Chapter 1

167 7 0
                                    

Almea's POV

*blag**blag*

"MEAAAAAA! Nandito na sundo mo! Lumabas ka na diyan!" Aish! Muntik na akong mahulog sa kama. Istorbo!

"Mommy! Sino bang nandiyan? Ang aga aga eh!" Sigaw ko pabalik. Hinintay ko yung sagot ni mommy. Ilang minuto na ang nakakalipas ngunit hindi pa nasagot si mommy. Nagkibit balikat na lang ako at humiga ulit. Aga aga mambulabog. Wag dito! Inaant--

*door open*

"Baby mea?" Tumingin ako sa tao sa may pinto.

"Hoy! Anong ginagawa mo dito? Sino nagbigay sa'yo ng permission?" Napatingin naman agad siya sa gawi ko at lumapit.

"Ahm, kasi baby mea an--"

"Wag mo kong ma-baby baby ha! Uupakan kita!"

"Eh gusto ko eh. Atsaka bakit hindi ka pa nabangon? Alam mo ba kung anong oras na?" Tinaasan ko siya ng kilay. Tumingin ako sa may wrist niya.

"Anong silbi ng wrist watch mo? Kung pumunta ka lang dito para tanungin kung anong oras na pwede ba dun sa sala, mas malaki wall clock dun!" Tumalikod ako sa kanya.

"What I mean is anong oras na? Ba't hindi ka pa nakabihis? Hello may pasok po tayo." Napabalikwas naman agad ako sa kama ko. Tumingin ako sa orasan sa may bed side table ko. Aish! 8:15 na 9 yung start ng klase ko.

"Ba't ngayon mo lang sinabi?" Tanong ko habang nililigpit yung kama ko.

"Pinatapos mo ba ako kanina magsalita?"

*glare*

"Hahaha! Joke lang."

"Tss." Pumasok na ako sa banyo at naghilamos.

"Ba't parang lagi kang puyat? Tignan mo eyebags mo. Ilang kilo na kaya yan? Siguro iniisip mo ko tuwing gabi noh?" Tumingin ako sa kanya ng masama habng nagtutooth brush.

"Totoo naman diba?" At nakasmirk pa ang loko. Kung hindi ko lang talaga 'to boyfriend matagal ko ng tinorture 'to. Inirapan ko na lang siya at tinapos ang pagtutooth brush. Pinunasan ko na ang bibig ko at lumabas ng banyo.

"Hindi mo pa ako sinasagot sa mga tanong ko kanina."

"Wala akong panahon para sagutin ang mga walang kwenta mong tanong!"

"Ouch baby. Ang sakit mo naman magsalita." At nag act pa na hawak ang puso at parang nasasaktan. Tss. Tuluyan ko na kayang sa--

"MEA! Anong ginawa mo sa boyfriend mo? Ba't ganyan itsura niyan?" Lumapit agad si mommy kay lawrence at hinagod ang likod.

"Anong nangyare sa'yo, rence?" Tumingin si lawrence sa may pwesto ko kaya pinandilatan ko siya ng mata.

"Ah, wala po tita. Nagpapractice lang po ako um-acting. Gusto ko po kasing makasama sa drama club. Hehehe!" Ngumiti naman ako sa kanya ng nakakaloko.

"Talaga? Gusto mo ipalista na kita? Kami naman ang may ari ng school. Gusto mo?" Napalunok naman si lawrence. Wrong move siya. Hahaha!

"Ah, hindi na po tita. Joke lang po yun."

"Ikaw talaga. Napakahilig mong magjoke. Pero sana yung pagmamahal mo sa anak ko hindi biro ha?" Ayan na naman si mommy. Lumalabas na naman ang pagkamadrama niya.

"Promise po tita, hinding hindi ko po lolokohin ang anak niyo. Kahit napakabrutal po niyan, mahal na mahal ko po yan!" Aba! Brutal daw? Gusto niya sample?

"My, baba na po tayo. Malalate na po ako." Pag iiba ko ng usapan. Ayokong pag usapan yun. Pare parehas lang naman yang line ng mga lalaki kapag tinatanong sila ng ganun. Hindi naman sa kumokontra ako pero kokontra na rin. Papromise promise pa sila na 'hindi ko po lolokohin yang anak niyo.' Naniniwala naman ako kay lawrence. Mahal ko rin siya. Pero hindi rin maiiwasang mag aaway kayo diba? Kaya nga yung iba nagbebreak dahil sa ganung dahilan. Ang layo na ng topic noh? Wala namang connect yung mga pinagsasasabi ko -_-"

PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon