Napakamot siya ng pisngi, “I mean  Aywayne. Ayos na ba kayong dalawa?”

Tumango tango naman ako, “Oo, bati na kaming dalawa. Humingi na siya ng sorry.” ngumiti ako ng pilit.

Nakita ko ang pagkawala ng ngiti niya pero panandalian lang.

“Good to know.” at nauna na siyang naglakad papalayo.

Nakatingin lang ako sa’kanya habang papalayo at nagkibit balikat nalang sa inasta niya kanina.

Pagkapasok ko sa room namin ay hindi ko naman nakita si Calvin, baka iba ang year naming dalawa. Halata naman na mas matanda siya sa’kin, mukhang mag kaedad lang sila ni Ay-Ay.

Nang matapos ang lunch namin ay hindi muna ako pumunta sa room dahil vacant pa naman kami. Sila Danreb ay hindi ko naman mahanap, palagi nalang silang dalawa na magkasama. Nakalimutan na nila ako.

Naglalakad ako papunta sa garden na lagi kong tinatambayan ng tumunog ang phone ko. Tiningnan ko kung sino ang tumawag, si Ay-Ay. Imbis na sagutin ko ay pinatay ko nalang ang phone.

Nakatingin lang ako sa phone ko na patay na at huminga ng malalim dahil parang maiiyak na naman ako.

Hindi ko na siya maintindihan. Hindi ko na alam ang nangyayari sa’min.

Nakatingin lang ako sa malawak na garden ng biglang may tumikhim kaya napabaling ako dun. Nagtaka na naman ako kung bakit na naman nandito si Calvin.

“Bakit?” tanong ko.

Ngumiti siya at naupo sa tabi ko.

“Gusto lang sana kitang i-invite sa birthday party ng kapatid ko mamaya.”

Gulat naman akong napatingin sa’kanya, “Bakit mo naman ako i-invite?” takang tanong ko dahil hindi ko naman alam kung bakit i-invite niya ako.

Ilang araw pa lang kaming magkakilala ‘e.

“Of course, your my friend.”

Napakunot ang noo ko, “Kailan pa tayo naging friend?”

Natigilan siya pero natawa din, “Simula ng magpakilala ako sayo.”

Napairap ako. Ibang klase din itong ex ni Ay-Ay ‘e.

“Sige na, please. Sama ka sa’kin mamaya, ihahatid din kita. Inaasahan pa naman ng kapatid ko na ipapakilala kita. Magtatampo yun kapag hindi ko ginawa.” pagpapa-awa niya.

Napaiwas naman ako tingin. Madali akong maawa ‘e baka bumigay ako.

“Ayoko nga, 'di tayo close.” umirap ako pero nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.

“Please, please.” nag puppy eyes pa siya.

Napakagat nalang ako ng labi dahil tumatalab ang pagpapa-awa niya ‘e. Wala na akong magagawa, ang kulit ‘e.

“Fine!” inalis ko ang kamay ko sa kamay niya.

Napasigaw naman siya ng yes na ikinagulat ko. Ang OA naman nito.

“Sa’kin ka na sasabay mamaya para mapaayusan kita.” at tumakbo siya kaya hindi na ako nakapag salita pa.

Madilim na ng matapos ang klase namin at iyong dalawa na si Danreb at Erin ay biglang nawala. Ang bilis bilis talaga nilang mawala sa paningin ko, mukhang gusto talaga nilang solong solo ang isa’t isa.

Papalabas na ako ng gate nang biglang may humawak sa braso ko kaya napaigta ako. Natawa naman si Calvin at pinalo ko siya ng bag ko sa inis.

“Sorry kong nagulat kita. 'Lika na.” bigla nalang niya akong hinila kaya wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa’kanya.

My Husband is GayWhere stories live. Discover now