Ano bang nangyayari?

"Ma!" I asked my mom again.

"Ahh, kuya! Si kuya Cid, sabi nya..." Hindi na nakatapos ng sasabihin si Joshua kasi biglang tinakpan ni mama yung bibig nya.

"Ah, si Cid! Wala anak! Nagpaalam sakin na may kukunin lang daw sya. Hindi ka nya pinupuntahan sa loob kasi alam nyang importante hjng exam mo na yun kanina kaya hinahayaan ka lang nyang magfocus doon. Babalik din daw sya. About naman sa mga damit ng kapatid mo, wala lang eto! Eto kasing si Liza kanina pa ako kinukulit na gusto nya daw magsuot ng dress tapos dapat daw maganda din yung kay Joshua para terno sila. Kaya eto, wala na akong nagawa kung hindi damiyan sila ng ganito." Sabi ni mama.

"Ahh okay ma! Sige tatawagan ko lang si Cid ahh" Babalik na sana ako sa kwarto ko para kunin yung cellphone ko, upang tawagan si Cid pero napigilan ako kasi biglang lumapit sakin si Mama.

"Anak wag na! Wag mo nang tawagan si Cid, baka maabala mo pa yun." Sabi sakin ni mama, muli nanaman tuloy akong nagtaka sa sinabi ni mama.

Maabala? Saan?

"Ma? Maabala? Bakit? Asan po ba talaga si Cid?" Nagtatakang tanong ko kay mama. Mukha na naman syang natataranta na hindi ko alam.

Ano ba talagang nangyayari?

"Ahh, anak! Kasi... Uhmm... Kasi..." Hindi makapagsalita ng maayos si Mama. Naguguluhan na ko ahh!

"Ma? Asan na po si Cid? Alam nyo po ba? At bakit ayaw nyo po ma maabala ko sya?" I asked her. I tried to be calm kahit sobrang nagtataka na talaga ako.

"Ma?" I tried to ask her again but before she can answer me, biglang tumunog yung doorbell indicating na may tao sa labas ng condo ni Cid.

Kaya eto, minabuti ko nalang na isang tabi muna yung pagtataka ko at nagproceed na ko para icheck kung sino ba yung tao.

Pagkabukas ko nang pinto, bumungad sakin yung nakangiting mukha ni Andy.

"Andy?" Nagtataka kong tawag sa kanya. Anong ginagawa nya dito? Wala naman na banggit si Cid na pupunta sya ngayon ah.

"Hello, Jamie! Kamusta! Long time no see! Ang tagal mong kinulong este pinagpahinga ni Cid ah!" Malokong sabi ni Andy sakin.

"Anong ginagawa mo dito?" I asked him.

"Ay grabe sa mga tanungan ahh! Hindi ko na ba pwedeng bisitahin ang condo ng bestfriend ko pati narin ng lalaking unang minahal ko pero binasted lang ako!" Sabi nya habang nagaakto pa na nasasaktan sya.

"Andy!" Saway ko sa kanya. Pag sya narinig ni Cid! Patay talaga sya!

"Hahaha eto naman hindi mabiro! Nakamove on na ko sayo noh! Ngayon! I consider you now as my close friend only! Ayoko nang makipaggera kay Cid noh? Sigurado namang talo ako!" Sabi nya sakin.

"Anong ngang ginagawa mo dito?" I asked him again, but instead of answering me ngitian daw ba ako ng loko.

"Ano nga? Para kang baliw jan!" Sabi ko sa kanya.

"Andito ako para sunduin ka?" I asked him.

"Sunduin papunta saan?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Sa kasiyahan mo?" Yun lang yung sinagot nya sakin tsaka nya nilahad yung kamay nya sa harap ko. Tiningnan ko lang sya nang puno ng tanong at pagtataka sa utak ko.

"Shall we?" He said...

~~~

Andito kami sa elevator ngayon, mukhang pupunta ata kami sa rooftop kasi yun yung button na pinindot ni Andy nung sumakay kami.
I asked him why pero hindi naman nya ko sinasagot ng maayos. Sobrang mapilit sya tapos si mama naman tinutulak din ako para sumama sa kanya. Kaya eto, wala akong choice kung hindi sumama sa kanya.

Twisted Fate Book 1 ♡Completed♡Where stories live. Discover now