Pumasok na ulit ako sa kwarto, nando'n parin si Iñigo at kunot-noong nakatingin sa akin. Nakangiti akong tumabi sa kanya at inubos ang pagkain.

"Nandito rin si Cheryl, pwede ba akong sumama sa kanya mamaya? Saglit lang ako doon" malambing na sambit ko.

Kunot-noo parin siyang nakatingin sa akin. "Your best friend right? It's okay but you're only there for a moment with them. We still have a date tonight."

"Thank you, promise saglit lang ako doon...Ikaw dito ka lang ba?" Tumango naman siya. "Magbibihis lang ako tapos baba na tayo" excited kong sabi.

****

Nasa dalampasigan na kami. I was wearing black cover up for my pastel yellow aerie wrap one piece swimsuit while Iñigo's wearing his white sando and shorts. We decided to take a walk for a while. Inigo brought his camera, pi-picuturan niya daw ako mamaya.

"I thought Cheryl was here? Where is she?" Sabi niya sa gitna ng paglalakad namin. Sandali akong tumigil para tignan ang cellphone ko para tingnan kung nagtext na siya pero wala pa naman.

"Hindi pa siya nagt-text, siguro mamaya pa ang dating nila." Sabi ko. He just shrugged.

Naupo kami sa isang tumbang kahoy habang tanaw ang papasikat na araw. Ang aga pala naming umalis. Hindi ko na siguro namalayan ang oras dahil sa pagkaexcite ko. Nakarinig ako ng pagclick ng camera sa gilid ko. Nakita ko si Iñigo na nakangiti habang tinitignan ang camera niya.

Ipinakita niya sa akin ang litrato. Nakatingin ako sa harapan at kuhang-kuha ang papataas na araw. "you're so beautiful like a rising sun, you're shining" I felt my face heats up. Agad akong nag-iwas ng tingin at itinago ang pag-ngiti. I'm used to his sudden pick up lines pero hindi ko maiwasang hindi kiligin.

"T-Thank you" Sabi ko nang hindi nakatingin sa kanya. Sandali pa kaming naupo doon hanggang sa napagpasiyahan naming magswimming na. Dahan-dahan akong pumunta sa tubig. "Ang lamig" bulong ko.

"Natasha! come here!" Pasigaw na sabi ni Iñigo. Nasa malalim na parte siya kaya hindi ako masunod sa kanya. Marunong naman ako lumangoy kaso natatakot ako. Nakakailang lakad pa lang ako papunta sa kanya nang bigla siyang mawala. Luminga-linga ako para hanapin siya pero wala talaga.

"Iñigo! Nasa'n ka?" kinakabahang sigaw ko. Hindi siya sumasagot kaya nataranta ako. Ilang minuto pa ako naghintay pero hindi pa talaga siya umaahon. Nasa'n na ba kasi yun? Aalis na sana ako sa tubig para humingi ng tulong peri may humapit sa baywang ko. Mabibigat ang paghinga niya pero hindi na napigilan ang pagtawa. "Siraulo ka! Kinabahan ako sayo" pagalit kong sigaw.

Hinigpitan niya ang paghapit sa akin. "I'm sorry, Love. Gusto sana kitang picturan but you're not in a mood" malambing na sabi niya sa akin. He held my hand pulled me into his place earlier. May mga corals doon, kaya pala tinatawag niya ako.

"They're pretty, right?" Tumango ako habang tinitignan parin ang corals. "I think you're one of them" taka akong lumingon sa kanya. "Because you're pretty too" he smirked then winked.

Natampal ko naman ang sarili kong noo. Nagring din ang cellphone niya kaya umahon na rin ako. Naupo ako saglit sa buhanginan at kinuha ang cellphone ko. Nagtext na pala si Cheryl.

Cheryl:

Nandito na kami, see you later.

Anong room number niyo? Ang akin ay room 545

Cheryl:

Nasaan ka ba?

