nasa office niya kasi kami dito sa school SSG President din kasi siya at dito kami tumambay, eh may ginagawa pala siya kaya hindi na kami nag iingay dahil masama siya magalit pero tong dalawa ang iingay. Katabi niya naman si Camille, parang ayaw nga umalis ito sa tabi niya eh.


Tumayo naman si Jamie at hinablot ang cellphone ni Cloud mula sa kamay ni Charlie, nagulat naman ang dalawa at mukhang iiyak na si charlie dahil sa ginawa nito kaya napailing iling na lang kami.


"Ano ba kasi ang tinitingnan mo Charlie hah?" tanong ni jamie at habang tiningnan ang cellphone ni cloud. Pilit namang kinukuha ni charlie yung cellphone ni cloud pero iniiwas ito ni jamie habang nakatingin sa cellphone.


Nanlaki ang mata ni jamie at napatakip pa ng bibig,


ano ba yung nakita niya?


"The heck charlie." gulat na sabi nito at mukhang hindi makapaniwala.


"BAKIT MO INIISTALK SI MARIANE!!!" gulat nitong sigaw, hindi din namin maiwasang hindi magulat dahil sa sinabi niya, the f*ck.


Dali daling lumapit si Cloud kay jamie at tiningnan kong totoo nga ito, nanlaki ang mata nito at umawang ang kanyang labi.


daglian kaming tumayo maliban kay Luxurious na nakakunot ang noo, gusto din naming makita kong totoo ba yung sinasabi ni jamie.


sumilip ako dahil marami kaming nakatingin at nanlaki ang mata ko dahil totoo nga, iniistalk nga siya ni charlie sa fb.


Napatingin kami kay charlie na ngayon ay namumula na ang pisnge at tenga nito.


"Teka, bakit mo iniistalk si Mariane?" taas kilay na tanong ni Abby,


"Hoy charlie anong ibig sabihin nito hah?" tanong naman ni cronux.


Umiwas lang ng tingin si charlie at hindi nagsalita. nanlaki ang mata namin marealize ang ibig sabihin nito.


"WAG MONG SABIHING MAY GUSTO KA KAY MARIANE?" sabay sabay naming sigaw maliban kay skyler na nakatayo lang at nakatingin sa cellphone ni cloud, at si Luxurious na nakaupo lang sa swivel chair niya at nakatingin sa amin ng nakakunot ang noo.

napatingin agad sa amin si charlie at namumulang nag salita "P-paano niyo nalaman?" honest niyang sabi at walang halong pagtanggi, bumagsak ang panga namin dahil sa sinabi niya, so may gusto talaga siya kay Mariane, hah! kaya pala, nung sinusubuan siya ni Mariane ng ice cream non, tapos pauwi na kami at nasa van na kami pauwi kilig na kilig siya at parang tangang nakangiti.


"Akala ko ba kay camille ka may gusto?" tanong ni Jamie, napatingin ako kay camille na natahimik lang katabi si Luxurious, bumalik siguro siya sa tabi nito.


"Sino naman nagsabi na may gusto ako sa kanya?" nakanguso nitong tanong.


"Eh lagi kang nakatingin sa kanya na nakangiti, eh kaya akala namin may gusto ka." sabi naman ni cloud at kita din ang inis sa mata nito, ng malaman na may gusto pala si Charlie kay Mariane, bakit kaya?


umiling naman si charlie. "Porket nakatingin ako sa kanya ng nakangiti may gusto na sa kanya? achaka nababaitan lang ako sa kanya kaya ganon ang nagiging reaksyon ko habang nakatingin sa kanya." nakanguso nitong sabi.


umupo naman kaming lahat at nagsimula ng magtanong sa kanya kung bakit siya may gusto kay Mariane.


"Paano ka nagkagusto kay Mariane charlie?" tanong ni klein, pero may kakaiba sa kanya, hindi siya nakangiti ng sabihin niya yon, usually kasi kahit nagagalit siya nakangiti pa rin, pero ngayon may iba, simula ng malaman niya ito, pareho sila ni cloud.


"Hehehe ano ba kinikilig ako." napangiwi kaming lahat dahil para siyang bulate. "hihihi simula nung sinusubuan niya ako hihihi, nagsearch nga ako sa google kong ano ibig sabihin non eh kasi diba parang ang sweet namin tapos nagshare kami ng iisang kutsara tapos indirect kiss pala yon kaya kinikilig ako." sabi nito


"Ng dahil lang don nag kagusto kana?" sarkastikong sabi ni jamie.


tumango tango naman si charlie na parang bata, tss ang childish niya talaga. "Achaka gusto ko akin lang siya, wala ng pwedeng umagaw sa kaniya mula sa akin, dahil akin lang siya, akin." madilim nitong sabi na ikinagulat namin pero nawala na kaagad ang madilim nitong mukha , teka hindi siya ganito dati na mapang akin. Anong nangyari sa kanya?


"Paano ka naman nakakasigurado na walang aagaw sa kanya mula sa sa iyo?" blangkong tanong ni skyler.


"Bakit may balak ka bang agawin siya sa akin skyler?" nakangiti ngunit masamang nakatingin si charlie kay skyler.


nagkibit balikat na lang si skyler at nag salita "Maybe hindi mo naman siya pagmamay ari."


nagulat kami sa sinabi niya, dumilim ang mukha ni charlie na ngayon lang niya ginawa, magsasalita na sana siya ng may kumatok kaya napatingin kami doon sa pinto.


"Come in." malamig na sabi ni luxurious.


bumukas naman ang pinto at inuluwa non si Mariane, kasama yung nerd na lalaki na lagi na niyang kasama, anong ginagawa nila dito?


Naglakad silang dalawa patungo sa table ni Luxurious, at may nilapag siya doon na dalawang sobre,


"President, mag dodrop out na ako este kami pala ni Nathan." seryosong sabi nito, pansin ko rin na nanginginig ang kamay nito.


nagulat kami sa sinabi niya, what the heck mag do-drop out silang dalawa. hindi lang ako nagulat lahat kami dito, ewan ko lang kay Luxurious hindi ko mabasa kung ano ang reaksyon niya.


"For what reason?" nanginig kami dahil lalong lumamig ang boses ni Luxurious.


"L-lilipat na kami ng ibang U-university." nauutal na sabi ni Mariane.


"Why?" Luxurious coldly said.


umiling iling naman si Mariane "It's a private matter." umawang ang labi namin dahil sa sinabi niya, hindi kami makapaniwala na hindi niya kayang sabihin yung rason kung bakit sila lilipat, dati naman kahit hindi importante sinasabi pa rin niya yung nangyayari sa kanya, pero ngayon iba.


"Pero bakit kayong dalawa?" tanong naman ni camille. tahimik lang yung nerd na lalaki.


"Hindi niyo na kailangang malaman." maikli at ulit nasabi ni Mariane. "Aalis na kami." sabi niya, naglakad na silang dalawa papunta sa pinto at lalabas na sana sila ng magtanong si Skyler.


"When?" maiksi nitong sabi.


"Next week." sabi niya at tuluyan ng Umalis.


=END OF CHAPTER 15=




SUDDENLY, REINCARNATED INTO NOVELWhere stories live. Discover now