“Bawal pa daw mag-baby ang mga med student.” pag-uulit ko.

“What?”

“Bawal pa daw–”

“Argh! Kainis!” sinabunutan niya ang buhok niya at tinalikuran niya ako.

Nagtaka naman ako sa inasta niya. Gustong gusto na din ba niyang mag-kababy kaya ganito siga naiinis? Atsaka paano nga ba gumawa ng baby? Sa pagkakaalam ko ay alam yun ng mga katulad kong med student ‘e, ako lang ata yung hindi. Try ko kayang magbasa ng libro ko sa pagdo-doctor.

“Bakla...” hinawakan ko siya sa braso pero nagulat nalang ako ng hawiin niya ito.

“Don’t touch me. Stay away from me.” nangunot ang noo ko lalo na nung paraan niya ng pagsasalita, mabibigat kasi ang pag hinga niya.

“Ano bang nangyayari sayo? Galit ka ba sa’kin kasi hindi muna ako pwedeng mag karoon ng baby?” takang tanong ko.

Humakbang ako papalapit sa’kanya pero mukhang naramdaman niyang papalapit ako kaya umatras din siya at tumingin sa’kin. Hindi maipinta ang mukha niya at may kung ano sa mga mata niya na hindi ko maintindihan.

“Hoy, bakla!” sigaw na tawag ko sa’kanya dahil tinitingnan niya lang ako.

“Damn, bakit ako nag-iinit? Tangina naman oh.” bulong niya pero rinig ko naman kaya mas lalo ko siyang hindi maintindihan.

“Ha? Na-iinit ka? May lagnat ka ba, Ay-Ay?” lumapit ako sa’kanya at kinapa ang noo niya.

Naestatwa naman siya ng hawakan ko ang noo niya. Ramdam ko pa din ang mabibigat niyang paghinga. May sakit ba ito? Pero habang kinakapa ko ang noo niya ay hindi naman mainit pero parang pinag papawisan siya. Ano bang nangyayari sa baklang ‘to?

Sinamaan ko ng tingin si Ay-Ay na nakatingin lang sa’kin.

“Hoy bakla, kapag hindi mo sinabi sa’kin kung anong nangyayari sayo, sasapakin talaga kita.” pagbabanta ko sa’kanya pero parang hindi man lang natakot.

“Nag-iinit ako.” parang wala sa sariling sabi niya.

“Ha?”

Nagulat nalang ako ng bigla niyang takpan ang mukha niya at tumili ng tumili na parang babae. Imbis na mainis ay natawa ako sa pag tili niya.

“Ah! Kailangan kong lumayo sayong impakta ka!” sigaw niya at tumakbo.

Nakatingin lang ako sa'kanya na tumatakbo papalayo sa’kin. Napakamot naman ako ng ulo ko. Bakit kailangan niyang lumayo sa’kin? Panget na ba ako? At yun na naman ang tawag niya sa’kin na impakta o impakteta. Dapat wife yun ‘e.

Lumipas ang ilang menuto ay napagdesisyunan ko ng pumunta sa hotel room ko. Nadaanan ko pa ang pwesto namin kanina ng mga pinsan ko at nila Ay-Ay pero wala na sila dun. Wala na ding apoy. Siguro ay natutulog na sila ngayon. Anong oras na din kasi ‘e. Gabing gabi na.

Mag-isa akong pumunta sa hotel room ko. Yung kasing asawa kong yun ay iniwan nalang ako bigla bigla. Hindi ko talaga maintindihan ang ilang mga ikinikilos niya ‘e. Nang makapasok ako sa room ko at naghalf bath muna ako. Pagkatapos kong magbihis ng silky night dress ay lumabas muna ako para pumunta sa kwarto ni Ay-Ay.

Hindi ko siya titigilan hanggat hindi niya sinasabi kong anong nangyayari sa’kanya. Katabi ko lang ang kwarto ni Ay-Ay kaya malapit lang ang lalakaran ko. Kumatok ako ng ilang beses pero walang sumasagot hanggang sa napatingin ako sa door knob.

Kumunot ang noo ko dahil hindi pala nakasara. Ang bobo mo talaga kahit kailan, Miracle. Katok ka ng katok pero bukas din naman pala. Pumasok ako sa room niya at isinara ang pinto. Katulad ko din ang kwarto niya, parang condo ‘e. Nilibot ko ang buong room pero wala siya kaya pumunta nalang ako sa kwarto niya.

My Husband is GayWhere stories live. Discover now