Binigyan naman ako ng pagkain nila Kuya maliban nga lang sa mga seafoods na nakahain. May allergy kasi ako sa seafoods.

“Kamusta naman kayo ng asawa niyo, Miracle?” tanong ni Ate Jenel, na mapapangasawa ni Kuya Rowen.

“O-Ok naman po, Ate.” nahihiyang sabi ko.

Naalala ko naman yung pagpatay ng tawag ni Ay-Ay ng hindi man lang ako pinagsasalita.

“Hmm, balita ko bakla yung asawa mo? I hope na nakakasundo mo siya.” napanguso naman ako at tumango.

“Opo, minsan.”

Natawa nalang si Ate Jenel. Marami pa kaming pinag-usapan ng mga pinsan ko. Lahat sila ay excited na sa gaganaping kasal lalo na si Ate Jenel at sinabi pa niya na mag-kakababy na daw sila ni Kuya Rowen kaya naman tuwang tuwa kaming lahat. Madadagdagan na naman ang buong pamilya namin.

Ako kaya, kailangan mag-kakababy?

Pagkatapos naming kumain at binigyan din kami ng desserts. Kaya nag-stay pa rin kami dito sa restaurant maliban lang kila Ate Jenel dahil kailangan niyang magpahinga at sila Mama din. Kaya kaming magpipinsan nalang ang nandito.

“Sini ba yung hinihintay mo, Kuya Santi?” sabi kasi niya ay may hinihintay pa daw siya kaya hindi muna siya makakaalis.

“Malalaman– oh bru!”

Napatingin kami sa entrance at napasinghap naman ako sa gulat. Ngumiti siya sa’min at kumaway. Napatigil naman siya ng mapatingin sa’kin pero ngumiti din. Lumapit siya sa’min at tumabi sa’kin.

“Sorry. May pasyente lang akong inasikaso.” nakangiting sabi ni Noel.

Anong ginagawa niya dito? Napatulala lang ako sa’kanya. Para talaga siyang hindi isang doctor kapag pumuporma ‘e.

“It’s ok. Btw Noel, she’s Miracle. My cousin.” nakangiting pakilala sa’kin ni Kuya Santi.

Tumingin naman sa’kin si Noel at ngumiti, “Nag tagpo naman tayo, baka itinadhana talaga tayong dalawa?”

“Tadhana? Fan ka ni Marian noe? Yung host sa Tadhana.” nakangiting sabi ko sa'kanya.

Nawala naman yung ngiti niya pero natawa at tumawa din ng malakas yung mga pinsan ko. Tiningnan ko yung mga pinsan ko.

“Ano na namang nakakatawa?” nagsalubong ang kilay ko.

“Ewan ko sayo, Insan.” natatawang sabi ni Kuya Greg.

Umirap nalang ako, “Kilala niyo ang isa’t isa?” tanong ni Kuya Santi.

“Kung hindi namin kilala ang isa’t isa edi sana–”

“Stop. Huwag ka ng mamilosopo diyan, kumain ka nalang.”

Nagkibit balikat nalang ako at sinunod nalang ang sinabi niya. Nakinig nalang ako sa pagkwentuhan nila. Hindi ko naman maintindihan ang mga sinasabi nila dahil hindi ko alam kung anong pinag kwekwentuhan nila.

“Btw, nasaan ang asawa mo?” napatingin ako kay Noel na nakatingin sa’kin.

“Ako?” tumango naman siya, “Ah, nasa Manila siya. Hindi siya sumama.” ngumiti naman ako ng tipid.

“Kaya pala ang lungkot mo ‘a.” kinurot niya ang pisngi ko kaya pinalo ko ang braso niya dahil masakit.

“Hindi ‘a. Namimiss ko lang siya pero hindi ako malungkot?” natawa naman siya sa sinabi ko.

“Doctor ka diba, Noel?” tanong bigla ni Kuya Jared at tumango naman si Noel, “Bagay kayo.”

Napaubo naman si Kuya Santi at mas lalong napangiti si Noel sabay akbay sa’kin.

My Husband is GayNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