"Salamat, Dude!" Tugon naman ni Cid.

~~~

Setting: US

Cid's dad Allan, is currently inside his office discussing something with his secretary Sheryl.

Cid's Dad: Sheryl, have you completed the report that I've been asking you about?

Sheryl: Ah yes, Sir! I already send the report on your email, but if you want me to print it out, I will do it Sir!

Cid's dad: Oh, okay! It's okay! As long as you sent it already. I just need to review it before we can sent it out the department heads.

Sheryl: Okay, Sir!

Nasa gitna sila ng paguusap ng biglang bumukas yung pinto at pumasok ang isang napaka ganda at eleganteng babae na halatang galing pa sa mahabang byahe ngungit dumiretso agad sa opisina ng ama ni Cid.

Babae: Mukha, nakakaabala ata ako ahh!

Bakas sa mukha ni Allen ang pagkagulat kasi hindi nya inaasahan ang pagdating ng babae lalo na sa kanyang opisina. Medyo matagal na din kasi nung huli silang nagkita.

Agad agad na tumakbo si Sheryl sa harap ng babae para kausapin ito, alam kasi ng secretary ni Allan na ayaw na ayaw ng boss nya ng bigla biglang pagpunta ng kung sino.

Sheryl: Sino po kayo? Bakit po kayo pumasok dito! Pinagbabawal po ni Sir Allan ang biglaang pagpunta sa kanya ng walang prior appointment, kung ako po sa inyo is aalis na ako.

Babae: Hahahaha mukhang hindi ka pa rin talaga nagbabago, Allan! Napakaboring pa rin ng buhay mo! Maski Secretary mo hindi kilala kung sino ako. I bet even if with your children, pagbigla ka nilang pinuntahan dito ay ganito din ang mangyayari sa kanila.

Sheryl: Please, Ma'am! Mas makakabuti po if aalis na kayo! Ayoko ko pong magalit ang boss ko.

Babae: Hindi mo ba talaga ako kilala?

Sheryl: Hindi nga po ma'am, pero kahit sino pa po kayo, bilin na bilin sa akin ng boss ko na...

Hindi na pinatapos ng babae ang secretary ni Allan, pinatabi nya ito at saka mabilis na lumapit sa harap ng lamesa ni Allan.

Babae: Allan! Can you please fix this already! I don't have time to deal with this.

Halata na nagsisimula nang mairita ang babae sa pakikitungo sa kanya ng secretary. Napabuntong hininga nalang si Allan dahil dito at saka tumayo sa kanyang kinauupuan.

Allan: It's okay, Sheryl! You may go!

Sheryl: But Sir!

Allan: I said it's okay! She's okay! She is still my wife, so it's okay for her to barge in here unannounced.

Halata sa mukha ng secretary ang labis na pagkagulat nang malaman kung sino ang babae ngayon ay seryosong nakatingin sa kanya. Agad agad siyang yumuko para humingi ng paumanhin dito.

Sheryl: Oh God! I'm really sorry, Ma'am! I'm really sorry po! Hindi ko po sinasadya ang nagawa ko. Patawarin nyo po sana ako. Again, I'm really sorry po!

Sabi ito ni Sheryl habang patuloy ang pagyuko sa harap ng babae.

Alice: it's okay! Hindi mo naman ako masyadong na offend at saka kilala ko naman itong magaling kong asawa. Ganito na talaga sya kahit noon pa. Puro trabaho kaya pati ang pagpapakilala saming pamilya nya ay hindi nya magawa. The usual Allan nga naman!

Sheryl: Again! I'm really sorry po Ma'am! I'm so sorry po.

Allan: It's okay, Sheryl! You may go now! I'll just Buzz you when we're done.

Sheryl: Okay po.

At saka siya tuluyan ng lumabas ng kwarto, naiwan na doon ang mag-asawang si Alice at Allan.

Bumalik sa pagkakaupo si Allan at nagsimulang tingnan ang mga documents na nasa harap nya.

Alice: Oh! Akala ko ba maguusap tayo! Bakit mukhang iba nanaman ang ginagawa mo? At saka anong asawa? Hiwalay na tayo remember?

Allan: Matagal na tayong walang dapat pagusapan, Alice diba! Maliwanag na yan, simula nung nagserve ka sa akin ng divorce papers. Bukod sa mga anak natin ay matagal mo nang pinutol ang ugnayan natin sa isat isa.

Alice: At bakit! Sino ba ang may kasalanan sating dalawa! Sino ba sa atin ang nagkulang? Ako ba? I tried my best to keep our relationship working pero ikaw etong parang wala nang gana at paki sa pamilya natin. Tanging ito nalang kumpanya mo ang lagi mong bukang bibig. Lahat ng oras mo natuon mo na sa lugar na ito. Ilang beses na ko nagbigay sa iyo ng pagkakataon para magbago ka pero parang wala kang pakialam sa mga nagyayari sa atin. Kaya masisise mo ba ako kung bakit dumating na ko sa puntong ayoko na?

Allan: Alam mo, Alice? Sawang Sawa na ako sa mga pagsusumbat mo na yan! Laging yan nalang ang naririnig ko sayo! Ang hirap kasi sayo, gusto mo ikaw lang ang tama! Gusto mo kung ano yung gusto mo yun lagi ang Tama! Hindi ka marunong magcompromise!

Alice: Ako pa? Ako pa Allan? Ako pa talaga ang hindi marunong mag compromise? Nababaliw ka na ba? Sino kaya sa atin ang hindi marunong magbigay! Napakarami ko nang nasacrifice para sa pagsasama natin! I even delayed taking over my parents company kahit na alam mong bata palang ako ay yun na ang pangarap ko. Pero para sa iyo at sa god forsaken na pagsasama na ito pinili kong isantabi lahat ng pangarap at gusto ko para lang magwork tayo. Pero paano nga ba magwowork ang isang relasyon kung isa lamang ang gumagalaw! It will never work ay iyon lahat ay dahil sayo! Dahil selfish ka Allan! Napaka selfish mo!


Allan: Alice! Kung ganito lamang pala yung paguusapan natin, mabuti pa siguro kung umalis ka na sa nakikita mo naman ngayon busy ako. Wala akong panahon para igugulol sa mga walang kakwenta kwentang bagay.

Alice: Busy? Kelan ka ba hindi naging busy! Tsaka anong sabi mo? Walang ka kwenta kwentang bagay? Ngayon, mo sabihin sakin kung hindi ba naging tama ang naging decision ko na makipaghiwalay sayo.

Allan: Please Alice! I said I don't have time for this! Kung pwede lang please umalis kana!

Alice: Sa tingin mo ba pupunta ako dito sa lugar na ito na alam kong kinaiinisan ko kung hindi kinakailangan? I even fly out here para lang puntahan at nakita ka. I know kasi na pag ikaw yung papapuntahin namin is hindi ka pupunta.

Allan: What do you mean?

Alice: Kailangan mong umalis muna dito at sumama sakin! May kailangan tayong kitain at kausapin.

Allan: Sino naman!

Nababuntong hininga nalang si Alice nang makita ang mukha ng asawa na halatang hindi gusto ang idea na sumama sa kanya.

Alice: Kay Cedric! To our Son! He is flying here at siguradong nakalapag na yung private plane na sinasakyan nya.

Allan: What? Cedric is coming here in the US? Bakit daw? May nangyari ba?

Alice: Wala din akong alam basta ang sabi lang nya isa kailangan nya daw tayong makausap lahat. Max and Liz are coming here also. So please! Can you please stop working kahit ngayon lang. Mukhang may importanteng kailangan satin ang bunso nating anak para pumunta sya dito ng biglaan para kausapin tayong lahat.

Hindi na nakasagot si Allan, kung hindi ang tumango bilang pagsangayon sa sinabi ng asawa.

To be continued

A/N

I don't want to create a long Chapter.

WAANJAIMJORA

Twisted Fate Book 1 ♡Completed♡Where stories live. Discover now