Ipinagtaka ko iyon at ganun din ng mga kaibigan ko. Pero ayukong usisain ito sa kadahilanang natatakot ako. Baka kasi pag nagalit ito sa akin ay iwasan o iwan ako nito.


Ganun din naman sa iba, diba?


Pag nagalit yung partner natin kahit na kaunting bagay lang ay pweding maging sanhi ng hiwalayan o di kaya pag iiwasan na mauuwi din sa hiwalayan.


Ito yung kinakatakutan kung mangyari after that beautiful scene between us. Di ko alam kung anong matatawag dun sa kaganapan iyon. Baka nga wala lang iyon para sa kanya dahil ako naman talaga yung humalik nung tinatong nya sa akin kung ititigil nya ba o itutuloy.



Pero dahil nga sa katangahan ko ay ako pa mismo yung humalik sa kanya imbis na sagutin yung tanong nya sa akin ay mas inuna ko yung init na nararamdaman nung araw nayon.



But I don't have any regrets parang naging masaya pa ako na sya yung unang nakauna sa akin.


Haha! Tanga na talaga siguro ako.


Mapait akong ngumiti habang nag kumukuha ng kanin.


Walang imikang nagaganap sa pagitan namin. Kanina ang ganda ganda ng bungad ko sa kanya pero every time na ganito yung sasalubong sa bawat bati ko sa kanya, yung halos walang emosyong mukha nito... ay naninikip ang agad ang aking dibdib sa hindi malamang dahilan.


Tahimik akong sumusubo ng pagkain. Pinapakiramdaman ang bawal galaw ng aking kasama.


Nang matapos kaming kumain ay ako na ang nagligpit at nag hugas ng pinagkainan namen.


Parang bumalik ako sa dati, yung tipong walang laging kasama. Yung umaasang bibigyan ako ng atebsyon ng akibg nga magulang pero ngayon mas nadag dagan pa.


Dahil pati yung atensyon ni Zayn ay hinahangad ko na rin ngayon.


Binalaan ko na dati pa na bawal itong nararamdaman ko sa kanya dahil alam kung tututol ito sa engagement nameng dalawa. Dahil gaya ko ay ayaw nito ang ganitong set up ng aming mga magulang.


Tila pagod akong pumuntang kwarto. Kunti lang yung hinugasan ko pero parang ang dami nun dahil sa pagod ko.


Siguro ay kulang lang ako sa tulog.


Pabagsak akong huminga sa aking kama. Iidlip lang ako sandali, baka mahimasmasan ako at mabawasan ang pagod ko ngayon.


Lagi nalang akong inaantok lately. Awieett kasing buhay toh!


Buti nalang talaga at sem break next week. At mukhang 1 week din kami doon sa Beach resort na pupuntahan namen. Iyon ang sabi ni manager este kuya Chris... Di parin ako sanay na tawagin syang kuya.


Di kalaunan ay kinain din ako ng aking antok at hinayaang pumikit ang aking nga kmtakulap ng mata upang magimbing na matutulog.


Siguro naman ay gigisingin ako ni Zayn mamaya. Napangiti ako ng isipin iyon.


Di nga ako nagkamali ng may kumatok sa aking kwarto. Nakakasiguro akong si Zayn iyo dahil sya lang naman ang naririto at kasama ko sa condo.


Nagmadali akong bumangon. Bahagyang inayos ang nagulong buhok dahil sa aking pagkakahiga.


Ngiting ngiti ako habang binubuksan ang pintuan. When I open the door I clearly see his face with no emotion.


Nakakapanibago tuloy. Parang malamig na ang trato nito sa akin. Kinakabahan ako sa tuwing tinitingnan ang kanyang expresyon sa tuwing tumitingin ito sa akin. Sa huli ay ako din naman ang yumuko upang umiwas sa mga mata nito.


Engage With the Unknown Guy (FIANCÉ SERIES 01)Where stories live. Discover now