"Sandro!" ani Matthew na papasok sa aking kwarto.

I groaned. Ibinaon ko ang mga daliri sa sariling buhok habang pinapanood siyang lumapit sa akin. Nakadapa pa ako sa kama at matutulog pa sana pero naudlot dahil sa pagdating niya.

"Nagawan ko na ng paraan!" ibinagsak niya ang sarili sa kama ko. "Inutusan ko si Sam na kaibiganin iyong crush mo."

"What?" napabalikwas ako. "Sinabi mo ba kay Sam?"

"Malamang hindi. Para kang tanga! Sinabi ko lang na kaibiganin niya. Alam mo naman si Sam, masyadong friendly. Ano, tara?"

"Saan?" sinubsob kong muli ang mukha sa unan.

He knows I am not a morning person. I hate waking up early. Maliban nalang kung may pasok nang maaga.

"Doon nga sa orchids house! Naroon ang crush mo ngayon. Tara na at baka hindi natin maabutan.."

Hindi ko alam kung bakit sa mga nakalipas na taon ay nagpadala ako sa mga kalokohan ni Matthew. We're always checking up on her. Umuuwi ako ng Pilipinas para lang pasikreto siyang mapagmasdan at uuwi kinabukasan. Lahat ng iyon nagawa ko dahil sa pagsulsol ni Matthew sa akin.

Mahilig sa kabalastugan si Matt. at natutuwa siyang napagtitripan niya akong tila tanga.

Natigil lang ang kalokohan naming dalawa ni Matthew nang magkaroon ako ng sariling trabaho at sumabak na rin siya sa mundo ng politika. I am still stalking Venus. Sa facebook account niya. Hindi siya mahilig mag upload ng mga pictures at bihira lang ang mga posts niya.

"Sandro!" sinalubong ako ng yakap ni Calli pagkatapos makababa ng kotse.

Hinawakan ko siya sa baywang dahilan ng bahagyang pag- angat niya. Mas lalong humigpit ang kanyang yakap dahil sa ginawa ko.

"Callista" banayad kong sinabi.

She giggled and let go of me. "I miss you, Sands! Mabuti naman at naisipan mong umuwi rito."

Tumango ako. Ilang taon akong nanatili sa Maynila dahil sa pansariling kadahilanan. Umuuwi ako paminsan- minsan pero hindi rin naman nagtatagal.

Iniwan ko si Calli sa ibaba upang ayusin ang mga dapat kong ayusin sa kwarto.

Inilapag ko ang bag sa kama, hinawi ang kurtina sa veranda, at tiningala ang portrait na nasa ibabaw ng headboard. My eyes caressed her face as I walked a step closer. There is something else in this girl that makes my heart and mind go crazy.

Venus Laine Montillo. She's the girl who can make a guy love her by just simply existing. Hindi ko alam kung baliw na ba ako para magkagusto sa isang babaeng kailanman ay hindi ko pa nakakausap.

Itinaas ko ang kamay upang maabot ang mga mata niya. These smoky brown eyes are making me wild. I can't remember the countless times I've been hypnotized the moment it stared back at me. I traced every corner of her face using my thumb.

"Damn. I'd go crazy if I can't have you, baby." I talked to her portrait like an idiot.

Bumaba ang kamay ko mula sa mukha niya patungo sa balikat. A sudden heat suffused all over my body as I grazed the curve of her breast down to her tiny waist. And these long legs. The thought of it circling my hips makes my groin ached so much. Napaungol ako dahil sa iritasyon. Damn. Damn it!

Tumalikod ako nang maramdaman ang pagsisikip ng dibdib at pantalon. Damn this girl for making me so crazy over her.

"Oh." si Matt na nasa aking likuran ang agad na nalingunan ko. Manghang nakatitig sa kung anong tinitingnan ko mula pa kanina. "You're still obsessed with her." Sunod- sunod na umiling siya.

Waves of LifeWhere stories live. Discover now