"Then close his eyes."

Mas lalong sumama ang tingin niya sa akin. Sa huli ay walang nagawa kundi umiling saka umalis sa harapan ko at bumalik sa kuwarto niya na nasa pinakadulo ng pasilyo. Siya talaga ang pinakamasungit sa magkakapatid.

Nakasalubong pa niya ang kalalabas lang na si Jairus galing sa kuwarto niya.

"Inano mo 'yon? Mukhang bad trip na naman. Anong ginawa mo?"

Nagkibit ako ng balikat. "Ewan, wala naman akong ginagawa sa kaniya. Hinahanap ko lang si Cai."

He then nodded slowly. "He left, Lheen wants to see him."

"Lheen?" tanong ko.

"Yeah, his secretary."

Nagsalubong ang kilay ko. "It's Sunday today and maggagabi na. Hindi ba siya makakapaghintay bukas? Urgent meeting ba 'yon?"

He chuckled and shrugged his shoulders. "I don't know. Maybe there's something going on between them. Who knows?"

Ang mapang-asar niyang ngiti ay nagdulot ng inis sa akin. Hindi ko nagustuhan ang narinig ko at parang gusto ko siyang sabunutan ngayon din.

"No," I disapproved. "Maybe they have to discuss something important."

"Yeah, like their wedding or—"

"Shut up, Jai." I rolled my eyes at him. "H'wag mo na nga lang akong kausapin kung mang-iinis ka lang."

"If I won't talk to you, mapapanis ang laway mo dahil walang ibang kakausap sa 'yo rito kundi ako lang. My parents are busy. Zai doesn't like you and Cai would rather talk to his hands than you."

Sumama ang tingin ko sa kaniya. "Grabe ka naman! Ganoon ba nila ako kaayaw, ha? Bakit ikaw kinakausap mo ako? Siguro type mo 'ko, 'no?"

He smirked. "I don't like short girls."

What? Hindi naman ako pandak? Umabot naman ng 5'2 ang height ko at nadadala pa naman ng heels.

"Cai too, kaya 'wag ka nang umasang magugustuhan ka niya." Saka niya ako binirahan ng alis.

Talaga naman! 'Yong isa sobrang sungit, siya naman sobrang mapang-asar. Si Cai... mahal ko.

Tsk.

Napatingin ulit ako sa kuwarto niya at dahil wala naman siya. Naisipan kong pumasok sa loob. Hindi naman siguro niya ako maaabutan, hindi rin naman siguro ako kakasuhan ng trespassing kung sakaling may makakita sa akin.

Napangiti ako kaya't mabilis akong lumapit muli sa pinto at walang pag-aalinlangan nang binuksan iyon. Sinalubong ako ng madilim na kuwarto dahil bukod sa patay ang ilaw ay sarado rin ng bintana at natatakpan ng kulay gray na kurtina.

I turned on the lights and just like I'd expected, his room is color gray and black—his favorite colors.

Simple lang ang loob at malinis. Sinara ko ang pinto bago nilibot ang paningin sa loob. May walk-in closet siya, sa tabi no'n ay ang comfort room niya. Ang bed niya ay nasa left side ng room. Kulay gray ang bed sheet while black naman ang pillow cases.

Lumapit ako roon saka umupo, mas malambot ang kama niya kaysa sa kama ko. Para akong hinihila nito na humiga sa kaniya. Hindi na ako nakipagtalo sa isip ko at tuluyan nang humiga.

Sobrang sarap sa likod kaya't napapikit ako hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako at nagising na lang sa marahang tapik sa pisngi ko.

"Wake up. This is not your room."

"Cai?" I asked while I'm slowly opening my eyes.

I saw him unbuttoning his polo. He threw a short glance before he turned his back to me. Obviously, he doesn't want me gawking.

Villaverde Brothers Series 1: Taming the Ruthless✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon