Allan: Tigilan nyo na ang pagiisip ng masama tungkol sa kapatid nyo! Walang masamang nagyari kay Cid. Pagkatiwalaan nyo nalang sya! Sa loob ng tatlong taon na nasa ibang lugar sya, wala naman tayong narinig na kahit anong gulo na pinasok nya. Siguradong importante lang talaga ito na kinakailangan nya tayong makausap lahat. Hindi ibig sanihin na nagkakaganito ang kapatid nyo ay gulo na agad ang dahilan.

Max: Tama si Dad, Liz! Magtiwala nalang tayo kay Cid.

Lesselle: sorry if nagiging praning din ako, hindi ko lang talaga maiwasan eh! Ano ba kasi yung kailangang sabihin satin ni Cid, para kailangan nya pa tayong makausap ng harapan. Kinakabahan ako eh!

Halata sa kanila ang kaba para kay Cid. Si Allen na umiinom ngayon ng kape. Si Sheryl n kasalukuyan parin pinaglalaruan ang kanyang hawak na kutsura at tinidor indikasyon na kinakabahan talaga sya. Habang sila Max at Liz halatang hindi mapakali sa kanilang kinauupuan.

Nanatili silang ganito ng ilan pang minuto. Walang sino man sa kanila ng umiimik pa kaya napuno ang buong silif kainan ng katahimikan, hanggang sa...

Cid: Mom! Dad!

Halatang pagod na pagod pa sa byahe si Cid ngunit para sa kanya ay wala na siyang panahon na dapat pang masayang pa.

Gulat na gulat na tumayo ang ina ni Cid at pinuntahan sya. Hinawakan nito ang mukha ni Cid at sobrang nagulat siya sa itsura ngayon ni Cid. Bakas na bakas sa mukha nito ang pagod at lungkot. Gayon din mismo ang pisikal na anyo nito, ibang iba sa malinis na Cid, ngayon? May Balbas na sya na dati ay hinding hindi hinahayaang ni Cid tumubo sa kanya. Ang mata nyang halatang sobrang puyat at galing sa pagiyak. Pisngi na namumutla!

Sheryl: Omg! Cedric! What happened to you! Bakit ganito ang itsura mo!

Naalerto na rin ang iba pang miyembro ng pamilya Alonzo at agad na lumapit kila Cid. Maski sila ay sobrang nagulat sa nakitang kalagayan ng kapatid.

Liz: My God! Cid! Anong nangyari sayo! Bakit ganyan na ang itsura mo! Anong problema! Bakit! Are you sick! Wait! Bakit ganyan ang mata mo! Umiiyak ka ba?

Nang marinig ito ni Cid ay parang mas lalong tumindi ang sakit na nararamdaman nya. Yung luhang kanina nya pang nilalabanan ay nagsimulang kumawala na sa kanyang mga mata. Pati tila nawalan ng lakas ang kanyang mga tuhod, dahilan upang siya ay matumba. Buti na lamang at nasalo siya ng kanyang ina at Ama.

"Cedric!" Sigaw nila maliban kay Cid.

