Tumawa siya ng mahina at naramdaman ko ang hininga niya sa tenga ko kaya nakiliti ako.

“Stop it. Nakikiliti ako.” ngumuso ako.

“C'mon, hon. Naiinip na si Kuya.” dahil sa sinabi niya ay napamulat ako.

Gusto ko talagang makasundo ang Kuya ni Calvin, para kasing ayaw niya ako para kay Calvin ‘e. Bumangon ako at kinusot kusot ko pa ang mata ko.

“Let’s go, baka magalit na naman sa’kin ang Kuya mo.” umangkla ako sa braso niya.

“Cute.” aniya na ikinangiti ko.

Bumaba kami at pumunta sa dining area. Nakita ko naman dun si Kuya Noel na naka-upo habang hawak hawak ang phone niya. Nang makita niya kami ay itinago niya ang phone niya. Naupo naman kaming dalawa ni Calvin, kaharap namin si Kuya Noel.

“Let’s eat. Nagugutom na ako kaka-antay sa’inyo.” walang emosyong sabi nito.

“Kuya.” seryosong sabi ni Calvin na bihira ko lang makita.

Lagi kasi siyang nakangiti kapag magkasama kami. Hinawakan ko ang kamay niya kaya napatingin siya sa’kin. Ngumiti naman ako kaya napabuntung hininga siya. Nilagyan niya ng pagkain ang plato ko.

“Kailan pala kayo babalik sa Pilipinas? Namimiss ka na ni Mama.” maya mayang sabi ni Kuya Noel at bumaling kay Calvin.

Napatigil naman si Calvin, “I dunno. Siguro kapag tuluyan ng naging doctor si Stef.” bumaling siya sa’kin at ngumiti.

Napangiti naman ako at tumango, “Gusto ko na ding ma-meet ang Mama mo.”

Napasimangot siya, “Mama mo na rin iyun.”

Natawa ako at pinisil ko ang ilong niya. Napatigil lang kami ng tumikhim si Kuya Noel.

“So I guess, mag-iintay pa tayo ng isang taon at pagkatapos nun ay babalik na tayo sa Pilipinas. And don’t worry, Mi–Steff magtatrabaho ka sa hospital ko bilang doctor din.” sabi niya habang kumakain.

Napangiti naman ako at tumango nalang. Pagkatapos naming kumain ay umalis muna si Calvin dahil may emergency daw sa isang kumpanya niya dito sa States. Habang si Kuya Noel naman ay babantayan daw ako.

Bumaba ako galing sa taas at nakita ko naman sa living room si Kuya Noel na nanonood habang patingin tingin sa phone niya. Pumunta ako sa kusina para uminom.

Lumapit ako kay Kuya Noel para makinood din, hindi pa naman ako inaantok ‘e.

“Watching cartoons?” gulat kong sabi ng makita ko ang pinapanood niya sa tv pero napangiti ako sa tabi niya.

Kahit bente tres na ako ay gustong gusto ko pa din na manood ng cartoons. Napatingin naman siya sa’kin, tulad ng dati ay wala namang emosyon ang mukha niya.

“I thought your sleeping now.” seryosong sabi niya habang nakatingin sa tv.

Napanguso naman ako. Bakit ba palagi nalang akong ngumunguso? Hayst, dapat sa edad kong ‘to ay umakto akong mature na ‘e.

“Hindi pa ako inaantok ‘e. Samahan nalang kitang manood, Kuya.” bumaling din ako sa tv.

“I miss, Miracle.” maya mayang sabi niya kaya napatingin ako sa’kanya, nakatingin lang siya sa tv.

“Sinong Miracle?” takang tanong ko.

Siguro, girlfriend niya noe? 'Yun siguro ang parating ka-tawagan o ka-text niya sa phone niya kaya parati siyang tingin ng tingin sa phone ‘e.

Umangat ang gilid ng labi niya na ngayon ko lang nakita, lagi kasing seryoso ‘e. Parehas sila ng asawa ko na gwapo.

“Hindi mo talaga matandaan?” napabuntung hininga siya na ikinataka ko, “Matagal na siyang nangungulila sa'yo. Matagal ka na niyang hinahanap.”

My Husband is GayWhere stories live. Discover now