Ang dating lubak lubak na aspalto ay sementado na ngayon. Ang mga maliliit na tindahan dati ay napalitan ng naglalakihang kabahayan o 'di kaya'y establisyimento.

Ang dinadaanan ko ngayon ay tubuhan ang nasa magkabilang bahagi. Pagmamay-ari dati ng mga Izobelle. Hindi pa ako nakakarating sa main road.

"I don't even know where that is. Anyway, yung sinabi mong ibibigay mo sa akin dala mo ba?"

Sinulyapan ko ang bag na nakapatong sa shotgun seat. Gamit ang isang kamay ay mabilisan kong tiningnan kung nasa loob nga ba ang souvenir na sinadya kong bilhin para sa kanya. It was an antique watch. Zoe like old things as her collection kaya siya agad ang naisip ko nang makita ko ito sa isang souvenir shop sa Iloilo.

"Yep.. Nasa bag ko--"

Naiwan sa ere ang kung anumang sasabihin ko nang sa pagliko ko papasok sa kalsada ay isang kotse din ang patungo sa aking direksiyon. Agad na kumalabog ang puso ko. Biglaan ang ginawa kong pagkabig sa manibela at bago ko pa maapakan ang preno ay napasadsad na ako sa kabiling gilid ng daan at bumalaho roon ang unahang gulong ng kotse.

Napangiwi ako nang maramdaman ang kirot sa aking noo dahilan ng mahina kong pagkakabangga sa manibela. Damn! Kuya will gonna kill me for this!

Tuloy pa rin ang kalabog ng aking puso nang mahagip ng paningin ko mula sa side mirror na bumukas ang pintuan ng pick-up na muntik ko nang nakabangga.

Nangigigilalas kong inalis ang strap ng seat belt at lumabas ng kotse upang harapin ang driver ng pick- up. Siya ang nasa main road! Dapat ay bumusina man lang siya bago naisipang iliko ang kanyang kotse.

Hindi pa man ako tuluyang nakakalapit ay dumagundong na sa paligid ang boses ko. "Wala bang busina ang kotse mo? Basta ka nalang lumiko at ni hindi inalam kung may palabas ba ng kalsada o wala!"

I tried calming myself when I realized something. On the other side, may kasalanan din naman ako. Hindi rin naman ako bumusina dahil abala sa pakikipag- usap kay Zoe pero dahil ako ang mas nasaktan sa aming dalawa ay kasalanan niya! Ni wala ngang gasgas itong pick- up!

"Are you alright?" The voice was low and deep.

Tila lahat ng confidence na mayroon ako kanina ay naglaho na tila bula nang makita ang lalaking papalabas ng pick- up. Hindi ko masyadong nabigyan ng atensiyon kanina dahil sa galit ko pero ngayong nasa harapan ko na ay tila nagsisi ako sa ginawa. Sana ay minabuti ko na lamang na umiwas at hindi na pinansin pa ang nagmamaneho!

Bahagyang napaatras ako. Ang kaba ay agad na namayani sa akin.

"Ven." ani Sandro sa matabang na boses. "Are you alright?"

His deep and dark eyes swept my anxious face ruthlessly. Napakurap- kurap ako.

"I'm fine.." sagot ko sa isang matapang na boses. Tila gusto kong sabitan ng medalya ang sarili at nagawa kong itago ang parehong kaba at pangangatog ng tuhod. "I'll take care of my car. You can go.."

Hindi na hinintay ang sagot niya ay agad ko na siyang tinalikuran. Bumalik ako sa kotse at halos manlumo nang mapagtanto na hindi ko ito maiaahon kung hindi hihilahin. Damn it! Wala ka talagang mabuting naidudulot sa akin, Ferdinand Alexander Marcos! Parehong sakit ka sa ulo at puso!

Naisip kong magpapasundo na lang ako kay Kuya Rigo kaya hinalungkat ko sa loob ng aking bag ang cellphone ko. Pero wala rin doon. Halos pukpukin ko ang ulo nang maalala na sa dashboard ko nga pala ipinatong iyon kanina. Niyuko ko ang ulo nang makita ito sa ilalim ng upuan.

