Sabay naman kaming napatingin sa pinto ng magbukas iyon at mula roon ay may magandang mukhang babae ang lumabas. Mukhang hinahanap nito si Sac at ng malocate nito ito ay saka tuluyan pumasok. Nagulat naman ako sa suot nito. Tinalo pa nito si Becca sa sobrang skimpy ng suot at taas ng heels. Halatang-halata ang magandang hubog ng katawan nito at talagang halos namangha ako kung gaano kakinis at kaputi ang maganda niyang legs.

"Oh..." Narinig kong boses ni Aaron. "Baby, where have you been all my life?" Napailing na lang ako sa sinabi ni Aaron ng dumaan ito sa harap namin. Ngumiti ito at kinindatan naman ito ni Aaron. Sinundan pa ng tingin ito ni Aaron na para bang hinuhubaran na niya ito habang titingnan. Naalala ko naman ang sinasabi niyang trophy wives at good wives kaninang tanghali. Somehow ang hirap paniwalaan ngayon na naggaling iyon sa kanya.

Natapos na ang pakikipag-usap ng isang manager at lumapit na ang babae rito. Kaagad rin tumayo sa kinauupuan namin si Aaron at mabilis na naglakad patungo kay Sac. Iba ang lakad ni Aaron ngayon. Ito ang lakad niya kapag nang-aakit ng babae. Sumunod na lang ako sa kanya. Landi talaga ng lalake na ito.

"Nasa table niyo na po, sir lahat ng kailangan niyo. Natawagan ko na rin po lahat ng gusto niyong patawagan. Meroon pa po ba kayong iuutos, sir?" Malambing na salita pa ng babae. Ngumiti naman si Sac rito.

"Thank you, Margaux, good job."

"Oh hi Margaux! Aaron nga pala." Inabot ng babae ang kamay kay Aaron at hinalikan naman ito ng flirt. Naggiggle pa si Margaux.

"Margaux, Aaron here is one of my senior managers. And... Rachel." Tawag sa akin nito kaya mas lumapit pa ako. "Rachel is one of my events manager." Tumango ako sa babae at ngumiti ito ng malaki sa akin. "Rachel, please meet Margaux, my new secretary." Kinamayan ko naman ito. Hindi ko alam na bago na pala ang secretary niya. Ang huling sekretarya niya na alam ko ay iyon matandang babae. Mukhang nagretire na ito.

"Well, kailan ako magkakaroon ng ganyang kaganda at kasexy na secretary, Sac?" Sinamaan ko ng tingin si Aaron sa reklamo nito.

"Margaux, you can go now." Dinismiss na ito ni Sac pero nakatayo pa rin ito at nakatingin rito. Mukhang smitten rin ang babae na ito kay Sac.

"Baka may ipag-utos pa po kayo. Dito na lang po ako." Ngumiti ng malaki si Sac. Isa pa ito. Mga lalake talaga. Basta maganda at sexy na babae. Sarap batuhin lang ng sapatos. Kung makaasta ay parang walang asawa...tsk! Sige Rachel, magselos ka pa. Wala ka naman karapatan. Nanay ka lang ni Gracie hindi ka asawa ni Sac. Gumising ka sa katotohanan.

"Thank you, Margaux pero may pag-uusapan kasi kami. Tatawagan kita kapag kailangan." Nahalata ko naman ang hint ng pagsimangot ni Margaux. Gusto kong sabihin rito na huwag na lang umasa kay Sac. Walang patutunguhan iyan. Pero sabagay...baka nga ang tipo nito ay iyon kasing ganda, kasing sexy at kasing bata ng bagong sekretarya niya. Baka magbago ang pananaw ni Sac dahil dito. Napailing ako. Sige Rachel nandiyan ka na naman sa pagseself pity mo.

"Si-sige po Sir." Para naman nagdabog ito ng umalis. Sinundan lang ng tingin ng dalawang lalakeng kaharap ko ang umiindak na balakang ni Margaux.

"Kulang na lang lapain niyo na ha?" Irap ko pa sa kanilang dalawa.

"Uy selos. Selos ka ba cupcake ko? Okey lang iyan. Ikaw pa rin para sa akin ang pinaka the best." Nagulat naman ako ng inakbayan ako ni Aaron. Tumikhim naman bigla si Sac. "Ay sorry! Nacarried away lang. Pero teka, papel lang naman ang relasyon niyo 'di ba?" Tinanggal naman agad ni Aaron ang pag-akbay niya sa akin.

"Sa papel man lang iyon pero matuto kang gumalang sa relasyon nakasulat doon." Napatingin naman ako kay Sac sa sinabi niya. Hindi namin nacover mabuti kasi sa set up namin kung papaano kapag may nagustuhan kaming iba? Gray area iyon ng kung anong meroon kami.

Impression on the HeartWhere stories live. Discover now