W

6.3K 254 18
                                    

"TITA, TITO." Sinubukang magmano ni Kiefer pero itinaas lang ng kanyang ina ang kamay nito na para bang pinatigil si Kiefer sa pagmamano.

Ibinaba naman ni Kiefer ang kamay nito at tumayo nang maayos. Binundol ng kaba ang kanyang dibdib.

"Sit," ma-awtoridad na utos ng kanyang ama na agad naman nilang sinunod.

Umupo sila sa sofa na katapat ng mga ito. Ramdam niya ang panlalamig ng kanyang mga palad lalo na no'ng makita kung gaano kadismaya ang mga ito sa kanila-sa kanya.

Nagbaba siya ng tingin nang maramdaman ang sakit na unti-unting gumihit sa kanyang puso. She choke back her tears. Akala niya, sanay na siya. Ano na naman 'to?

Mapait siyang napangiti at kinagat niya ang kanyang pang-ibabang labi. Na-disappoint niya ang parents niya no'ng pinili niyang kunin ang Information Technology imbes na Business Administration. Marami siyang pinili, inuna, sinigurado niyang abutin ang pangarap niya kahit na ma-disappoint ang mga ito and now, this. Wala na siyang pakialam dito, actually.

They've been pressuring her and she always do her best. Ayaw niyang ito mismo ang hahadlang sa kanya sa pag-abot ng kanyang mga pangarap. Parents should be the one to support their children in reaching their dreams pero iba ang mga magulang niya, eh. Imbes na suportahan, ito mismo ang hahadlang.

"I'm so disappointed, Agatha. Ibang-iba ka sa ate mo."

'Yan na naman. Paulit-ulit na lang.

Napatingin siya kay Kiefer. Kahit matagal na silang magkaibigan, hindi kasi nito alam ang sitwasyon niya sa parents niya, eh. Hindi rin naman siya nagsasalita dahil sanay na siya.

Nagbaba siya ng tingin. Sa gilid ng kanyang mga mata, kita niyang napatingin si Kiefer sa kanya.

"I'm calling your parents, KJ. Paparating na sila rito," ani pa ng kanyang ina. Napahilot siya sa kanyang sentido. Hindi pwedeng ganito, eh.

"Ma, pa, Kiefer and I are both adults-"

"Shut up, Agatha! I didn't ask you to speak."

Natahimik siya sa sinabi ng kanyang ama at ramdam niya ang paninikip ng dibdib.

That stings.

Napatingin silang lahat sa kanyang ate na kakababa lang ng hagdanan. Muli siyang napatingin kay Kiefer at kita niya ang kinang sa mga mata nito habang nakatingin sa kanyang ate.

One year lang ang gap nila ng kanyang ate kaya magkaedad ito at si Kiefer. Mas matanda nga lang ito ng dalawang buwan kay Kiefer. Hindi lingid sa kaalaman niya ang naramdamang paghanga ni Kiefer para sa ate niya.

Napayuko na lang siya at pilit huwag ipahalata ang sakit. Parang kinurot ang kanyang puso. Hindi man sasabihin ni Kiefer, pero alam niya. Mukhang ang ate pa nga niya ang rason kung bakit sila naging magkaibigan noon.

Her ate doesn't want to play with Kiefer and her kaya siya na lang. Alam niyang walang kaalam-alam ang kanyang ate Christie tungkol sa nararamdaman ni Kiefer.

"Agatha? Kiefer? What are you doing here?" Lumapit sa kanila ang kanyang ate at kunot-noong nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanya at kay Kiefer. Tahimik lang siya at pinapakiramdaman ang paligid.

"Christie! Ewan ko na lang dito sa kapatid mo at bakit hindi gumaya sa 'yo. Maraming beses na nitong pinapasakit ang ulo ko," ani ng kanyang ama.

Kinagat niya ang kanyang pang-ibabang labi nang maramdaman ang luha na nagbabadyang tumulo.

Hindi siya iiyak.

"Pa, hayaan niyo na lang si Agatha na gawin ang gusto niya. Don't stop her from chasing her dreams. Ano ba ang nangyari?" mahinahong tanong nito.

CruellyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon