"What?! Bakit mo siya iniwang mag-isa dun?! Alam mong hindi siya marunong lumangoy?!" galit na galit na sigaw ni Ay-Ay kaya hinawakan ko ang kamay niya para kumalma.

"W-Walang kasalanan si Ate Daisy. Ako ang may kasalanan. Nakita ko kasing nalulunod ang bata kaya sinagip ko p-pero hindi ko naman inaasahan na ako ang malulunod." naiiyak na sabi ko at ramdam ko din ang panginginig ng kamay ko hindi dahil sa lamig kundi sa takot.

Nung oras kasing iyun ay parang mawawala na talaga ako dahil halos hindi na ako makahinga at hindi na dun ako makagalaw dahil may parang humihila sa'kin pailalim.

"Thanks to Noel dahil niligtas ka niya." sabi ni Kuya Hanz na nandito din pala.

Wala ngayon sila Mama dahil nauna na silang umuwi kaya hindi nila alam ang nangyari sa'kin pero huwag na sana nilang malaman dahil ayoko na silang mag-alala.

Si Noel pala ang lalakeng nakita ko bago ako mawalan ng malay. Napatingin ako sa paligid pero wala na siya.

"Umalis na siya matapos kang ma-cpr dahil kailangan pa din niyang i-check ang batang niligtas mo kanina." sabi ni Kuya Greg kaya napatango ako.

"Cpr?" kunot noong sabi ni Ay-Ay.

Ngumisi si Kuya Greg, "Wag mong pairalin ang pagka-seloso mo. Ang mahalaga ay niligtas niya ang baby girl namin."

"Tss." sabi na lang niya at bigla niya akong binuhat na bridal style.

Hindi naman ako tumanggi dahil nanghihina pa rin ang katawan ko ngayon. Ipinikit mo nalang ang mga mata ko. Maya maya pa ay naramdaman kung inihiga niya ako sa malambot na higaan kaya napadilat ako. Naupo ako sa kama. Lumuhod siya sa harap ko at hinawakan ang kamay ko.

"I'm sorry kung wala ako kanina. S-Sana hindi nalang kita pinayagang maligo dun sa dagat." nakayukong sabi niya.

Umiling iling naman ako, "Wala kang kasalanan. Hindi ka naman ang nagdesisyon na tulungan ang bata kaya ako ang may kasalanan."

Napaangat siya tingin at hinawakan ang pisngi ko.

"Bakit ba kasi ang bait bait mo, napapahamak ka tuloy." napanguso naman ako sa sinabi niya.

"At least niligtas ko ang bata, diba?" ngumiti ako sa'kanya.

"Tsk, maligo ka na sa banyo. Antayin kita."

Iniwan ko naman siya dun at pumunta na ako sa banyo para makapag banlaw na. Paglabas ko ay hindi ko na siya makita sa kwarto kaya nahiga muna ako.

Naalala ko na naman tuloy ang nangyari kanina. Parang ayoko ng maligo sa dagat o kahit saang tubig na malalim. Natatakot na ako na baka maulit uli iyong nangyari sa'kin kanina.

"Are you ok, now?" napatingin ako sa pinto ng bumukas iyun at iniluwa si Ay-Ay na may dalang kape.

Naupo naman ako sa kama at inabot niya sa'kin ang kape. Tumango tango ako at sumipsip ng kape.

"Are you sure?" tanong niya habang hinahaplos ang buhok ko.

Napatingin ako sa'kanya, "Kailan pa akong naging si sure?"

Natawa siya ng mahina na masarap sa pandinig ko.

"I guess your ok now. Hindi muna naman na-gets ang sinasabi ko." umiling iling na sabi niya.

"Hindi naman kasi ako si sure 'e." sumipsip ako ulit ng kape.

"Tss." tanging nasambit niya.

Tahimik lang akong umiinom ng kape habang siya ay pinagmamasdan ako kaya naiilang ako. Bakit ba kasi niya ako pinagmamasdan pa?

My Husband is Gayजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें