"Maghahanap ako ng trabaho.." pagmamatigas ko.

"Atleast tell me your problems." pagsuko niya. "I'll help you the best way I can."

"Hindi mo naman obligasyon na problemahin ang mga problema ko."

"Ang buhay mo, buhay ko din." he declared.

Ilang segundo kaming nagkatitigan. All I could see is the longing in his dark eyes.

"Come here." tinapik niya ang space sa kanyang tabi.

Umiling ako. "You need to go home. Maggagabi na."

"Baby, please?" he pleaded like a child. "I miss you."

I swallowed hard before walking towards him. Nakakapanghina ng tuhod ang malalagkit niyang titig sa akin habang naglalakad ako kaya halos takbuhin ko tuloy ang pagitan naming dalawa.

Tang ina ka, Sandro! Ang gwapo mo!

He held my wrist when I reached near him and guided me to sit down beside him. Kaagad na dumausdos ang kamay niya sa aking baywang nang makaupo ako.

"So?" aniya na umusog palapit sa akin. "Are you thinking about my offer?"

Patingalang umirap ako. Seryoso ba siya? "My answer is no."

"And why?"

"Dahil hindi naman tayo mag-asawa! Tsaka na tayo titira sa isang bahay kapag kasal na tayo."

"Let's get married then.."

Hindi makapaniwalang binalingan ko siya. Namumungay ang kanyang mga mata habang nakatitig sa akin. Ang mga daliri ay naglalaro sa aking baywang.

"Marry me, Venus." he repeated, almost a whisper.

Saglit akong natulala. Pinakinggan ang napakalakas na tibok ng aking puso. Pinagtitripan ba niya ako?

"What are you saying?" litong tanong ko. "If this is a proposal, then no."

He chuckled. Nagyuko siya ng ulo at ibinaon ang mukha sa balikat ko. "You really like to refused my offers, huh? Wala pang babaeng humihindi sa akin"

"I'm not like those other girls, Sands." inis kong wika. I wiggled but his hands firmly held me in place.

I flinched when his lips kiss my shoulder blades. Halos lumabas tuloy ang puso ko mula sa aking katawan.

"I know. Kaya nga ikaw lang ang gusto ko."

Kinagat ko ang labi para maibsan ang kilig na nadarama. Nakakainis talaga 'tong si Sandro. Palibhasa alam niya kung paano ako kukunin! Araw araw ay may panibagong mga banat.

"Sige na, umuwi ka na." wika ko makalipas ang ilang minutong katahimikan sa pagitan namin.

Ayoko namang gabihin pa siya, mukhang pagod siya sa araw na ito. Kung uuwi siya ngayon ay may oras pa siyang magpahinga lalo na't hindi niya na kailangang sunduin pa ako sa trabaho.

"Can I sleep here?"

Mahinang siniko ko siya. "Hindi pwedi."

Matagal na pilitan pa ang nangyari bago ko nahikayat si Sandro na umuwi na. Ang kulit kulit nga niya. Mukhang seryoso talaga sa desisyon niyang dito matulog sa bahay.

"May pupuntahan kami ni Paps bukas, baka hindi kita madalaw." aniya habang papalabas ng pintuan.

"Saan ang punta niyo?"

"Singapore lang. Susubukan kong kumbinsihin si Paps na bumalik kaagad."

Nalaglag ang panga ko. Did he just say 'Lang'? Singapore lang?!

Waves of LifeWhere stories live. Discover now