1

82 3 0
                                        

"Itigil ang kasal!"

Sigaw ni Laurene habang hinihingal pa dahil sa matinding pagtakbo para mapigil ang kasalang nagaganap.

Kahibangan mang matatawag ang ginagawa niya ngayon ay wala na siyang pakialam. Kailangan niya itong gawin dahil ito ang magtatapos sa sumpang iginawad sa kanya ng lalaking masayang nakatayo sa gilid ng altar ngayon.

Hindi ito pwedeng maging masaya habang siya ay lugmok at walang pag-asa dahil sa kagagawan ng hibang na lalaking iyon. Dahil kasi sa ginawa nito labing isang taon na ang nakararaan nag-umpisa ang mga kamalasan niya sa pakikipagrelasyon. Sa loob ng mga taon na iyon ay limang beses siyang nagmahal at nasaktan dahil ang mga lalaking iyon ay iniwan siyang lahat. At dahil iyon sa pesteng lalaking may sa-demonyo ang bibig.

"Laurene? Uhm pwede ka bang makausap?" Tanong ni Apolo na tila hindi ito mapakali.

"Uh, s-sure tungkol ba saan?" Sagot niya naman dito. Pero sa halip na magsalita ay nag abot ito ng sulat. Nagtataka naman niyang tiningnan ang sobre na kulay asul pagkatapos ay sunod niyang tiningnan ang may hawak noon. Matangkad ito ngunit payat, maputla ang kulay ng balat pero ang labi nito ay kulay rosas. At ang mga mata nito ay nakangiti kahit pa halatang kinakabahan.

"Uhm, hindi kasi ako magaling sa pagsasalita kaya gusto ko sanang sabihin sa'yo ang gusto kong sabihin sa pamamagitan ng sulat." Sabi nito ng hindi niya pa rin kinukuha ang papel. Lalo siyang nagtatataka. Uso naman ang cellphone pwede naman siyang makipag-usap sa kanya sa text. Pero dahil ayaw niyang mapahiya ito dahil sa kanya ay tinanggap niya na lamang ang papel at tumango sa lalaki. Mas lalo itong ngumiti pagkatapos ay tumalikod na ito.

"Hihintayin ko ang sagot mo. Number 203 ang locker ko." Sabi nito habang tumatakbo palayo. Samantalang siya ay nananatiling nakatayo sa hallway at tiningnan na lang ang sulat na kanyang hawak. 'Teka gusto ba niyang sagutin ko ang sulat na ito ng isang sulat din pagkatapos ay ilalagay ko iyon sa locker niya?'

Dahil sa naisip ay parang nag-init ang kanyang ulo. Lumalabas kasi na magmumukhang siya ang maglalagay ng love letter sa locker nito. Kaya naman hindi niya iyon binasa at basta na lang na isinilid sa bag.

Nagumpisa ng magbulungan ang mga tao sa loob ng simbahan. Umiiyak na rin ang bride dahil sa pagkaantala ng kasal samantalang ang hitad na lalaking iyon ay nanlilisik na ang matang nakatingin sa kanya. Hindi talaga siya nagkamaling ito at ang binata labing isang taon na ang nakararaan ay iisa. Dahil pareho ang mga ito ng mga matang sobra kung magpakita ng emosyon, parang hindi na nito kailangan pang magsalita dahil tingin pa lang nito ay alam mo na ang nais nitong sabihin. Pero kahit ganoon ay nakahanda siya rito, isang buwan siyang naghanda para lang sa gagawin niya sa araw na ito.

"Tama kayo! Tutol ako sa kasalang ito dahil buntis ako at siya ang ama!" Sigaw niya pagkatapos ay lalong lumakas ang bulungan sa loob ng simbahan.

"Oh come on! Luma na iyang linya mo. Anong katibayan mo na ako nga ang ama ng ipinagbubuntis mo!?" Sigaw nito sa kanya. Kung may nagbago man sa lalaking ito ay iyong boses nito na mas lumalim at lumaki na tila dumagundong ang loob ng simbahan na nakapaghatid ng nginig sa kanyang katawan. Ngunit kung sa tingin nito ay matatakot siya dahil doon ay nagkakamali ito.

"Ganyan ka ba talaga? Madali kang makalimot. Doon sa Pheonix bar niyaya mo kong magsayaw isang linggo na ang nakararaan. Sinabi mong mahal mo ko at handa kang hiwalayan ang babaing iyan para sa akin. Naniwala ako sayo kaya pumayag akong sumama sa iyo at noon nga'y buong magdamag tayong magka ulayaw at walang sawang pinasaya ang isa't isa. Pagkatapos ay iniwan mo akong basta at hindi na nagpakita pa." Matapos niyang sabihin iyon ay umiyak siya. Totoong umiiyak siya dahil nga pinaghandaan niya ito, nagwork shop pa siya para lang doon.

"Huh? One week?" Takang tanong nito. Magsasalita na sana ulit ito ng biglang pinaghahampas ito ng bride.

"Walang hiya ka! Sabi mo hindi ka tutuloy sa bachelor's party mo! Pero ano to!? Hindi ka lang nagsinungaling, niloko mo pa ako't ngayon ay may nabuntis ka!?" Hiyaw ni Annie, ang bride. Hysterical na ito at nakaupo na sa sahig. Pilit itong inaalo ng kanyang groom pero pinaalis siya nito. "Umalis ka na!"

"Hijo, I think that it's best for us if you'll just go. And expect that there's no more merging between our companies." Mahina ngunit mariing sabi ng ama ni Annie.

"I-I'm sorry." Iyon lang ang nasagot nito pagkatapos ay lumakad na ito palabas ng simbahan. Nang makalapit na ito sa kanya ay hinila siya nito at kinaladkad papunta sa bridal car. Lihim siyang nagdiriwang dahil tagumpay ang misyon niya rito sa America.

Ngunit ng makalayo sila sa simbahan ay nagulat siya ng sumigaw ito, hindi sa inis kung hindi sa tuwa. May saltik ba ang mokong na ito.

"You know what? Thank you. I asked God for a miracle and then poof! You came."

T-teka sinasabi ba niyang niligtas niya ito roon sa simbahan? Parang gusto niya tuloy na kainin na lang siya ng lupa kaysa makitang masaya ang lalaking dahilan ng pagiging miserable niya. May mas lalala pa ba sa nangyayari ngayon?

That Cursed NightStories to obsess over. Discover now