Ako:

Nag-swimming kasi kami. Pupunta ako mamaya diyan.

Slr.

Nagpupunas na sumunod sa akin si Iñigo. "Is Cheryl here? Anong oras ka pupunta doon?"

I shrugged. "I don't know, maybe when she text me"

"Okay" tipid na sabi niya.

Sabay kaming umakyat sa suite. Sa isa siyang bathroom naligo habang ako naman ay sa bathroom ng kwarto ko. Tumawag daw kanina yung mama niya pero hindi niya sinabi sa akin kung bakit. Okay lang naman kasi usapan mag-nanay yun. Kinakabahan ako, hindi ko alam kung bakit. Nung nakarating naman kami ay okay ako pero nung tumawag ang mama niya hindi na ako mapakali. Pakiramdam ko may mali. Ano kayang pinag-usapan nila?

"Dito nalang tayo kumain, pina-akyat ko na dito. May gusto ka pa bang ipadagdag?" Napatigil ako sa pag-iisip nang lumapit si Iñigo sa akin..tapos na pala siya. My phone beeped.

marahan akong umiling. My phone beeped. "Cheryl texted me, mga 4:00 pm na daw ako pumunta." May nagdoorbell kaya binuksan na ni Iñigo ang pinto.

Cheryl:

Hindi mo naman ako nainform na happy family with kabute pala kayo diyan.

Kunot-noo kong paulit-ulit na binasa ang text niya. What does she mean? Hindi ko siya gets.

Ako:

What are you talking about? Kakain muna kami ni Iñigo bago ako pumunta diyan.

Cheryl:

Nandito sila Madam, yung mama ni Iñigo tapos may kasama siyang babae.

Ako:

Mama niya? Kaya pala tumawag siya kanina...Baka naman secretary niya yung kasama niya.

Binitawan ko na ang cellphone nang makita ko si Iñigo na may hawak na cart na may mga pagkain. Sabay kaming kumain nang tahimik.

****

"Aalis na ako! Text mo 'ko kapag may kailangan ka. Saglit lang ako doon, saan nga pala kita hihintayin?" Sabi ko habang nag-aayos ng gamit ko. Sling bag lang ang dadalhin ko dahil malapit lang naman.

Saglit siyang sumilip sa akin at inilayo ang cellphone na hawak niya. "Okay, bumalik ka ka-agad" he told me. Kanina pa siya may kausap sa cellphone niya.

I slowly shut the door making sure that I didn't make a sound. It's already 3:50 pm kaya nagmamadali na ako. Sumakay ako sa elevator para mas mabilis akong makapunta sa room niya. It's in 5th floor. My heart was pounding not knowing what's the reason. I didn't know if it's because what Cheryl texted me earlier. The elevator beeped. Lumabas ako ako naglakad sa mga pasilyo. I don't know what to feel when I saw Clarice and Madam Enrile, they were laughing together. I took a deep sigh before I walked pass in front of them. When I reached Cheryl's room, I knocked. She looked excited to see me again.

She hugged me. "Omg! Na-miss kita.." She placed both of her hands on my shoulders. "You looked pale. What happened?"

I shook my head. "W-Wala..." Pumasok ako sa kwarto niya. Mas maliit 'to kumpara sa room namin. "Saan daw yung event gaganapin?"

"Sa baba daw eh, nagpareserve sila malapit sa dalampasigan. Are you sure na sasama ka sa akin?" She sat beside me and handed me a coffee.

Tumango ako. "Of course, yes, pero saglit lang ako. May date pa kasi kami ni Iñigo" I smiled. Para tuloy siyang nalungkot pero ngumiti siya ng pilit.

"Ano ka ba, it's okay. Nakaka-abala ba ako sainyo? Sorry talaga ah? May date pala kayo 'di ka nagsasabi.." She looked at her watch. "Oh, let's go down. Nando'n narin ang mga yun."

Dealing With The BillionaireWhere stories live. Discover now