"Oh sorry." Salita naman ni Aaron. "Mabalik tayo sa sekretarya mo...hindi ba unfair kay Rachel na meroon kang ganyan secretary? I mean hindi mo alam baka isang gabi na pagoovertime niyo hindi mo napigilan ang sarili mo habang si Rachel at si Gracie ay hinihintay ka sa bahay na halos mamuti na ang mga mata tapos ikaw ay nagpapakasaya. Unfair." Pakiramdam ko naman ay bumigat ang dibdib ko sa scenario na iyon na sinabi ni Aaron.

"Loko-loko! Huwag mo akong igaya sa'yo. Huwag ka ngang magpapaniwala kay Aaron, Rachel." Nagkibit balikat lang ako.

"Gaya nga ng sinabi ni Aaron sa papel lang tayo Sac. Ang pinakamain goal ko lang ay ang bata--" Nagulat naman ako ng magring ang phone ko. "Excuse me." Tiningnan ako ni Sac na tila inaalam kung sino ang tumawag. "Si Gracie. Videocall. Maiwan ko muna kayo." Ngumiti sa akin si Sac at binigyan ako nito ng permiso. Hindi naman ako lumabas ng kwarto. Naupo lang ako sa pinakamalayong upuan sa kanila at sinagot ang tawag ni Gracie.

"Hi baby ko!" Hinarap kong maayos ang phone sa sarili ko dahil sa videocall ito. Nakita ko naman si Gracie na ngiting-ngiti sa akin.

"Nanay! Maaga po uwian namin kasi may meeting ang mga teachers." Ngumiti ako. Alam ko na maaga ang uwian nila dahil nakalagay iyon sa daily activity notebook niya. "Are you coming home na po Nanay? I have alot of assignments and I need help. And-and I want to show you something." Nakapout pa ito sa akin. Ang cute talaga niya.


"What is it,baby?"

"Secret. Later na lang po. Uwi ka na po Nanay." Pangungulit pa nito.

"Pauwi na rin baby. Malapit na. Do your assignment first before playing. Nanay will check later and will help you on what you don't know."

"Okey po. Nanay, gusto ko po ng banana." Natawa ako rito..

"Sige po bibili ako mamaya para sa baby monkey ko." Tumawa naman si Gracie.

Napatingin naman ako kina Aaron at Sac at nandoon na naman bigla si Margaux. Nag-uusap sila pero napansin ko naman nakatingin sa lugar ko si Sac. Nginitian pa ako nito at sinenyasan kung okey lang daw ba ako. Tumango ako.

"Sino kausap mo, Nanay?" Ngumiti ako.

"Si Daddy." Mahina kong bulong. Nandito kasi si Margaux at ayokong marinig ako kahit masyadong malayo naman sila sa akin.

"Hi Gracie!" Nabigla naman ako ng marinig ko ang boses ni Sac sa likod ko. "How's your day?" Hindi ko napuna na nasa likod ko na ito.


"Hi Daddy! Why are you with Nanay? Are you coming home now with her?"

"Sac..." salita kong mahina. "Nandito si Margaux." Alala ko.

"She is currently busy with Aaron." Bulong nito. Tiningnan ko sila at nakita ko ngang si Aaron na abalang abala rito. "Mamaya pa baby. Masyadong maaga pa. Si Nanay uuwi na."

"Uuwi? Alas-kwatro pa lang." Bulong ko.

"Maaga uuwi si Nanay ngayon kasi di ba maaga kang umuwi." Sabi nito kay Gracie. "Umuwi ka na. Isang oras na lang naman uwian mo na." Mahinang sabi nito sa akin.


"O-okay baby. See you soon."

"Nay iyon banana ko po." Natawa ako.

"Opo, ate."

"Nagpapabili siya sa'yo ng saging?" Mahinang sabi ni Sac.

"Oo, simula noon naospital ka at pinakain ko siya ng bananaque nakahiligan na niya."

"Magbabanana que ka? Please leave some for me." Natawa ako. "Bakit?" Nagtataka nitong tanong.

"Mag-ama nga kayo." Ngiti ko at ngumiti rin siya sa akin.

Impression on the HeartWhere stories live. Discover now