/6/ Bargain and Blackmail

Magsimula sa umpisa
                                    

It's already past four in the afternoon when I arrived at Tita Alicia's residence. I'm secretly hoping na sana nasa loob pa rin ng bahay si Raven—I didn't know where she lives and I'm sure na hindi niya ako rereplyan sa social media kapag sinabi kong magkita kami.

Maid ang nagpapasok sa'kin sa loob ng manor. She looked worried and when I asked her what's wrong, I was surprised on what I've heard. Napansin ko rin kanina sa may gate na may mga bodyguards na nagbabantay.

"Si Ma'am Raven po kasi at si Ma'am Alicia kanina pa nag-aaway."

"B-Bakit po?"

"Kanina pa po kasi ayaw paalisin ni Ma'am Alicia si Ma'am Raven."

It seems like the timing was off for me to come but it's too late to backout. Parang ako 'yung saklolo na kanina pa hinihintay ng kasambahay na naghatid sa'kin papasok sa loob ng mansion.

I instantly heard a familiar voice shouting, nakita ko si Tita Alicia sa may sofa na prenteng nakaupo habang hinihilot ang sentido.

"Damn these clothes! Damn everything about this stupid house!" Boses ni Raven ang umaalingawngaw sa bahay.

At parang confetti na lumilipad sa living room ang mga damit na tiyak kong puro mamahalin. Nakita ko sa itaas si Raven na hinahagis ang mga 'yon mula sa kwarto niya.

Saka naramdaman ni Tita Alicia ang presensiya ko at halatang nasurprsesa sa pagdating ko.

"Hija, you're here—"

"Thank goodness you're here, Lou!" Parehas pa kaming napatingala ni Tita Alicia nang isigaw 'yon ni Raven.

Mula sa ikalawang palapag ng bahay ay nagkukumahog itong bumaba sa sala. She's now wearing dress, malayong-malayo sa porma at itsura niya kaninang nagkita kami noong umaga sa labas. Nakalugay din ang buhok niya, that's the Raven I knew from high school.

Mas nagulat ako nang bigla siyang umangkla sa'kin na akala mo'y napaka-close naming dalawa (well, at least before), what the hell is she doing? I can't imagine my face right now.

Pasimpleng pinandilatan ako ng mga mata ni Raven, hudyat na huwag akong magsalita, like the old times na kinakasabwat niya akong huwag magsumbong sa Mommy niya.

"Lou—"

"I called her, Mom." Kaagad na putol ni Raven sa kanyang ina. "May lakad kami and you won't stop me from leaving this house."

Bago pa makapagsalita si Tita Alicia na ngayon ay napatayo na sa kinauupuan niya'y hinila ako ni Raven palabas ng bahay.

My mind was too stunned to speak or to ask what she's up too. Tumigil lang kami sa may labas nang biglang humarang ang mga bodyguards.

"Let them." Parehas kaming lumingon ni Raven at nakita si Tita Alicia sa pintuan, napabuntonghininga siya at tumingin sa'kin. "You two take care." At muli itong pumasok sa loob.

Pinadaan na kami ng mga bodyguards at nang makalabas na kami ng gate ay saka lang ako binitawan ni Raven na akala mo'y mayroon akong virus.

"What was that?" sawakas ay natanong ko na rin. I got so many questions.

"Mind your own business, Lou." Halos mapanganga naman ako nang sabihin niya 'yon habang hinubad ang heels na suot at nagsuot ng rubber shoes.

"I suppose you'll have to thank me." Kundi dahil sa'kin ay hindi siya makakalabas ng bahay.

"Bakit kita pasasalamatan? It's your fault I came here in the first place."

"Raven—" napanganga na 'ko nang tuluyan dahil nakuha niyang magsuot ng malaking t-shirt at hinubad ang dress na suot. Mabuti na lang walang ibang tao sa kalsada. "N-nag-away ba kayo ng mommy mo?" What happened?

AlpasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon