"Aba dapat lang. Paano nalang kung nag-asawa kayo? Guwapo nga kayo pero hindi marunong sa gawain? Aba dapat marunong. Nabuhay tayo sa mundo para maging patas sa laban ng buhay, kung ano ang kaya namin gawin, kaya ninyo rin gawin. Depende nalang kung tamad ka," Mahabang sabi ni Maye at umirap kay Kiefer.

"Hwag mo ako irapan marunong ako sa gawain kahit lalaki ako at kahit may asawa at wala ako, gagawin ko parin dahil sinasanay ko ang sarili ko, para kinabukasan kung sakali mag-isa ako kung yayaman ako hindi ako aasa sa mga katulong, aasa ako sa sarili at sa mga pinagkakatiwalaan ko," Ani naman ni Kiefer.

"Ayon na nga? Aasa? Mas maganda na huwag ka muna umasa kung ayaw mo ikaw mapa-asa," Mataray na ani ni Maye at umirap na naman.

Hilig umirap. Siguro noong pinanganak si Maye tinuruan na ng doctor, nanay na paikutin ang mata bilang mataray.

Hindi ko alam kung pinaparinggan ba nila ang isa't isa kasi parang may something na hindi ko malaman, 'yong totoo?

"Tapos na ako!" Masayang sabi ni Iyah.

"Himala at hindi nakabusangot." Ngiwing ani ni Alisa.

"Syempre. Naglaro ako ng bubbles ang k-kyut eh tara na! Nga pala ano pinag-uusapan n'yo? At rinig na rinig ko sa kusina ang rambulan voice ni Kiefer at Maye?" Sunod-sunod na tanong ni Iyah at kinuha ang gamit nila kaya kinuha ko ang bag ko.

"Wala naman kami pinag-uusapan ganito kasi." Ani ni Alisa. "Hindi ba nagsabi na kami kung sino ang mahuhugas ng plato kaso napunta ang pag-uusap sa dalawa na si Maye at Kiefer kaya hinayaan na namin sila mag talo kung anu-ano." Kuwento ni Alisa habang lumalakad kami palabas at sumakay sa van.

Daldal ng ni Alisa. Mareng marites ba?

"Tapos?" Rinig kong tanong ni Iyah na nasa likod katabi si Alisa.

"Kung anu-ano. marunong naman 'daw' kuno sila Kiefer sa gawaing bahay. At itong Maye naman ay ang taray-taray ani mo'y parang lagi siya inaaway ni Kiefer. Naku, Iyah! Hindi mo nakita ang pag babangayan nila! Akala mo kung sino mga nag lilinis ng bahay. ih, minsan lang naman mag linis kakapal ng peyslak." Mahabang kwento ni Alisa kay Iyah kaya napatawa ito.

Marites iyan.

Mga ka chismosa ko ako ang queen kaya manahimik mga marites.

Natawa naman sila Lincoln at Kade syempre ako rin para hindi out of place 'di ba? Hahah.

"'Andito na tayo sa School," Sabi ni Kade kaya napanguso ako ambilis naman wala bang extended na time? Mas gusto ko pa makasama ang nga kaibigan ko kaysa sa mga kaklase ko na walang ginawa kung hindi buraotin, utusan, asarin, inisin ako. Kaya nakakatanggap sila ng Batok, Suntok, Hampas, Pingot, Kaltok sa 'kin lalo na irap, pagsusungit ko aba dapat lang.

Ganda ganda kong ito gagawin akong servant nila? Hindi p'wede tatagain ko kinabukasan talaga nila.

Bumaba na ako sa van at bumaba din si Lincoln magpapaalam pala sa kapatid niya. Bumaba na din silang lahat at si Kade tumungo siya sa harap ko at niyakap ako.

"Mamimiss ka namin." Ani niya kaya tumango ako.

"Mamimiss ko din kayo." Ani ko naman habang nakayakap sa kaniya.

Humiwalay siya sa yakap. "Kung sinong mambully sa 'yo sabihin mo lang ah? At gugulpihin ko." Biro niya kaya hinampas ko siya at napa-aray siya.

"Tumahimik ka nga! Baka napatikom ka lang sakanila." Natatawa kong sabi sakaniya at niyakap siya.

Ang bango-bango niya everyday...milo everyday~ ay mali. Ma bango siya everday tapos ako mabaho hahahah! Kidding. Mabango siya ayon lang ang nasasabi ko.

S1: The Fighter Girl In Section GL  (COMPLETED; Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon