
At kahit hindi ko nauunawaan ang kanyang mga sinabi ay takot na takot. Sigaw lang ako ng sigaw habang sinasaktan niya ako maya-maya'y kaagad naman dumating ang mga nurse at inilayo siya saken. Hinatak nila palabas ng pintuan ang nanlilisik-matang babae ngunit bago pa man sila makalabas ay nagbanggit siyang muli ng mga salita.
"Mortuus!(Die) Sabrina!" Agad na napatayo ang balahibo ko sa takot kasabay ng paglaki ng mga mata ko dahil hindi ako makapaniwa sa sinabi niya. Paano niya nalaman ang pangalan ko gayong hindi niya naman ako kilala? Siya palang ang tumawag sakin dito sa Mental at maging ang mga nurse ay nagulat din sa kaniyang sinabi.
Aalis na sana ang nurse na nasa tabi ko ng bigla ko itong hawakan. "Miss, p-pano niya po ako nakilala?" Natatakot kong tanong.
"Alam mo beh ganyan talaga yan. Kahit kami natatakot na sa kaniya minsan, hindi ko nga alam kung baliw ba yan o sinasaniban. May sa demonyo ata yang babaeng yan. Nalalaman niya agad ang pangalan kahit di niya kilala. Naku! mag-ingat ka sa kanya dahil lahat ng mga baliw na pinag-initan niya dito ay nagpakamatay!" Mas lalo namang napalaki ang mata ko sa sinabi niya. "Sige beh maiwan na kita" paalam nito at lumabas na ng kwarto.
Nanginginig ang katawan ko sa takot dahil sa mga sinabi niya. Paano nga kung totoo? Baka mabaliw ako dito. Hindi ko na kaya dito. Kelangan kong gumawa ng paraan para makatakas dito!
Agad akong lumabas ng kwarto at tumingin tingin sa paligid. May mga ilang baliw na naglalakad, nakawheelchair at nagtatakbuhan sa hallway kaya sinamantala ko ang oras na iyon para lumabas. Nakarating ako sa labas sa likod ng hospital ngunit napakataas ng pader. Pano ako makakatakas nito? Walang paraan para makatakas dito kundi ang dumaan sa main gate ngunit mayroong mga guard na nagbabantay. Agad akong nagtago sa kotse ng may makita akong nurse na naglalakad. Sumilip ako at nakayukong tumakbo sa parking lot. Nakakita ako ng isang van na nakabukas ang likuran. Hindi nako nagpatumpik-tumpik pa at pumasok ako doon. Nagtago ako sa mga kahon na nakalagay doon at naramdaman ko din na isinara na ang pinto ng van. Napalaki ang mata ko ng biglang dumilim. Nanginginig na ang buo kong katawan at halos hindi na rin ako makahinga. Hindi ako makagalaw sa kinaroroonan ko, gusto kong sumigaw ngunit hindi ko kaya. Naramdaman ko nalang na tumutulo na ang aking luha kasabay ng unti-unting paglabo ng aking paningin...
YOU ARE READING
Bakit nga ba tayo natatakot sa Dilim?
HorrorIsa ka din ba sa taong takot na takot sa dilim? Yung tipong balot na balot kana ng kilabot at pangamba lalo na kapag magisa kalang na nasa dilim. Hindi natin alam kung ano ang naroon sa dilim, ano nga ba ang ikinakatakot natin sa dilim? ano ba ang...
