1

37 3 0
                                    

 "Huy sis, ano 'yan?" Sinilip ko ang hawak ng gaga kong bestfriend. 

"Wala." Nakangising sabi niya sabay tago sa likod ng kamay niya.

"Akin na kasi patingin?" Pangungulit ko, sabay silip ulit pero mabilis siyang nakaspin moves. Feeling splash siya

"Huwag ka nga! Excited masiyado 'to?" Sabi pa nya.
 
"Ano kasi 'yan?" Pangungulit ko. Binelatan lang ako. Aba at?

"Uyy si Caaaaaarl!" Sigaw ko sabay turo sa likuran niya, mabilis naman siyang napalingon and holla! I got that strange thing na kanina pa nya hawak!

Unti-unti syang lumingon. "Wala naman-- hoy!" Sabi nya ng makitang hawak ko na iyon.

Nang marealize ko kung ano yung kanina pa niya tinatago sakin, nag shine bright like diamond ang mga mata ko.

"T-ticket!" Pautal utal na sabi ko. Napalunok ako.

"TICKET! Di pa maideretso? Akala mo ba'y magandang pakinggan yang pag-utal mo diyan?" Naiinis na sabi nya.

"TICKEEEEEET! Waaaah! Bakit meron ka nito?!" Tanong ko. As in PATRON A Ticket sa ARANETA! Makakanood na ako ng UAAP!

Nagkibit balikat lang sya, "Napulot ko." 

"OMYGOD! I love you na talaga Bella!" Sabi ko sabay yakap sa kanya.

"Stop it! Bitiwan mo nga ako!" Natatawang sabi niya saka pilit na pinapakalas ang mga braso ko sa kanya.

Binitiwan ko sya, at ngayon, yung magkabilang balikat naman nya ang hawak ko at niyuyugyog. "This is the best birthday gift ever!"

She rolled her eyes, "Whatever! Oh ayan!! Hindi yan libre, may kapalit yan, treat mo ko sa Mcdo."

"Sure! Kahit ano, ibibili kita. Joke. Hot fudge lang saka fries ha?" Opo, barat ako.

"Duh? Ang mahal kaya niyan ubos ang kayamanan ko sayo. Pasalamat ka talaga at birthday mo." 

Halata namang masamang masama ang loob niya. Oo, mahal 'to. Lalo na ngayon at sabado, these tickets worth 950 each.

Is this really for real? Like, I can't believe this! We're going to watch the UAAP Season 82 basketball, live! Makikita ko na naman si Kristofer Del Rosario my ultimate crush. Semi finals pa naman ngayon! Is this for real?

Last QuarterWhere stories live. Discover now