Pinag-isipan ni Kuya ang lahat ng ito. Alam kong kasama ako sa plano niya noong pinaplano pa lang ang bahay dahil ang veranda ng kwarto ko ay nakaharap sa dagat at kitang-kita mula dito ang bundok sa 'di kalayuan.

Itinukod ko ang siko sa railings na gawa sa kahoy at napipinturahan ng puti. May mga tao sa 'di kalayuang bahagi ng dagat, may mga bangka rin akong nakita. Tanging ang malawak na rock formations lang ang nagsisilbing barrier sa banda nila at sa banda namin.

Pinasadahan ko ng daliri ang lamesang crystal na nasa labas lang din ng veranda. May dalawang upuan na gawa sa rattan at sa bandang dulo, malapit sa railings at glass door ay may hanging chair na yari rin sa rattan. Napailing na lang ako. Kuya knows how I love the sea and the mountains.

I am very thankful to kuya Rigo for everything. Hindi man kami magkapatid na buo, still he was trying to spoiled me with everything.

Nakatulog ulit ako nang mahiga sa kama at nabulabog lang nang dahil sa malakas na pag ring ng cellphone ko. I groaned and searched for my phone under the pillow. Sinagot ko ang tawag nang hindi man lang tinitingnan kung sino ang tumatawag.

"Venus!!" nakakarinding tili mula sa kabilang linya ang kaagad na bumungad sa akin.

Napangiwi ako habang sumasandal sa headboard. Ilang beses na kinusot ko ang mga mata.

"What is it, Zoe?" namamaos kong sinabi.

Ilang beses ba kailangang madistorbo ang tulog ko ngayong araw?

"You seems unhappy. Aren't you glad that we're now breathing the same air, my friend?"

"What?"

"I am here in Tabacalera. Sumama ako kay Kuya since he'll be staying here for business reasons. I'm glad na magkakasama na muli tayo! Let's go party, Ven!"

Nasapo ko ang noo. Maririnig mula sa kabilang linya ang maaarteng tili ni Zoe. I met her in France. Magkaibigan si Kuya Rigo at ang kapatid niya. Pareho kaming Filipino kaya mabilis na naging magkaibigan. Iyon nga lang kapag hindi mo kilala si Zoe ay mapagkakamalan mo siyang maarte, well partly totoo naman talaga. Ang pagiging conyo niya at spoiled ang dahilan kung bakit madalas siyang na mi-misinterpret.

Pero mabait talaga siya.

"Kakarating lang namin sa bahay, zo."

"Oh okay." dissapointed niyang sinabi. "Tomorrow then? Mamasyal ka dito. The place is so so so nice."

Umikot ang mga mata ko. "Okay. Magpapahinga pa ako sa ngayon."

Pagkagising kong muli ay ipinaalam ko kay Kuya na narito si Zoe sa Tabacalera. Nang sinabi ko sa kanya na papasyal ako sa bahay ng kuya nito ay agad siyang pumayag.

"Tawagan mo si Papa at ipagbigay alam na narito ka." ang tangi niyang paalala sa akin.

--

"Ven, nasaan kana? Kanina pa ako naghihintay dito!"

Umikot ang mga mata ko habang patuloy na naririnig ang walang katapusang apura ni Zoe mula sa stereo ng sasakyan. It was just six o'clock in the morning. Kailangan ko pang manghiram ng spare car ni Kuya para makapunta sa kanila. Iritado ako dahil halos hindi ko na makita ang daanan dahil sa makapal na fog.

Ewan ko kay Zoe at bakit maaga pa ako gustong papuntahin sa kanila.

"Malapit na ako sa Rancho ng mga Izobelle, Zo." kalmado kong sagot habang pinupunasan ng tissue ang windshield ng kotse.

I was driving slowly dahilan kung bakit natagalan ako. Kahit na saulado ko pa rin ang lugar ay hindi maipagkakailang malaki ang pinagbago ng Tabacalera sa loob ng tatlong taon kong pamamalagi sa ibang bansa.

Waves of LifeKde žijí příběhy. Začni objevovat