"Ang sarap lang pumatay!" nangigigil kong saad sabay abot ng braso sa ilalim ng upuan.

"Ano ang ginagawa mo?" napatigil ako sa pag stretch ng kamay ko nang marinig ang boses ni Sandro mula sa aking likuran.

Umismid ako at ipinagpatuloy ang ginagawa. Ngayon ko gustong pagsisihan na hindi ako umikot sa kabilang pintuan upang kunin ang cellphone ko. But, it doesn't matter. Konting stretch pa ng kamay ay alam kong makukuha ko rin ito.

Narinig ko ang sunod- sunod na ubo ni Sandro "Ven." aniya sa seryosong tono. "Your.." he trailed off. "is showing."

Nanlaki ang mga mata ko. Kaya naman nang mahawakan ko ang cellphone ay agad ko na itong dinampot at umayos ng pagkakatayo. Naabutan ko siyang nakapatong ang siko sa bintana ng kotse at ang mga mata ay nakatuon sa tubuhan sa harapan namin.

Y- your ano? Parang gago toh!

Tumikhim ako at taas noo siyang nilingon. Ang shorts kong bahagyang tumaas ay pasimple kong hinila pababa ang laylayan.

"Are you looking at my butt?" tanong ko na dahilan ng pagtaas ng sulok ng labi niya. Muling dumako ang tingin niya sa mga binti ko at kita ko kaagad ang pagdilim ng kanyang ekspresyon.

He cleared his throat when our gaze met. "I am responsible for what happened." aniya na isinawalang bahala ang sinabi ko.  "Ihahatid kita sa bahay niyo para--"

"No thanks.." I cut him off. Ipinokus ang tingin sa cellphone kong hawak- hawak ko na. "Magpapasundo ako kay Kuya Rigo"

"Oh.." he nodded like he just realized something. Tuluyang isinandal ang sarili sa aking kotse. "Okay."

Pero mukhang lahat yata ng kamalasan ay dinapuan ako ngayon nang makita ang cellphone kong basag ang screen. Malakas na napamura ako. Sinubukan itong i- on pero hindi gumana.

"Oh sht!" nasapo ko ang noo.

Nakikita ko na sa isipan ko ang mukha ni Zoe na nag- uusok sa galit. Kagabi pa naman siya excited sa plano namin ngayon.

Isang iritadong buntong hininga ang pinakawalan ko habang muling hinaharap si Sandro na seryosong nakamasid lang sa akin. "Maaari mo ba akong ihatid? Sa pupuntahan ko?"

His lips twitched in amusement. Ilang sandali akong tinitigan bago tumango. "Okay then.. May mga dala ka?" dinungaw niya ang loob ng kotse pero agad na akong umiling.

"Don't even bother.." puno ng iritasyon ang boses ko. "Hindi naman ako lumpo. Kahit na kasalanan mo kung bakit naantala ang lakad ko ngayon ay hindi kita sasamantalahin.."

Kinagat niya ang labi at tinalikuran ako. Hindi na ako pinilit pa kagaya ng inaasahan ko. He is a very different Sandro now. He is now stiff and snob.

Hinugot ko ang susi mula sa ignition at kinuha ang bag ko. Ni lock lahat ng pintuan bago humakbang patungo sa four- wheel drive pickup ni Sandro. It looks like a classic car. Kulay silver at may nakapatong na gulong sa hood. Kumunot ang noo ko. Bakit kaya may gulong?

Pinagbuksan ako ni Sandro ng pintuan at palihim na ismid ang ginawa ko bago pumasok sa loob.

Pagkatapos sabihin ang lokasyon ng pupuntahan ko ay tahimik na kaming dalawa ni Sandro buong biyahe. Abala siya sa kanyang cellphone at sa kalsada at inabala ko rin ang sarili sa pagtingin sa labas ng bintana.

Bumuntong hininga ako at isinandal ang ulo sa gilid. Kung alam ko lang na mangyayari 'to ay hindi na sana ako tumuloy pa. I would rather stay home than to be with Sandro inside this car.

Waves of LifeWhere stories live. Discover now