"Ako."

Nagsalubong ang tenga niya, "Sabi mo-"

"Kasi hindi kita magugustuhan kundi mamahalin kita."

Nalaglag naman ang panga niya pero napakagat labi din at nagpipigil ng ngiti. Kahit medyo madilim ay nakita ko ang pamumula ng pisngi niya at ng tenga niya. Ang cute!

"Wow ha, ang galing ng banat mo. Tinalo mo ako." napasubsob naman siya sa balikat ko kaya medyo nakiliti ako dahil tumatama ang mainit niyang hininga sa leeg ko.

Humigpit ang pagyakap niya sa'kin kaya napangiti ako. Parang ayaw niya akong pakawalan sa higpit ng yakap niya 'e. Napatingala ako sa kalangitan na maraming mga bituin. Ang ganda at ang dami din nila.

"Nilalamig ka na ba?" napatingin ako sa'kanya kaya nagtama ang ilong ko sa pisngi niya.

Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko dahil sobrang lapit pala ng mukha namin sa isa't isa. Napalunok ako bago sumagot.

"N-Nilalamig na." ngumisi siya at bahagyang lumayo sa'kin at hinawakan ang kamay ko.

"Tara na sa loob. Baka hinahanap na tayo."

Tumango naman ako at nagsimula na kaming maglakad habang nakahawak ang kamay namin. Hindi maalis ang ngiti ko habang naglalakad kami. Hanggang ngayon ay naninibago at hindi pa rin ako makapaniwala na ang bakla kong asawa ay ganito ka sweet kahit minsan lang at may nararamdaman din siya sa'kin na katulad ng nararamdaman ko sa'kanya.

Parang kahapon lang na palagi kaming nagbabangayan na dalawa at hindi gusto ang isa't isa pero ngayon, ibang iba na. At masaya ako dahil nagbabago na ngayon si Ay-Ay ng paunti-unti.

Pagkarating namin sa reception ay sumasayaw na ang ilan sa nga dumalo habang nanonood naman ang bride at groom. Akala ko ay uupo na kaming dalawa ni Ay-Ay ng makarating kami sa table namin pero hindi. Hinila niya ako sa gitna at hinawakan ang kamay ko. Inilagay niya ang kamay ko sa balikat niya at hinawakan naman niya bewang ko at bahagyang hinila papalapit sa'kanya.

Namula naman ang pisngi ko at nag iwas ng tingin.

"H-Hindi ako marunong sumayaw." nauutal kong sabi.

"Sabayan mo lang ako." ngumiti siya sa'kin dahilan para mapanguso ako.

"Kailangan pa bang ngumiti?" masungit kong turan.

Ang bilis bilis na naman kasi ng tibok ng puso ko nung ngumiti siya at ramdam na ramdam ko din ang pamumula ng pisngi ko. Basta kapag kasama ko siga ay lagi nalang mapula ang pisngi ko 'e.

Natawa naman siya, "Kinilig ka?" taas baba ang kilay niya kaya napanguso ako.

"Bakit ako kikiligin? Nakakakilig ka ba?" natawa na naman siya at bigla akong hinalikan ng mabilis na ikinatigil ko sa pagsabay sa pagsayaw niya.

Pulang pula ang pisngi ko sa ginawa niya at pinalo ko ang dibdib niya pero mas lalo akong nahiya dahil sa ginawa ko. Ang tigas 'e. Sigurado bang bakla itong asawa ko? Bakit lalakeng lalake ang katawan nito? Imagine matigas ang dibdib tapos may abs pa.

"Chansing yan bhe 'a." napabungisngis siya, kaya natawa din ako dahil sa kabaklaan ng boses niya. Ang cute!

"Aww!" daing niya bigla ng matapakan ko ang paa niya.

"Naku, sorry bakla." natataranta kong sabi, "Sabi na kasing hindi ako marunong 'e." napasimangot naman ako.

Ginulo niya ang buhok ko, "Keribells ko naman basta ang mahalaga ay matuto ka."

Ngumuso naman ako, "Baka masaktan ka 'e."

"It's ok. Sabayan mo si me." tumango naman ako at sinabayan nalang siyang sumayaw.

My Husband is GayDonde viven las historias. Descúbrelo ahora