Lulan ng kanyang magarang kotse hindi mapakali ang abogado sa kanyang pagkakaupo. Maingat at mabilis niyang pinapatakbo ang sasakyan, ngunit hindi ganoong kabilis upang lumagpas siya sa itinakdang bilis ng pagmamaneho.
Maraming tanong ang namumutawi sa kanyang isip, mga tanong na kahit siya ay hindi niya mawari ang sagot. Paano kung hindi iyon nangyari? Bakit kailangan pa silang madamay? Ano man lang sana ang kanyang nagawa upang maiwasan iyon? Ang mga ito ang tanong na kanyang hinahanapan ng kasagutan at alam niya sa sarili na walang ibang makasasagot nito kung hindi siya lang.
Bahagyang bumagal ang takbo ng sasakyan dahil sa pagkaipit sa matinding traffic. Tinignan niya ang relo sa pulsuhan, "10:20" basa niya rito. "Bilis, bilis! Ano ba yan!" tila naiinip na sabi ng abogado pagkatapos hampasin ng malakas ang manibela habang hindi pa rin mapakali at napupuno na ng katanungan ang isip.
Sa loob ng labing-isang taon ngayon na lang ulit niya naramdaman ang emosyon na iyon. Tanghaling tapat, maaliwalas ang panahon at mahangin at walang katao-tao sa lugar. Sa wakas ay nakarating na siya sa kanyang paroroonan.
Napatingala siya sa maaliwalas na langit, natatakpan ng mahabang buhok ang namumulang mga mata. "Bakit?" Sambit ng abogado sa sarili na napaupo na sa lapag.Ramdam na ang lamig ng simoy ng hangin na siyang yumakap sa abogado kaya naisipan niya na tingnan muli ang relo.
"....salamat ng marami...." walang buhay na sabi ng abogado ramdam ang lungkot pero nangingibabaw ang panghihinayang. Siya ay napatayo ng may tumawag sa kanyang telepono. Sinagot niya ito at sinabi sa kausap na pupuntahan niya ito upang personal na makausap.
Bago lisanin ang lugar, nagpaalam muna siya sa mga kaibigan. Pagkarating sa lugar ay nakita din niya ang pakay. "Chief." Bati niya dito.
Nag-usap ang abogado at ang binati nitong tsip. "Nasaan ang bata na sinasabi mo Chief?" tanong ng abogado. Inutusan naman ng tsip ang isang pulis upang ilabas ang nasabing bata.
"Wala akong kasalanan,hindi ko alam ang nangyari" mangiyak-ngiyak na sabi. Agad naman na nanlamig ang kamay ng abogado ng marinig ang pangalan ng batang tinutukoy ng tsip. "Chief, ito na yung bata." Wika ng isang pulis pagkaraan ng ilang minutong pag-iintay.
Agad naman na napa-angat ang kanyang paningin sa binatang katabi ng nag wikang pulis. Tila binuhusan siya ng malamig na tubig sapagkat ang batang tinutukoy ng tsip ang siyang naging huling alas upang malinis ang kanyang pangalan.
YOU ARE READING
Kapit sa Huling Alas
Random"Hustisya lang naman ang gusto ko, pero bakit ang hirap naman abutin" -Miguel
