"Charan! Nahanap ko na!" masayang sigaw niya at tuwang tuwa naman ang dalawa, "Isuot mo ito, Miracle. This is new, don't worry." ngumiti siya sa'kin.

"S-Susuotin ko yan?" naguguluhang tanong ko habang nakatingin sa hawak niya.

"Of course, baby! Dali na isuot mo na! Antay lang kami sa labas." ibinigay niya sa'kin ang two piece at lumabas naman silang tatlo.

Napanguso ako habang nakatingin sa hawak ko. Hindi ako sumusuot ng ganito 'e pero wala akong magagawa dahil sa tatlong iyun. Napakamot nalang ako ng ulo.

Pagkatapos kong mag bihis ng two piece ay nag suot naman ako ng manipis na parang towel siya na nakikita kung suot din ng ilang mga babae dito. Hindi ko alam kung anong tawag dito 'e.

Isinuot ko iyun sa bewang ko at bahagyang natakpan nun ang panty ko pero kita pa din. Lumabas naman ako at nakita ko ang tatlong nag-aantay. Narinig nila siguro ang paglabas ko kaya napatingin sila sa'kin. Nahihiya naman akong ngumiti.

"Omg!" sabay sabay nilang sigaw habang nakahawak pa ang kamay sa bibig nila.

"You're so beautiful in that two piece!"

"Ang hot mo, baby girl!"

"Ghad, tiyak na magagalit nito si Aywayne."

Napatingin ako kay Ate Daisy sa sinabi niya at kumunot ang noo ko.

"Bakit naman po siya magagalit?" takang tanong ko.

Napairap siya at umangkla sa braso ko, "Syempre ang sexy sexy mo, tiyak na maraming titingin sayo kaya magagalit ang baklang yun pero nakakakilig yun panigurado." napabungisngis siya ganun din ang dalawa.

Magagalit na nga si Ay-Ay tapos kikiligin pa sila? Napakamot nalang ako ng pisngi ko.

"Wait, bakit may pantal sa leeg mo?" nanlaki ang mga mata ni Ate Hazel habang itinuturo ang parte ng leeg ko na may pantal daw.

"Omg! Chikinini!" sabay sabay na sigaw nila at hinampas pa ako na ikinangiwi ko.

"Ano, bhe? Masarap ba? Pero alam ko naman na masarap yun dahil nag-gaganun naman kami ni Gael." humalakhak si Ate Daisy na ikinataka ko.

Anong nag-gaganun?

"Gaga ka, huwag mo nga dumihan ang utak ni Miracle. Baka hanggang halik lang naman sila."

"Oo nga, hindi pa yun magagawa ni Aywayne."

Hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila! Magsasalita na sana ako ng bigla nila akong hilahin.

"Huwag mo ng isipin ang mga sinabi namin." napabungisngis sila.

Pumunta nalang kami sa mga pinsan ko na nakaupo sa isang bahay pero walang dingding, bubong lang. Mag bodel fight daw kami dun mamayang gabi dahil huling araw nalang namin dito. Bukas ay uuwi na din kami.

Miss ko na si Danreb at Erin 'e. Kamusta na nga kaya silang dalawa? Gusto ko ng umuwi para makapag bonding na kaming tatlo.

"Pwede ko bang mahiram ang asawa ko?" nagulat kami sa pag sulpot ni Ay-Ay at salubong na salubong ang kilay niya.

Napalunok naman ako habang nakatingin sa magaganda niyang mata na ngayon ay galit na. Parang nanghihina ako kaya nag iwas ako ng tingin.

"Oh sure. Enjoy." kumindat sila sa'kin at linapitan na nila ang mga boyfriend nila.

Napatingin naman ako sa kamay kong nilalaro ko dahil sa kaba kay Ay-Ay ngayon.

"Bakit ka nakasuot ng ganyan?" napaangat ako ng tingin sa'kanya at lumunok.

My Husband is GayWhere stories live. Discover now