Cid: Mom! Dad! Ate! Kuya! Please help me! Please help me save him! Please help me save my love! Please help me save Jamie! I'm begging you! Please help me! I don't know if I can save him on my own! Please help me! Please help me dad! Mom! Please help me! Please!

~~~

Lizzelle: So, your saying your gay now?

Max: Lizzelle!

Agad agad na sinuway ni Max ang kapatid dahil sa tanong nito. Kasalukuyan silang nakaupo sa living room ng kanilang mansion. Kakatapos lang magkwento ni Cid ng mga nangyari at ipakilala kung sino si Jamie sa buhay nya gayon din ang kanilang naging relasyon. Halata sa kanila ang labis na gulat dahil sa mga sinabi sa kanila ni Cid.

Cid: Hindi! Hindi ganun yun! Alam nyo ba, simula nung nakilala ko si Jamie. Sa kanya ko napatunayan na ang pagmamahal, walang edad, kasarian, estado sa buhay na kinikilala yan. Basta mahal mo ang isang tao, wala kang magiging pakialam sa kahit na ano pang bagay na sasabihin sayo ng iba. Yun ang naramdaman ko kay Jamie. Kilala nyo ko! Hindi ako marunong sa mga ganitong bagay pero nung nakilala ko alam ko sa sarili ko na dapat akin lang sya. Na dapat mahalin ko sya! Na dapat alagaan ko sya! Sa kanya ko lang naramdaman ito! Mahal na mahal ko si Jamie, dad, mom! Kuya! Ate!

Max: At ganun din sya sayo?

Cid: Yes! Mahal ako ni Jamie! Kahit alam kong hindi ako deserving sa pagmamahal nya. Napaka pure na tao ni Jamie, Kuya. Ako mismo sa sarili ko na wala akong karapatan sa pagmamahal nya. Napakabuti nyang tao at napaka swerte ng taong mamahalin nya. Maswerte talaga ako kasi ako yung minahal nya. Sya yung pinakamabuti, mapagmahal, selfless, matulungin, mapagmahal sa pamilya, kaibigan, matalinong tao na nakilala ko. Lahat na ata ng magandang quality na sa kanya. Kaya nga mas nasasaktan ako...

Muling tumulo ang mga luha mula sa mata ni Cid. Agad agad naman syang nilapitan ng ina para aluin.

Cid: Mas nasasaktan ako kasi alam kong dahil sa pagmamahal nya sakin kaya nasaktan ko sya. Hindi ko sinasadya! Hindi ko ginustong mangyari yun. Hindi ko sya kayang saktan kaya ipinangako ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para lamang maprotektahan sya pero anong ginawa ko! Nasaktan ko parin sya! Ako ang dahilan kung bakit nasa ganung kalagayan sya ngayon! Hindi ko kayang mawala sya sakin. Hindi ko kakayanin! Mas gugustuhin ko pang mawala nalang din sa mundo kung mawawala sya sakin.

Naalerto ang pamilya ni Cid sa mga huling sinabi na ito ni Cid. Ngayon lang din kasi nilang nakita na nagkaganito ang dating maloko at laging mapaglarong si Cid.

Liz: Cedric! Wag ka ngang magsalita ng ganyan!

Sheryl: Tama ang ate mo Cedric! Anong sa tingin mo ang mararamdaman samin kung mangyayari yang mga sinasabi mo.

Cid: But I'm just telling the truth, mom! Hindi ko kayang mawala si Jamie sakin! Ikakamatay ko!

Sheryl/Liz: Cedric!

Allen: Hindi mo man lang ba naisip ang magiging reaksyon namin sa mga nangyari sayo Cid. Isa kang Alonzo! Isa sa tagapagmana ng lahat ng naipundar ng angkan ko at angkan ng inyong ina. Tapos ngayon sasabihin mo samin na nagmamahal ka at sa kapwa mo pang lalaki. Paano kung sabihin ko sayo ngayon na tutol ako sa relasyon mo na yan! Paano kung sabihin ko sayo na itatakwil kita kung ipagpapatuloy mo yan.


Biglang nagsalita ang kaninang tahimik at nakikinig lamang na ama ni Cid. Halatang nagulat silang lahat sa winikang eto ng kanilang padre de pamilya.

Sheryl: Allan! Ano itong sinasabi mo!

Max/Sheryl: Dad!

Mukhang natamik si Cid dahil sa mga sinabi ng kanyang ama.

Allen: Sumagot ka, Cid! Anong gagawin mo! Kaya mo bang talikuran ang lahat ng ito para lang sa isang katulad nya? Kaya mo bang talikuran ang karangyaang habang buhay mong matatamasa bilang isang Alonzo basta iwan mo lang ang lalaking yun. Sige, kung tulong lang ang kailangan nya is ibibigay natin. Basta kinakailangan mo syang iwan! Hindi mo naman siguro nanaising pagusapan tayo ng lahat ng mga tao diba? Ano na lamang ang sasabihin nila sa pamilya natin if malalaman nila na may anak akong pumapatol sa kapwa niya lalaki.

Sheryl: Allan! Tumigil ka na nga!

Max: Dad! Why are you doing this!

Liz: Dad! Are you serious?

Muling hinarap ni Sheryl si Cid upang kausapin ngunit biglang tumayo sa upuan si Cid at seryosong hinarap ang ama. Tiningnan nya ito ng diretso at walang halong pagluha.

Cid: Okay, dad!

To be continued
Waanjaimjora

Twisted Fate Book 1 ♡Completed♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon