Naalala ni Jamie ang araw na iyon kaya hindi nya maiwasang pangilabutan ulit ng balahibo. Isa ang gabi na iyon sa mga gabing hinding hindi nya makakalimutan. Buti na lamang bumalik si Jose noong gabing yun kasi kung hindi! Hindi nya alam kung ano sigurong nangyari sa kanya.


"Mabuti nalang talaga gabi gabi kang sinusundo ng boyfriend mo kaya sigurado akong ligtas kang nauwi sa inyo. Hindi mo lang alam ang kaba ko sayo. Alam mo namang para na kita kapatid diba." Nakangiting sabi ni Jose kay Jamie.


Napangiti naman si Jamie.

"Oh sya! Bago pa humaba ang usapan na ito. Basta akin ang table 6 hanggang 15, sigurado namang tutulong din yun si Manager sakin kaya wag kang magalala. Magfocus ka lang sa table 1 hanggang 5 tamang tama, tapos na shift ni Zean, tapoa mukhang patapos na din yung nasa table 1-3 kaya makakapaghanda ka pa at hindi ka pa mangangarag! Basta pag kailangan mo ng tulong, puntahan mo lamang ako ah." Sabi ni Jose kay Jamie.

"Opo! Kuya! Masusunod po!" Sabi naman ni Jamie sa kanya.

Pipitikin sana ulit ni Jose si Jamie pero ito ay nakailag na sa kanya.

"Ayan ka nanaman eh! Mamimitik ka nanaman! Bakit ba napaka brutal mo sakin!" Pagaalmang sabi ni Jamie.

"At sino nagsabi sayong tawagin akong kuya!"

"Hahaha wala! Para ka kasing kuya sa mga pinagsasabi mo kanina! Di ba kuya!" Pagbibirong sabi ni Jamie

"Aba talagang!" Susugudin sana ni Jamie si Jose pero agad agad ng lumayo si Jamie.

"Bye! Bye! Kuya! Maghahanda na ko sa shift ko!" Masayang sabi ni Jamie.

Jose can only laugh while shaking his head looking at him.

"Ang cute talaga ng isang iyon!" Jose said then he turn around to tend to the tables.

~~~~

After 5 hours of working, mag aalos onse na ng gabi ngunit hindi parin kumukonti yung customer sa restau-bar. Busy parin si Jamie sa pagaasikaso ng mga customer na umuupo sa table na nakaassign sa kanya.

Pagod man ngunit hindi nagpapahalata si Jamie.  Sa katunayan ay masaya sya kasi sa wakas naranasan na nyang maging Waiter. Matagal nya nang gusto itong role na ito, higit kasi sa masasanay siyang makiharap sa ibang tao dahil dito, ay higit na mas malaki talaga ang kita ng isang Waiter kesa ng isang dishwasher. Nagsasawa na rin sya sa halos araw na araw na pakikiharap sa bulto bultong Plato at baso na kailangan niyang hugasan.

Kasalukuyan nyang kinukuha yung order sa isang table.


"Hello, Sir! Welcome to Mabuhay Restau-Bar! Pupwede ko na po bang makuha yung order nyo?" Nakangiting tanong ni Jamie sa mga lalaki ng nasa table na nakaatas sa kanya.

Nung una ay hindi pa nakikita si Jamje ng isa sa mga lalaking nasa harap nya dahil abala ito sa mga babaeng nakapulupot sa kanya.

"What do you want, baby! I can get you anything?" Tinanong ng lalaki sa kasama nyang babae


"How about I'll have you instead daddy!" May halong paglalandi sa boses ng babae ng kanya etong sinabi.


"Aba, hindi naman pupwede yun! Baby din ako ni daddy! Hindi mo sya pwedeng sinusolo noh! Daddy, diba baby mo din ako" sabi naman ng isang pang babae na nakakabit sa lalaki.


"Sir, hello po! Pasensya na po sa istorbo pero kailangan ko na pong makuha yung order nyo." Sinubukan ulitin tanungin nila Jamie yung customer ngunit parang hindi sya naririnig neto.

Medyo nairita na tuloy siya, sa limang oras kasi na nagduty sya as waiter ngayon lamang siya nagkaroon ng customer na ganito. Yung mga kanina kasing customer ay mababait naman ito sa kanya.

"Opppsss! My baby number 2 is nagtatampo na ba? Okay! How about you baby! What do you want to have! I will buy you everything you want! Name it and I will give it to you!" Malanding sabi ng lalaki, sobrang nandiri si Jamie sa nakikita nya.


Maya't maya kasing hinahalikan ng lalaki yung mga babaeng kasama nya. Yung mga babae akala mo gustong gusto nila yung ginagawa sa kanila.

"Sir! Sir! Please tell me na po kung anong gusto nyong orderin para makaalis na po ako dito!" Sabi ni Jaimie na hindi nya naiwasang magboses na naiirita.

Agad agad naman etong nakatakaw ng pansin ng customer. Nanlilisik ang mata nito ng humarap kay Jamie. Hindi tuloy maiwasan ni Jamie na makaramdam ng konting takot at mapaatras ng konti.

"Sino ka bang walanghiya ka! Bakit napakaistorbo mo! Nakikita mo nang kinakausap ko pa ang mga babae ko ah! Bulag ka ba o sadyang tatanga tanga ka lang!" Pagalit na sabi ng customer kay Jamie.


"Sir, pasensya na po! Hindi ko po sinasadya na istorbohin kauo sa mga ginagawa nyo pero umupo po kasi kayo sa table na ito kaya po dapat magorder po kayo na siya pong ginagawa ko. Lumapit po ako dito para tanungin sa inyo kung ano yung order nyo pero eto kayo, hindi nyo po ako pinapansin!" Sabi ni Jamie. Sinusubulan nyang maging magalang ngunit naiirita na talaga din sya


Agad agad namang binitawan ng lalaking customer ang mga babae nya. Mukha syang hindi makapaniwala sa mga narinig na sinabi ni  Jamie.


"Ha. Ha. Ha! (Laughs sarcastically) Aba malakas ang loob mong sumagot ahh hindi mo ba ako kilala?" Pagalit na sabi ng customer.

"Hindi po Sir! Pero sa tingin ko po hindi ko naman po kayo kailangan kilalanin para makuha yung order ninyo diba?" Sabi ni Jamie na mas lalong nagpagalit sa lalaki.

"Aba malakas ang loob mo ahh! Hindi pocket nakabihis lalaki ka, hindi ko alam na bakla ka! Alam ko na yang style mo! Magtatapangtapangan ka para maimpress mo ko then para makukuha mo attention ko. Kilala ko na mga tulad mo! Mga salot sa lipunan na naghahanap ng lalaking tumira sa kanila! (Humarap sa mga babae nya) diba babies! Tama si daddy!" Malokong tanong ng lalaki sa mga babae

"Tama daddy! Tama!" Sabay pang sagot ng mga babae! Hindi tuloy maiwasan hindi mainsulto ni Jamie. Kaya hindi na nya napigilang mas sumagot pa.


"Aba! Sir! Teka lang naman po, sumusobra na po  kayo ahh! Hindi nyo po ako kilala para pagsilataan nyo ng ganyan! Napakasakit nyo naman pong magsalita! Bawiin nyo po yun!" Galit na sabi ni Jamie.

"Bakit ko babawiin, totoo naman ah! Baklang salot ka!" Natatawang sagot ng lalaki, babalik na sana ito para umupo katabi ng mga babae nya ngunit pinigilan sya ni Jamie

"Sinabi ng bawiiin mo yung mga sinasabi mo!" Medyo nahatak sya ni Jamie kaya medyo na out balance yung lalaki. Mabuti nalang talaga, medyo maingay sa lugar na ito kaya hindi pa sila nakakaagaw masyado ng attention. Kung hindi ay patay si Jamie.

Kung kanina ay medyo natatawa pa ang lalaki sa mga sinasabi ni Jamie, ngayon ay napalitan  ito ulit ng galit.

"Aba talagang malakas ang loob mo ahh!" Sinasabi nya eto habang hindi nakaharap kay Jamie. Hindi tuloy nakita ni Jaime kung gaano nagaapoy sa galit ang lalaki.

Mamaya ay bigla itong humarap kay Jamie at aakma sana itong susuntukin si Jamie, ngunit hindi nya ito nagawa ng...

"Sige! Subukan mong gawin yung tingin kong gagawin mo! Tingnan lang natin yung anong sunod na mangyayari sayo! Kasi sisiguraduhin ko! Manghiram ka talaga ng buhay kay San Pedro!" Paggalit na sabi ng lalaki habang hawak hawak yung kamay ng customer na bumastos kay Jaime.

TO BE CONTINUED

WAANJAIMJORA

Twisted Fate Book 1 ♡Completed♡Where stories live. Discover now