"He's not single!" giit ko.

"He is! Kaibigan siya ni Kuya kaya alam ko."

"No. I know him better. May asawa't anak na siya." I blurted out.

Mas lalong tumaas ang kilay ni Zoe. Naitikom ko naman ang labi. Damn. Bakit ko naman sinabi? Baka pilit na tinatago ni Sandro na may pamilya na siya at hindi ko sinasadyang nabunyag ito.

Oh my god.

"Uh.." nangapa ako ng sasabihin. "I mean.. Baka lang naman. Imposible namang single s'ya d'ba?"

Mabuti na lang at isinawalang bahala ni Zoe ang sinabi ko. May tumawag kasi sa kanya mula sa mga kalalakihang nagbabarbeque sa pool area.

Kumaway si Zoe at lumapit. Hinila ang braso ko patungo rin doon.

Sinalubong kami ng naka gray vneck shirt at black elastic shorts. Malalim ang dimples sa magkabilang pisngi at ang brown na buhok ay magulo. Mapaglaro ang mga ngiti niya nang pinaglandas ang tingin sa buong katawan ko.

"Venus, this is Leandro. Leandro, this is my friend, Venus." binitawan ni Zoe ang braso ko nang magsalita.

I smiled. Naglahad ng kamay sa lalaki. "Hi."

He smiled too. And swear, I thought I have seen the most pretty smile in this lifetime. Nagulat pa ako nang kinuha niya ang kamay ko pero hindi para makipag shake hands. Dinala niya ito sa kanyang bibig at hinagkan.

"I don't shake hands with pretty ladies."

Oh! Zoe giggled. Sandaling napaawang naman ang labi ko. Nang mabawi ang kamay ay pasimple kong pinahid sa aking shorts. I really don't like rich boys who did nothing but to do their crazy rich things. Halatang pilikero ang lalaking ito, halatang mayaman. Pero halata ring umaasa pa rin sa mga bulsa ng magulang.

"Hindi mo sinabing marami kang bisita." wika ko kay Zoe habang papasok kami ng bahay nila at paakyat sa kwarto niya.

"Ha? Hindi ka naman nagtanong?"

Inirapan ko siya. "Para kang tanga. Pahiram ng cellphone mo, tatawagan ko si Kuya."

Her expression suddenly changed. Kita ko ang bahagya rin niyang pagkatigil nang mabanggit ang kapatid ko.

"Uhm. Okay. But I don't have his number."

"Okay lang, saulado ko."

Nag-aalangan pa rin si Zoe nang ibinigay sa akin ang cellphone niya. Papasok kami sa kwarto niya habang inabala ko naman ang sarili sa pagtawag kay Kuya. Panay ang tingin sa akin ni Zoe at inaabangan ang ginagawa ko.

"To whom do I owe this call, Zoe?" ang malamig na bungad ni Kuya sa kabilang linya.

Kumunot ang noo ko. Bakit ang suplado nito? Si Zoe sa aking harapan ay bahagya ring kumunot ang noo. Hindi niya naririnig ang boses ni Kuya pero tila alam niya kung ano ang sinabi nito. She then sighed before turning her back at me. Dumiretso siya sa walk in closet.

"Kuya. It's me, Venus." untag ko.

"I'm sorry. What is it, ven?" he said gently.

"Help me.." I pouted.

"What happened?"

"Yung sasakyan mo kasi, bumalaho doon sa gilid ng daan.."

"Bumalaho?" tumaas ang boses niya. "Ano ang totoong nangyari, Ven?"

Nakagat ko ang ibabang labi. Nahihiya talaga ako sa kanya. Nanghiram lang ako ng kotse tapos 'yon pa ang nangyari!

"Papasok na kasi ako sa kalsada nang biglang may kotse ring paliko. Kaya kinabig ko ang manibela pagilid." sumimangot ako, hindi na tinuloy pa ang sinasabi.

Waves of Lifeजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें