Chapter 2

0 0 0
                                    

Nakaraan ang ilang linggo ay maganda din ang naging takbo ng pag aaral namin doon.




(January 29, 2017



Papasok na sana kami ng library ng makita namin ang babaeng buhat buhat ng dalawang lalaki, gusot ang buhok, nangingitim ang labi, at madaming dugo sa katawan.

"Mga tanga, hindi kayo makakalabas ng buhay dito. January 29, mag sisimula ang sumpa ng buhay nyo. Mag sisimula kayong mag sisi at pumasok kayo dito, mag sisimula kayong mangarap na mamatay, kaysa mamatay sa kamay ng kaaway nyo." Bago humalakhak at tuluyang binawian ng buhay.

"Anong tinitingin tingin nyo?" Umalis lahat ng estudyante maliban sa aming lima.

"Ma'am, a-ano pong nangyari sa kanya?" Tanong ko sa aming principal, si ma'am sybil.

"N-nabaliw, hindi kinaya ang pag-aaral. M-may sakit." Nauutal na ani nito at karipas na umalis.

"Okay lang kaya yun?" Tanong ni zero.

"Malay namin, tanong mo sa kanya." Pabalang na sagot ni amber.

"May nasabi ba akong mali? Bakit parang kasalasan ko pa? Bakit?" Nagdadramang usal niya with matching iyak iyak.

"Zero, kase pangalan mo." Sigaw sa kanya ni hayden, ivan at kd.

"Hoy, mga gago kayo!"



Alas-nuebe na ng gabi ngunit hindi pa din kami pinapalabas ng silid, walang kibo ng mga guro at maging ang mga estudyante ay nagtataka.

"Ma'am." Taas kamay na ani ng babae malapit sa upuan ko.

"Yes, rayne?" Rayne.

"Anong oras na po?"

"9:13." Tipid na ani ni ma'am.

"Diba po sa ganitong oras ay dapat nasa kwarto na kami at gumagawa ng aralin ko kaya ay natutulog."

"May pupuntahan ka ba?" Nakataas noong ani ni maam.

"Is there something wrong with what I said, ma'am?" Napanganga ang katabi nito sa sinabi ng babae (rayne).

"Be patient." Nakangiting ani lang nito, medyo creepy ang ngiti ng babae at weird din ito.

"For what, ma'am?" Nagtataka ito at tumingin sa mga kaklase namin. Humalakhak lang ito at kinuha ang balpen nya, nilaro laro nya ito at inihagis kay rayne. Umupo nalang ang babae at walang nagawa.

Weird ang karamihan sa mga tao dito, maging ang mga guro, hindi! Maging ang loob ng gusali. Itim ang buong building, sa tuwing papasok ka ay itim na painting o kaya naman pictures, maging ang pinta ng loob.

"Good evening, students." Huminto ang isip ko ng may babaeng sumulpot sa harapan namin at tiningnan kami. Sybil...

"Ano pong meron?"

"Time na po."

"May event po ba?" Sunod sunod na tanong ng mga kaklase ko. Humalakhak lang ang babae at nilaro laro ang buhok niya.

"Alam niyo ba kung bakit nandito kayo?" Nag bulungan ang mga estudyante sa harap namin maging si amber.

"Mag-aral? Makakuha ng malaking grades?"

"Yes." Tanging nasagot ko habang nakatayo.

"No, we will play. Nandito kayo para maglaro, hindi para mag aral ng mabuti. Kung sa lagay ay makakabalik kayo ng buhay sa pamilya nyo." Nanindig ang balahibo ko, nakita ko din ang iba ay natatawa, takot at bigla ang nasa mata.

"Pwede kayong mamatay at pumatay para makaligtas." Dagdag pa nito.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA." Mahabang tawa ni zero habang nakatingin sa unahan.

"Anong nakakatawa, ijo?"

"Ma'am, nagbibiro po ba kayo? Gago, natawa ako grabe HAHAHHAHAAHHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHHA." Walang tigil na tawa nito.

"Matatawa ka kaya pag inuna kita?" Nakangiting usal ni ma'am, nagsimula ng manindig ng tuluyan ang balahibo ko ng bumunot ito ng baril.

"Nagbibiro lang k-kayo diba?" Pilit na usal ni zero.

"Hindi lahat ng tawa ay biro, dear zero. I'm not here to make you laugh. Naalala niyo? Lahat ng pumapasok dito ay hindi nakakabalik? Tama, alam niyo kung nasaan sila ngayun?" Tanong nito sa amin. Kinuha nito ang maliit na box at ibinigay sa amin. Lahat sila ay kumuha ng papel mula sa loob ng box.

"Ang laman ng papel na iyan ay ang mga pangalan na dapat ninyong mapatay bago lumampas sa dalawang araw, pwedeng kaibigan ang mabunot niyo. Uunahin mo bang maligtas ang taong iyun kesa sa iyong kaligtasan?" Lumabas ito at muling nag-salita.

"Tik-tak. Tik-tak." Turo nito sa kanyang relo at tuluyang umalis.




"Sino ang nakuha mo?" Bungad sa akin ni amber habang nakayukong nakatingin sa kanyang papel.

"Hindi ko alam." Tipid na ani ko habang tulala lang. 'Lette'.... Sino ka?

"Kaya mong pumatay?" Tumigil ito sandali habang pinupunit ang maliit na papel.

"Hindi ko alam." Muling sagot ko. Sumulpot si kd sa harapan namin na nakangiti.

"Bakit ka nakangiti?" Tanong ko.

"Baka kase nasa likod ko lang ang nakakuha ng pangalan ko, mahirap ng mamatay ng malungkot." Natatawang aniya.

"Ulol, unahin kita e." Pag sulpot ni zero.

"Muntik ka na kanina, zero. Buti nalang at napigilan mo yang bunganga mong mabaho." Sulpot ni ivan.

"Nasaan na naman si hayden?"

"Asa ka pang makakasama natin yun? Nandon yun, sa mga shuta niyang mukhang alipunga. Babaero yun eh." Sumbat ni kd.

"Ako na naman?" Nagulat ang tatlo ng sumulpot si hayden mula sa harapan nila.

"Sinong nakuha mo hayden?"

"Bakit? Ikaw ang papatay para sa akin---."

"Nagtatanong lang naman ako." Ani ni zero.

Naglakad kami papunta sa building kung nasaan ang kwarto namin.



"Sino ba kaseng nakuha nyo?" Pangungulit ni zero sa amin.

"Wag kang mag-alala, zero. Hindi ikaw ang nakuha ko." Natatawang ani ni ivan.

"Hindi ba talaga nagbibiro si ma'am, sybil?" Paniniguradong ani ko.

"Sa ilang linggo naming paninirahan ay madami akong nakikitang nilalabas o kaya naman nililibing buhay o patay." Aniya ni hayden.

"Matagal kana dito?" Nagtatakang tanong ni amber.

"Dalawang linggo bago kayo dumating. At sa loob noon ay madami na akong nalaman." Tumingin ito sa akin at agad din umiwas.

"Hayden....." Mahinang ani ko.

"Hm?" Wala ito sa mood na tumingin sa akin.

"Familiar ka. Have we met before?" Clyde?! Nawala ako sa aking sarili ng maalala ko si cylde sa kanya. Mag ka-sing tangkad sila, hugis ng katawan, ngunit mas malaki ang kay hayden.

"Where?"

"Nevermind."

01:12 na ng madaling araw at gising pa rin ako, hindi maalis sa akin ang kaninang nalaman ko at si clyde....

Si clyde, ang ex ko. Tatlong taon na ng makalipas noong nakipag hiwalay siya sa akin sa hindi malamang dahilan. Umalis siya ng walang paalam at kahit tawag ay walang dumating sa akin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 02, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Game Of Death Where stories live. Discover now