YBWM 4

4 1 1
                                    

If you could see that I'm the one

Who understands you

Been here all along

So, why can't you see?

You belong with me

You belong with me

Shay POV

"Sorry talaga Shay kung hindi ako makakasunod. Promise babawi ako sayo."

Nalungkot naman ako. Dapat kasi may girls date kami ngayon ni Zakhiera nauna na nga ako dito sa mall--- ang kaso ito nga tumawag siya para ipaalam na hindi na siya makakapunta dahil biglang may lunch sila dahil dumating 'yong tita ng boyfriend niya. Hindi naman daw siya pwedeng hindi sumama dahil inaasahan daw talaga na makikita din siya.

 "It's okay Z..." Ani ko kahit nalulungkot na talaga ako "Pero kailangan may miktea pagmagkita tayo." Dagdag ko habang patuloy na nag-iikot ikot dito sa mall.

"Sige. Gusto mo sampo pa."

Na-excite naman ako. "Naku! Totoo yan ahhh. Walang bawian!" 

Natawa naman siya sa kabilang linya. "Gaga ka talaga! Diabetes ang abot mo."

Natawa na din ako. "Milktea is life, Z."

Madami pa kaming napagkwentuhan bago siya tuluyang magpaalam. Ako naman tinuloy ko ang pag-iikot ikot hanggang sa nagutom ako.  

Nang makapasok ako sa isang fastfood chain ay umorder ako at naghanap ng lamesa. Mas lalo kong naramdaman ang pag-iisa ko ng makita ko ang mga taong kumakain dito sa fastfood chain na napili ko. Kung hindi mag-boyfiend-girldfriend ang magkasama ay pamilya o magkakaibigan.


Minadali ko na lang ang kumain para makaalis na lang ako. Balak ko din na pumunta sa National Bookstore para bumili ng ilang educational books at syempre mga wattpad books. Matatagpuan ito sa ikatlong palapag nitong mall.


Dahil hindi naman ako lubusang nabusog sa kinain ko kanina ay bumili ako ng strawberry frappe pang dessert ko. At nagsimula ng mag-ikot-ikot dito sa mall.


Nang nasa pangatlong palapag na ako. Napadako ang tingin ko sa Time Zone. Sa may entrance ay may lalaking naka-black longsleeve na turtleneck tapos ripped jeans and sneakers na animo'y may tinitignan mula sa mga tao sa loob. Ayokong mag-assume pero sa tindig pa lang niya ay kilalang kilala ko na.... si CJ. Napatingin ako sa kamay niya. Nakakuyom ito at halos kitang kit ana ang ugat sa kamay niya.


Lumapit ako ng bahagya sa kanya at tinignan kung ano ba ang tinitignan niya sa loob. Halos madurog ang puso ko sa nakita ko.


'Yong babae lang naman kasi na kinaiinggitan ko...

'Yong babaeng mahal na mahal ng taong mahal ko...


... nandun siya sa loob at may kasamang iba. Makikita mo ang saya sa mukha niya dahil pati ang mata niya ay kumkinang sa tuwa habang katawanan niya ang lalaking kasama niya. Nandun sila sa may NBA time basketball station. Nasa harap siya 'nung lalaking kasama niya habang sabay silang nagsu-shoot ng bola sa may ring.


Naramdaman ko na lang na may luha ng lumalandas sa may pisngi ko. Pinahid ko ito ay naglakas loob na lapitan siya. Bahagya akong tumingkayad para takpan ang mga mata niya. Bigla naman siyang na-estatwa sa kinatatayuan niya dahil sa ginawa ko. Dahil malapit na din ang bibig ko sa bandang tainga niya ay binulong ko na lang ang mga salita na gusto kong sabihin sa kanya sa t'wing nakikita ko siyang nasasaktan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 16, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You Belong with MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon