3:30 pm na din pala, pero wala pading signal si Christian kung ano bang gagawin namin ngayong anniversary namin.

Nanuod muna ako ng tv, nag iisip kasi ako kung paano ko ito ibibigay sakanya e.

Habang nanonood ako bigla siyang nag text saakin.

From: Beb

Maligo ka na beb, wear dress. I'll pick you up at 6pm. See you! :*

Ano kaya ang pakulo ng magaling kong boyfriend sa anniversary namin ngayon.

Mga 4:30pm na ako maliligo, maaga pa naman e. Manunuod muna ako.

**

Hala, 5pm na pala! Nag enjoy ako masyado manood. Kailangan ko nang maligo. Agad-agad akong naligo.

45 minutes akong naligo, nako mag 6pm na. Baka nasa baba na siya. Pumunta agad ako sa closet ko, ugh! hindi ko alam kung anong isusuot ko. Ang dami kong dress, pero hindi ko alam kung anong isusuot ko.

Napag isipan kong isuot na lang yung floral dress ko galing sa Forever 21. Tapos mag sandals na lang ako. Ayoko nga ng high heels. Nag lagay ako ng light make-up para naman gumanda ako.

6:20pm nang matapos akong mag-ayos. Bumaba ako ng hagdan para tignan kung nandyan siya. Pumunta ako sa driver namin, ibinigay ko yung gitara atska letter ko para kay Christian, hindi naman kasi pwede na isakay ko sa sasakyan niya, edi nalaman niya yung surprise ko.

"Manong, itetext ko po yung address sainyo kung saan kami pupunta tapos isunod niyo po yung gitara at letter. Hindi ko po kasi alam kung saan kami pupunta e." tumango naman saakin ang driver namin.

Fr: Beb

I'm here. Andito ako sa sala niyo, I'm with your mom.

What? He's here na.

Lumabas ako galing sa kusina, dun ko kasi kinausap si manong e.

"Hi beb." sabi ko sakanya at kumaway. Hinalikan niya ako sa cheeks ko. "Ah, tita. Una na po kami. Iingatan ko po ang anak niyo. Pangako." ngumiti naman si mommy, "Okay sige. Mag ingat kayo. Anak, behave ha." tumawa naman kami. "Ah, wait. Kunin ko lang po yung cellphone ko sa taas." Dali-dali akong umakyat para kunin yung phone ko tapos bumaba din ako agad.

6:30pm nang maka-alis kami sa bahay. Naka tuon ng tingin sa daan si Christian, "Ah, beb." pag tawag ko sakanya, "Hmm," patuloy parin siya sa pagmamaneho. "Saan tayo pupunta?" tumingin siya saakin at ngumiti, "It's a surprise, beb. Just wait." napa 'oh okay' na lang ako.

"Andito na tayo." sabi niya saakin.

Puro damuhan yung nakikita ko. Dyos ko, gagahasain po ba ako ng boyfriend ko? Ayoko na po mangyari yung dati. Muntik na e. Bata pa po ako.

"Close your eyes. And follow me." sabi niya saakin, sinarado ko ang mata ko, nilagyan niya ng piring ito. "Wala ka na bang nakikita?" tanong niya saakin, "Wala na," nag smirk siya, "Okay kung ganon ilan to?" kinapa ko yung mukha niya at binatukan siya, "Gago, wala nga akong makita e." tumawa naman siya ng mahina, "Namura pa ako. Tara na nga." hinawakan niya yung kamay ko, nasa unahan ko na siya, nararamdaman ko, "Sundan mo lang ako."

"We're here." inalis niya na yung piring sa mga mata ko at niyakap niya ako patalikod, "You liked it?" napatingin ako sakanya, "Yup. Ang ganda."

Ang ganda ng tree house. Pinalilibutan yung puno ng christmas light, ang ganda ganda.

"Saan mo to pinarentahan?" tanong ko sakanya

ngumiti siya, "Hindi ko pinarentahan yan, pinagawa ko yan. Para saating dalawa." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, "Wow! Talaga? Saating dalawa to?" ngumiti siya at tumango, "Oo saating dalawa." tumalon ako at niyakap siya, "Wow! Thank you."

LALAKI SA EDSA [UNEDITED]Where stories live. Discover now