Pinaglalaruan ang susi ng kanyang kotse sa kamay.

"What are you doing here?" Iritado kong saad.

Itinuko ko ang dalawang kamay sa malapit na lamesa at nagyuko ng ulo. Ilang buntong- hininga ang pinakawalan ko dahil sa patuloy na pag- iinit ng katawan. I look like a desperate shit! Kahit kailan ay hindi ako naging ganito ka gago para pagnasaan ang isang litrato.

"Diverting the topic, aren't we?" nakakalokong panunuya niya. "You are now 27, dude! At sa dami ng babaeng naghahabol sayo ay wala kang pinapansin dahil sa pagkagusto mo riyan sa kay Venus. Tatanda kang tigang niyan" humalakhak siya.

Tinapik niya ang balikat ko. "Magpakilala kana, sinasabi ko sayo. Baka maunahan ka. Mas lalo siyang gumaganda ngayon."

Marahas na napaangat ako ng tingin. "Stop meddling with my affairs, Matthew. Alam ko ang gagawin ko.."

"Oh. That's a good idea, my man! Lalong- lalo na't ni minsan ay hindi siya nagkaroon ng boyfriend" Humakbang siya palapit sa pintuan. "Make a move, will you?"

Kumuyom ang mga kamao ko. Make a move my ass! Lumipad muli ang mga mata ko sa litrato niya at mas lalo lang lumala ang nararamdaman.

Damn you, Venus! You can drive a man so crazy.

I never crave for someone the way I crave for her. Ilang babae ang nakilala ko. Ilang babae ang naging kaibigan. But nothing can make me feel the way I feel for this kid.

The devil knows i have tried to stay away from her. Magulo sa mundo namin. Lumaki kaming may mga banta sa buhay at ayokong madamay siya sa gulong iyon. Madaling magpakilala pero hindi ganoon kadali ang lahat.

"Sandro!" nakangiting pumasok si Calli sa kwarto. Subalit nang masundan ng tingin ang pinagmamasdan ko ay napangiwi.

Naningkit ang mga mata niya habang palapit sa akin. "You still got that?"

"I told you to wait outside.."

"What's with her, huh?" narinig ko ang banayad na pagsinghot niya.

Bumuntong hininga ako at umayos ng tayo. I don't want to deal with anything right now. The shits I've been feeling were already driving me nuts. Ayokong dagdagan pa.

"Sandro naman! We've been friends since time immemorial! Ako ang narito sa tabi mo! Tapos siya ni hindi mo kilala, ni walang nagawa para sayo. Bakit siya pa?" Pumulupot ang dalawang braso ni Calli sa baywang ko mula sa likuran. Ang panginginig nang katawan niya ang pruweba na umiiyak siya. "I'm willing to do everything for you, Sands. Please."

Napatingala ako. Umiiyak siya? How many times did I make her cry, huh? Ilang beses ko ring sinabi sa kanya ang dahilan kung bakit hindi pweding maging kami?

"I'm really sorry, Calli." hinaplos ko ang braso niya. "But I can also did the same for her."

Hindi ko kailanman inaasahan na ang muli naming pagkikita ni Venus ay mauuwi sa kamuntikan niya nang kapahamakan. I'll kill myself kung hindi ko siya nailigtas nang mga oras na iyon.

Bakit naman kasi pumagitna pa siya? Akala ba niya sa sarili niya ay mas magaling pa sa mga lalaking iyon?

"Ang gago talaga niyang kapatid mo Sands, ah?" si Matthew na namulsa at sumandal sa palm tree na katabi ng inuupuan kong sementadong beach.

Nakasunod si Mike sa kanya na tumabi sa akin.

Sinuklay ko ng mga daliri ang sariling buhok bago tumingala at pinuno ng hangin ang dibdib. Simon's now getting into my nerves. He's a fucking idiot. An immature jealous little shit.

"I felt like kicking his damn ass right now." tumiim ang mga bagang ni Mike na tumingin sa akin. "And you can't even defend your own father, you idiot..

"Hindi ko kayang ipagtanggol ang isang taong may kasalanan, Mike. Pero hindi ko siya masisisi gayong kahit ako ay gagawin ang lahat para sa pagmamahal ko kay Venus."

Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga. I feel like a bastard myself for acting this way. Nasa loob ng kwarto ang Mama, nasasaktan at muli pang naungkat ang nakaraan. At heto ako ngayon, sinasabing naiintindihan ko ang ginawang katarantaduhan ng ama.

"Simon is an ass! An idiot." si Matthew na hindi pa rin nakakahuma sa pagkagalit kay Si.

Simon confronted Papa earlier. Ang pinakaiinisan lang naming lahat ay ang pagsagot niya kay Papa na tila hindi namin ito ama. Nag-init kaagad ang ulo ng dalawa kong pinsan na narito. Si Mike na kung hindi napigilan ay baka nagpang-abot na sila ni Simon.

Bata pa lang ay malayo na ang loob ni Simon kay Papa. Iniisip niyang mas pinapaboran ako. Hindi ko makuha ang ganung pag-iisip niya. Mas maraming bagay na dapat pagtuunan ng pansin kaysa doon.

--

Venus

"Do you want to open it or should I?" ani Tito Dom habang inilalahad sa akin ang resulta ng DNA test na pinagawa niya.

Malakas na kumabog ang puso ko. Nanghina ang mga tuhod ko na kamuntikan ko nang ikabuway kung hindi lang ako mabilis na nadaluhan ni Samantha.

"It's fine, Ven." hinagod niya ang likod ko.

Buong gabi kong pinag-isipan ang mga maaaring mangyari kapag talagang magkapatid kami ni Sandro. Ano ang gagawin ko o makakaya ko bang kalimutan siya at tratuhing isang kapamilya?

And Tita Riza! She's too kind for what my mother and Tito dom did to her. Pagkatapos kong malaman ang lahat, hindi niya na ako muling kinausap. Pero hindi niya ako sinumbatan o sinigawan sa tuwing nagkakasalubong kami sa iisang lugar.

Kung ibang tao siguro ay nasampal na ako. Pero si tita, iniiwasan niya lang ako. Sino ba namang hindi? Anak ako ng babaeng naging dahilan kung bakit nagloko ang asawa niya. Kamuntikan nang masira ang pamilya nila dahil sa Mama ko.

I don't blame Mama for this. Alam kong may dahilan siya sa mga desisyong ginawa dati. O kung nagkamali man siya, normal lang naman iyon diba? Sino namang tao ang perpekto pagdating sa pag-ibig?

Syempre wala!

If you're not willing to do stupid things, then you don't deserve to be inlove.

"Ako na po.." wika ko at tinanggap ang inilalahad niya.

I slowly opened it. Nanginginig ang mga kamay ko habang pinupunit ang envelope na pinaglagyan nito. Gusto kong itigil pero pinatatag ko ang aking loob.

There is no other way. Either we find out the truth or we won't. At hindi makakaya ng konsensiya ko na ipagpatuloy ang relasyon namin ni Sandro nang hindi ko nalalaman kung magkapatid ba kami o hindi.

Napasinghap ako nang tuluyang mabuksan ang papel. Parehong makatingin at nag aabang sa akin si Tito Dom at Sam.

Mariing ipinikit ko ang mga mata. Sunod-sunod na lumandas ang mga luha sa aking pisngi.

Probability of Paternity: 0%

Waves of LifeWhere stories live. Discover now