Ano'ng ginagawa ng babaeng 'yan sa buhanginan? Hindi kaya multo?

Halos mawalan ako ng ulirat sa sobrang kaba nang maisip na baka iyon nga. Gusto kong tumakbo na lang palayo at kalimutan ang nangyari pero hindi ko magawa. There's something inside me that tells I should help.

Hindi ko na muling narinig pa ang boses ng babae. Buong akala ko'y wala na siyang malay pero mula sa liwanag ng buwan ay nakita ko ang pagtaas ng kamay niya na tila humihingi ng tulong.

Naging alerto kaagad ako. This is not a joke! I think she is really in pain right now.

Bumilis ang mga hakbang ko at halos tumakbo ako patungo sa kanya. Nang makarating ay kaagad akong nag squat upang daluhan siya. Ni hindi ko naisip na masyadong delikado ang ginawa ko. Buong akala ko'y nahulog lang siya.

"Miss, nahulog ka ba?" I tried helping her. Sinubukan kong patayuin siya pero maliban sa mahinang ungol ay wala na siyang naitugon sa akin.

"Miss." I slightly shake her shoulders. "Tutulungan kitang tumayo."

No response.

Nasapo ko ang noo at napatingala. Pakiramdam ko ay umiikot ang aking paligid sa kabang nararamdaman ko ngayon. I just hope the girl is not yet dead! Sana man lang ay sumagot siya upang malaman ko kung ano ang nangyari sa kanya.

"Miss." I tried holding her on her stomach upang maitayo na siya. Pero napatigil ako nang maramdamang tila may kakaiba. May nahawakan akong tila isang handle na nakatusok sa kanyang tiyan.

Could that be?

N-no. Nanginig ang buong kalamnan ko habang unti-unting kinukuha ang cellphone ko mula sa bag na dala. Nanginginig ang mga kamay ko at nahulog pa mula dito ang cellphone nang sinubukan kong i open ang flashlight.

I cursed loudly. Pinulot ang cellphone na mabuti lang ay sa buhangin nahulog. I opened the flashlight and turned it to the girl. Halos mawalan ako ng malay nang tumambad kaagad sa akin ang itsura ng babae na naliligo na sa sariling dugo. Mabilis akong bumagsak sa buhanginan at napaatras. Nangilid ang mga luha ko sa magkahalong takot at kaba.

A knife was buried on her stomach. It was the thing that I held earlier!

"Oh my god!" someone screamed above the stairs.

My heart stopped beating for a while. Binuksan ko ang bibig upang sumigaw pero walang lumabas na mga salita. Tanging panginginig lamang ng katawan at malakas na kabog ng aking dibdib ang tangi kong naramdaman.

I wanted to run but I couldn't. At naiinis ako dahil tila nawalan ako ng kontrol sa sarili.

"She did it! She killed her!"

What?

Sa kabila ng pangingilid ng mga luha ko ay nagawa kong mag-angat ng tingin sa mga taong nasa itaas. Tila nilalang na walang halaga nila akong tinitigan. May mga naglabas ng flashlights mula sa kani- kanilang cellphone at itinutok sa direksiyon ko. Halos masilaw ako kaya kaagad kong inilagay ang palad sa aking noo.

People look at me like I am a digusting piece of shit when I am just trying to help!

"I saw her. She was holding the knife when I saw her!" the girl panicked and cried while someone is holding her.

Kumabog ang dibdib ko. Tila nabingi ako at salita niya lamang ang paulit- ulit na naglalaro sa aking tainga.

Maraming tao ang bumaba upang tumulong. Nanatili akong nakatulala habang naririnig ang mga kasinungalingan ng babaeng nakakita! Bawat kasinungalingan niya ay ang hiyaw mula sa mga taong naroon. Hiyaw bilang pagkutya sa buong pagkatao ko.

Waves of LifeWhere stories live. Discover now