Kinabukasan ay maaga akong nagising at inihanda ang mga kakailanganin ko para sa pag- aapply ng bagong trabaho. Tinawagan ko pa si Sam para sabihing hindi ako makakasama sa balak niyang pagpunta sa Bacolod.

"Pasensiya ka na miss at hindi kami hiring ngayon. Kung noong isang linggo sana ay nakaabot ka pa dahil limang waitress ang ipinasok ni Boss."

Laglag ang mga balikat na lumabas ako ng restaurant na 'yon. Pang pitong subok ko na ito pero mukhang minamalas talaga ako. Kung hindi hiring ay hindi naman ako qualified. Umupo ako sa pinakamalapit na konkretong bench at sinulyapan ang aking relo. Alas tres na ng hapon. Matirik ang sikat ng araw pero heto ako ngayon at naglalakad sa gitna ng kalsada.

Bumuntong hininga ako sabay hilot sa sentido. Gutom na gutom na talaga ako. Hindi ako nakapag lunch kanina dahil buong akala ko ay madaling makakapaghanap agad ng mapapasukan. Pero hindi pala. Tila gusto kong pagsisihan na kinancel ko ang lakad patungong Bacolod sana kasama ni Sam. Ang sabi ko sa kanya ay maghahanap muna ako ng trabaho. Unti- unti nang nauubos ang savings ko.

Tumayo ako at agad na nakaramdam ng pandidilim ng paligid. Kumapit ako sa inuupuang bench bilang pangsuporta at hindi tuluyang matumba.

Oh god! Mamaya ka na mag- inarte self, please! Kailangan ko munang makahanap ng trabaho.

Nang masiguradong ayos na ako ay tumayo ako at dumiretso sa pinakahuling restaurant sa bandang 'to. Ito na talaga ang last chance ko, kung hindi pa ako matatanggap ay baka tanggapin ko na lang ang alok ni Sandro na pakasalan ako. Siya nalang ang bubuhay sa akin.

Tumunog ang wind chimes nang buksan ko ang pintuan. Agad akong sinalubong ng iba't- ibang amoy ng pagkain pagkapasok. Mas lalo tuloy kumalam ang sikmura ko. Sumimangot ako at pasimpleng hinimas ang tiyan. Dire- diretso ako sa counter kung saan tatlong ulo ang sa akin ay nakatingin. Dalawang lalaki at isang babae. Pareho silang nakangiti.

"Hello ma'am!" Masiglang bati sa akin ng babaeng crew.

"Uhm. Hello?" kinagat ko ang ibabang labi nang makitang tatlo talaga sila ang titig na titig sa akin. "Nandito ba ang manager niyo?"

"Si sir Rigo po?" nagkatinginan sila. "Umalis po kanina at may kasamang kaibigan. Girlfriend niya po ba kayo?"

Namilog ang mga mata ko.

"H- hindi. Mag- aapply sana ako ng trabaho."

Laglag pangang sinuyod ako ng tingin ng babae. "Maga- apply? Ikaw?"

Pasimpleng sumulyap ako sa likuran ko. Wala namang tao. Malamang ako, diba?

"Oo miss."

"Hala, girl! Sorry, akala ko kasi isa ka sa mga kalandian ni sir Rigo. Alam mo na, kasing ganda mo sila!"

Kumapit ako sa counter nang muling makaramdam ng panghihilo. Nagsimulang mandilim ang paligid ko kaya ang isang kamay ko ay hinilot ang aking sentido. Hinintay kong kumalma ang sarili katulad ng nangyari kanina.

"Are you okay?" malabakal na braso ang mahigpit na humapit sa baywang ko.

I nodded. Itinaas ko ang isang kamay para isenyas na ayos lang ako, pero kaagad akong nabuwal at nawalan ng balanse. Mabuti na lang at mabilis akong nahapit ng kung sino man palapit sa kanya. Napasandal ako sa kanyang katawan.

"Get her some water." aniya sa baritonong boses.

Iginiya ako ng lalaki sa malapit na table. Nang makainom ng tubig ay kaagad na kumalma ang katawan ko. Dalawang babae na ngayon ang nakatayo sa harapan ng lamesa, ang isa ay ang babaeng nasa counter kanina.

"Are you sure you're now fine?"

Tumango ako at pasimpleng hinagod ng tingin ang lalaking may mabuting loob na tumulong sa akin. Nasa kalagitnaan siya ng pagkaputi at pagka moreno, malalim ang kulay brown na mga mata at itim ang magulong buhok. Ang malalim na dimple sa pisngi ay lumalabas kaunting galaw o kibot lang ng labi.

He looks nice and sweet.

"Or do you want to eat something?"

Napatigil ako sa offer niyang 'yon. Bakit? Ililibre ba niya ako? Napaka gentleman naman ng lalaking ito.

Umiling ako. "Okay na 'ko."

Ang babaeng nasa counter kanina ay lumapit at bumulong sa kanya. Bulong na rinig ko naman. "Sir rig, mag-aapply siya ng trabaho."

Binalingan ako ng lalaki. Kung nagulat siya sa pakay ko ay mas nagulat ako na siya pala ang manager na tinutukoy ng babae kanina!

Ito kabata ang manager nila? Sa tingin ko'y nasa 24 pa lang siya or 25.

Inilahad ng lalaki ang kamay sa aking harapan. "Resume."

Kahit na nahihiya sa mga customer at crew niyang nasa paligid ay mabilis kong dinukot mula sa loob ng envelope ko ang resume na inihanda at ibinigay sa kanya. Pinanuod ko siyang tahimik na binabasa ito. Wala siyang emosyon pero nang kinagat niya ang labi ay lumabas ang kanyang dimple.

Gwapo.

"Pwedi ka nang magsimula bukas.." aniya na ibinalik ang resume ko.

Namilog ang mga mata ko. Seryoso ba siya?!

"Ha?"

"You're hired."

Agad? Ganun lang ba kabilis iyon? Diba dapat ay bigyan muna siya ng ilang araw para pag-isipan iyan?

"Talaga?" I ask like an idiot.

He nodded. "Ayaw mo ba?"

Napakamot ako sa batok. "Gusto pero.."

"Pero?"

"Pero payag ka ba sa oras ng trabaho ko?"

Muli niyang tinitigan ang resume ko. Mula kaninang umaga ay iyon ang inaayawan ng pinag-aaplayan ko. Hindi sila tumatanggap ng student at part timer.

"It's fine with me. You could work after class. The resto is open until 2 am so it's fine.."

Pinakilala ako sa ibang mga staff. Halos lahat sila ay mababait. Lalong- lalo na iyong nasa counter na sumalubong sa akin kanina. Pakiramdam ko ay magkakaroon ako ng panibagong mga kaibigan sa bagong trabaho ko.

Mukhang mas mamahalin itong restau. kung ikukumpara sa dati kong pinagtatrabahuan. I just hope na magtagal ako dito at walang mga echoserang froglet na katulad ni Jessa. Ang bait at gwapo pa naman ng boss.

Waves of LifeWhere stories live. Discover now