"Anong kailangan niyong malaman?"

"We need to know your power and how strong you are."

"And there's only one way to find that out!"

Nagsimula ang laban. Tahimik lamang na nanunuod ang isang babae sa 'di kalayuan.

Kanina pa ito nanunuod sa likod ng isang puno. Truth is, she was already at that spot since the beginning, before Alora even set foot on that field.

Everything is happening according to their plan...

She's Kealsia, a healer and a member of Hail Revision, a group consisting the top students from Red Division. It was also the same group Cassimir warned Alora about.

"Oh come on, I expected better than this." Umirap ang isa nilang kasama.

"Fight back, woman. We just want to know what you're capable of, then after that, we'll let you go."

Alora is already all bruised up. Ang kinakataka ni Kealsia ay kung bakit hindi pa nito nilalabas ang kanyang kapangyarihan para lumaban. The purpose why she's here and silently watching is to actually heal Alora after her co-members succeed from revealing her power. Iyon ang plano. Hindi naman sila ganoon kademonyo para saktan ang babae at hayaan na lamang sa ganoong kondisyon. All they want is to see how strong she can get.

Napakagat si Kealsia sa kanyang pang-ibabang labi nang makita kung paano tumilapon-tilapon si Alora. Gusto niya nang pigilan ang ka-myembro. This is too much.

Paano pala kung hindi naman pang-laban ang kapangyarihan ng babaeng iyon?

Oo man o hindi, masyado nang maraming pinsala ang naabot ni Alora. Nakikita niya iyon dahil maliban sa kakayahan niyang magpagaling, mayroon ding abilidad ang mga mata niya. She can see the x-ray of one's person only through a simple glance, at sa nakikita niya, ilang baling buto na ang natatamo ni Alora.

Napagdesisyon niyang umeksena na. This has to stop. Mukhang hindi na kakayanin ni Alora. Nakadipa na ang dalawa nitong braso at tanging ang mga ugat lang ni Phyro ang nagpapanatili sa kanya para makatayo.

"Shit!" Hindi naiwasang mapamura ni Kealsia nang makita ang bumabalusok na matutulis na ugat kay Alora! It's all from Phyro!

Tatakbo na sana siya para pigilan ang kaibigan nang may nangyaring hindi niya inaasahan. Bumaliktad ang pagbalusok ng mga ugat at ngayon ay sa mga ka-miyembro niya na patungo!

Anong nangyayari?

Tumingin siya kay Alora sa pag-aakalang ito ang gumagawa no'n, pero nang makita niya kung gaano na ito kahinang-hina... imposible!

"You! You'll pay for this!" Galit na galit na wika ng kanyang kaibigan at sa isang iglap lang, dumami na ito at sabay-sabay na sumugod!

Pero wala pang tatlong segundo nang tumigil sa pagtakbo ang mga clone nito at biglang humarap sa orihinal niyang kaibigan at bigla ay siya na ang sinugod!

This can't be!

Alam niya kung gaano kalakas ang mga kaibigan, imposibleng nagkaproblema ang mga ito sa paghandle ng kani-kanilang kapangyarihan kaya tila bumabalik ang mga atake nito sa kanila!

Sandali...

Natigilan siya sa naisip.

Bumabalik ang mga atake?

Kumabog sa kaba ang dibdib ni Kealsia nang may mapagtanto.

The Forbidden Spell of Deviation...

a spell that can deflect one's attack.

Bigla ay napaatras siya. Mas lumakas ang kabog ng kanyang dibdib.

Linibot niya ang paningin para hanapin ang taong iyon pero bigo siya.

There's only one person who can do that spell...

Ang plano niyang paglapit ay hindi na natuloy. Masyado nang malakas at mabilis ang pintig ng kanyang puso na halos marinig niya na ito. Ramdam niya na rin ang pangagatog ng kanyang mga tuhod.

Nakita niya ang tuluyang pagbagsak ng dalawang kaibigan pero wala siyang magawa. Ni hindi siya makagalaw sa takot.

Napatingin na lang siya kay Alora kung saan ang mga ugat na nakapalupot sa braso nito ay unti-unti nang nawala. Akmang babagsak na ito pero bago pa man mangyari iyon... may sumalo na rito. At hindi nga siya nagkakamali...

It's him...

Nakita niya kung paano ito maingat na buhatin ng lalake, hanggang sa nagsimula itong maglakad paalis habang sumasabay pa sa ihip ng hangin ang ginto nitong kapa.

Nang tuluyang mawala ang mga ito ay doon niya pa lang dinaluhan ang mga kaibigan. She called for her co-members' help. Lahat ng mga ito ay hindi makapaniwala nang masaksihan ang lagay ng dalawang kaibigan. Ang buong akala ng mga ito ay si Alora ang may gawa no'n. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag na mali ang akala ng mga ito.

Hindi siya makapagsalita. Hindi niya alam kung paano sisimulang sabihin ang nasaksihan, dahil maging siya ay hindi makapaniwala sa buong pangyayari.

"How did this happen?! She can't be that strong to defeat two of our members!"

"But it already happened..."

"What are we gonna do now?"

"Come on guys, isn't this more challenging? At last! Someone who can stand against us!"

"You got a point."

"But still—-"

Nagkakagulo na ang kanyang mga ka-miyembro pero nanatili lamang siyang tahimik. Pauulit-ulit na naglalaro sa kanyang utak ang nasaksihan. She's in a deep state of shock.

"Kealsia!" Nabalik siya sa realidad nang may sumigaw sa kanyang pangalan. Pagtingin niya sa mga ka-miyembro ay lahat na ng mga ito ay nakakunot-noo habang nakatingin sa kanya. "Anong nangyayari sayo? Ano, natrauma ka na ba?"

"Hindi... Ayos lang ako." Aniya at umiwas ng tingin.

Hindi na lamang siya pinansin ng mga kaibigan at nagpatuloy na sa pag-uusap-usap sa kung ano ang susunod nilang hakbang. Habang siya ay nagpatuloy sa paglipad ang utak.

Hindi niya inaasahang makikita niyang muli ang pinagbabawal na spell na iyon. Ang spell na siyang nagpatalo kay Zalestine.

Napatingin siya sa malayo. Kahit anong isip niya ay wala siyang maisip na sapat na rason. All she can think is 'why?'.

Why did Venom save her?

'Til Our Next EclipseWhere stories live. Discover now