Chapter Two

4 0 0
                                    

" Gwyn Ambroise Ortega"


Napukaw ang atensyon ko sa mga kaibigan ko.

Tama sila dapat ko na talagang kalimutan si

CD kasi ako lang din nagbibigay sakit sa

damdamin ko.

Patungo na kami sa kanya-kanyang rooms.

Hindi kami magkaklase dahil magkaiba kami

nang nakuhang kurso.

Papasok na ako sa room ko.

"Hi, Amber" - sambit ng kaklase kong si aiden.

Tumango lang ako as a response.

"Oy beh, Kilala mo ba si Chase David?"

Bigla na namang nanikip ang dibdib ko nang

marining ko ang pangalan nya.

"Oo, bakit?"

"Break na daw sila ng girlfriend nya."

"hala!!" - sabay sabay nilang sabi.

"oo beh tagal na daw, nanuod kasi ako
kahapon ng interview nya, kaloka talaga!!"

"Kaya pala absent ka kahapon?"

"Oy hindi no! Sa tv ko lang pinanuod saka
masakit naman talaga ulo ko ah!!"

"Sympre kay aga-aga chismiss ka ng chismiss jan malamang sasakit talaga ulo mo nyan"

" STFU, Aries!!!"

So, Sinabi na nya pala na break na kami?

Grabe!

Speechless ako.

" ah-- a--amber?"

may kumalabit sa braso ko.

Napatungo agad ako.

" ha?"

" umiiyak ka ba?" -alalang tanong sakin ni Chloe

" ha?ha?"

Napahawak agad ako sa aking pisngi at naluluha nga ako.

" Okay ka lang ba?"

" May okay bang umiiyak?" - sagot naman ni Zen

" Nasasaktan ka din ba para kay CD? "

" Lately ganyan ka na,Amber. Wala ka bang sakit?"

Nabablangko ang isip ko sa mga sinasabi nila. Hindi ko alam kong bakit hindi ako makasagot ng maayos.

" oh ayan tulala ka na naman"

" depress yata to eh HAHAHAHA" pabirong sabi ni Kyle

" Bunganga mo, Kyle!!"

" Cr lang ako" - paalam ko dito.

Tapos tumakbo na ko papuntang CR. Ang bigat bigat sa pakiramdam. Dapat kasi hindi muna ako pumasok lalo't sobrang sensitive ko pa. Kahit saang lugar ako pupunta makakarinig talaga ako ng about sa break up namin ni Chase.

Chase is a Model Artist at the same time isa din siyang Celebrity. He's so famous kaya kilala talaga sya. He's my boyfriend for 5 years and sa 5 years na yon never nya man lang ako pinakilala sa mundo. Pag nagkita naman kami naka-disguise sya. Hindi kasi pwedeng mag girlfriend sya ng none-showbiz kaya tiniis ko yon. Mahal ko eh saka for the sake of his career naiintindihan ko. Pero bat ganon yung pinakainingatan kong relasyon nasira dahil lang sa nalaman ito ng manager nya.

Why would he choose his career over me? Hindi ba pwedeng ako rin piliin nya. Bat hindi? t_t

D ba ko deserving?

Bat ganon lang sakanya ka dali bumitaw. Bat hindi sya nasasaktan. Tapos pinublic nya pa na officially wala na kami.

I sat at the toilet and as usual umiyak ulit ako.

Hinanap ko agad ang phone ko to text Chase.

Text Message:

  
    Are you free later? Usap naman tayo, Love. I miss you so much. Please reply ka naman oh

Text Message Sent.

I waited 5 minutes pero walang reply. Binuhos ko ang oras ko sa cr hanggang sa nag bell na ito. Tumingin ako sa relo ko at 11:50 am na pala. Dali-Dali akong lumabas sa cr. At nakita ko agad mga kaibigan ko na nasa labas nag aantay.

" Okay ka lang ba? You look pale na oh" -inaayos- ayos pa ni reign ang buhok ko

"Tama na yan. Anu ka ba!! Nasasaktan rin kami nu kapag ganyan ka. Isipin mo nalang na malalagpasan mo rin to, na magiging okay ka rin balang araw. Ayusin mo na sarili mo beh" - angel said while she wiped her tears.

They hugged me.

I felt warm but at the same time I miss chase hug.:((

Kasi kapag down na down ako before sya yung nagcocomfort sakin. He gave me a warm hug at ito miss na miss ko na talaga sya.

"Uwi na us?" - putol ni Phia sa kalagitnaan ng yakapan

"Yeah" - I response.


- At home -

"Good Noon Ma'am" - Yaya

"Same Yaya. San po si mommy?"

"Ah umalis po sila ma'am saka nga pala hindi sila makakauwi ngayon kasi may meet up daw sila ng business partner nya"

"Ganon ba? Sige ya, Salamat"

Lumakad na ako papuntang kwarto.

"Ah ma'am sabi po ng daddy nyo na puntahan nyo raw sya bahay nila kasi may dinner daw duon saka hindi na po ako nakapagluto kasi day off ko rin ngayon ma'am"

"okay"

Galing ako Broken Family. Yung Mom ko busy lagi sa business nya then yung Father ko naman may bago nang pamilya. May half sister ako kasing edad ko rin. Alam nyo ba nung buntis yung mommy ko sa akin, buntis din pala yung babae nya.

Crazy right?

Nagbihis na ako ng aking damit at naisipan kong umalis. Gusto kong uminom dahil lugmok na lugmok na ko sa sakit.

"Yaya, Just turned off the lights na lang kapag aalis kana mamaya. Thanks" - habilin ko dito bago umalis sa bahay.









You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 04, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

YOURSWhere stories live. Discover now