Hindi ko pinansin ang kung anumang sinasabi niya.

"What is it?"

"I lost my job and--"

"Sandro? What are you doing?"

Naiwan sa ere ang pagsasalita ko nang marinig ang malambing na boses na iyon mula sa isang babae. Hindi ako maaaring magkamali! Babae talaga ang narinig ko.

Kumunot ang noo ko. "Sino yun?"

"Ven, sige na. I'll just call you back."

"Sandro, hindi mo sinasagot ang tanong ko. Sino--"

"Ven." he cut me off. "I'll call you back, okay? Sige na."

Sandro ended the call before I could even utter a word. Kaagad na gumuhit ang sakit sa puso ko. Gustong- gusto kong bumunghalit ng iyak sa sobrang sama ng loob.

Ganun lang yun? Masyado bang mahalaga ang pinagkakaabalahan niya para lang babaan ako ng tawag? At sino ang babaeng yun? I thought he's busy?

Nangilid ang mga luha sa mata ko. Sa inis, sa galit, at sa sobrang pag-aalala! Ayokong pag-isipan siya ng masama pero bakit parang pinapatunayan ata niya sa akin na tama ang sinasabi ni Sam?

Ang lamig ng trato niya sa akin. Dalawang araw lang kaming hindi nagkikita, ganun na agad? Ayos pa naman kami bago siya umalis, ah? He even said to update me whenever he can!

Tumingala ako, mariing ipinikit ang mga mata kasabay ng sunod- sunod na pagpatak ng mga luha ko.

Nakakainis lang iyong pakiramdam na ang sama sama ng loob mo pero wala kang ibang magagawa maliban sa umiyak. Hindi ko alam kung mapapanatag ang loob ko gayong nalaman kong nasa maayos na sitwasyon lang si Sandro.

Natulog akong masama ang loob kay Sandro. Nagising mga alas kwatro ng hapon dahil sa marahang katok mula sa aking pintuan.

Napabalikwas kaagad ako ng bangon. Inisip na si Sandro ang kumakatok. Sino pa ba, eh siya lang naman ang madalas na bumibisita sa akin dito?

Isinuklay ko ang mga daliri sa aking buhok habang papalabas ng kwarto. I didn't even have the decency to check myself. To think na kagagaling ko lang sa pag-iyak kanina.

Napangiti ako habang binubuksan ang pintuan. "San--" nabitin sa ere ang kung anumang sasabihin ko nang tumambad sa akin ang Nanay ni Miko.

Nawala ang ngiti ko.

"Venus, iha." aniya. Tumikhim ako at inayos ang sarili. Kinapa ang mukha sa posibleng dumi. Mas lalo lang akong naasiwas na baka mahalatang umiyak ako kanina nang bumaling ako sa likuran niya ay nakita si Tito Dom doon. Nakatayo. Hindi kalayuan ay naroon ang mga kapitbahay na nakiiusyuso at ang dalawang bodyguard na parehong naka unipormeng puti.

"Magandang umaga, po." mahina kong usal.

"Magandang umaga, Venus." bati pabalik ni Tito. "Pwedi ba tayong mag-usap?"

Pinagtakhan ko kaagad kung ano ang gusto niyang pag-usapan. Sobrang mahalaga ba ito para puntahan niya ako sa bahay?

Pumasok kaagad sa isipan ko si Sandro. Hindi kaya niloloko niya ako? O baka hindi talaga ako gusto ng mga magulang niya para sa kanya? Baka arrange marriage sila ng babaeng iyon?

Ito na ba ang sinasabing bibigyan ako ng sampung milyon layuan lang ang anak nila?

I shrugged the thoughts away. Mukhang imposible naman iyon. Parang pelikula!

Umalis ang Mama ni Miko at pinapasok ko naman si Tito sa bahay ko. Malikot ang mga mata niya habang papasok kami sa loob, kahit hanggang pinaupo ko siya sa mahabang sofa ay pinaglalandas niya ang tingin sa bawat bahagi ng bahay na tila may hinahanap.

Nahihiya tuloy ako. Yung bahay ko, mas malaki pa ang kusina nila!

"Gusto niyo po ng maiinom?" tanong ko na gustong tawanan ang sarili.

Ano namang maiaalok ko sa kanya rito?

"Coffee would be fine."

Tumango ako at dumiretso sa kusina. Mabuti na lang at mahilig din ako sa kape. Ito ang tanging mayroon ako sa bahay. Pagkatapos makapag timpla ng kape ay tahimik ko itong inilapag sa harapan ni Tito Dom. Umupo rin ako sa rattan chair na kaharap ng kinauupuan niya.

"Ano po ang pag-uusapan natin?" I asked.

"I'm sorry, hija. I've been thinking about it all night. Hindi ako pinapatulog ng konsensiya ko.."

Kaagad na bumangon ang kaba sa dibdib ko. Ito na nga ba ang sinasabi ko, eh! Hinanda ko ang sarili sa posibleng sasabihin ni Tito.

May babae ba si Sandro at hindi na pweding maging kami? O hindi kaya'y ikakasal na siya sa iba?

"I want you to undergo DNA testing with me.."

Tumigil ang pag-ikot ng mundo ko. Tila wala akong ibang naramdaman at naririnig maliban sa mga katagang binibitawan ni Tito Dom.

Matagal bago ako nakabawi. Kung ilang beses akong nakanganga at nakatulala sa harapan ni Tito ay ni hindi ko matandaan!

"A-ano po bang pinagsasabi niyo?" I laugh but without a humor in it.

Hinintay kong bawiin ni Tito ang sinabi niya pero hindi niya ginawa. Hindi ito ang inaasahan ko! Mas mabuting marinig ang iniisip ko kanina kaysa sa walang katuturang bagay na ito.

DNA testing? Para naman sa ano? Joke time ba 'to?

"You could be my daughter, Venus."

"Tito, imposible po iyon. Twenty one pa lang po ako. Bago pa man ako ipinanganak ay nagkakilala na kayo ni Tita Riza. May anak na kayo!"

No matter how I think about it, imposible talaga! Mas bata ako kumpara sa tatlo niyang anak.

Tito swallowed a lump on his throat. Sumimsim siya sa kanyang kape bago nagsalita. "I had an affair with Perla."

Napatutop ako sa sariling bibig. Tumingala si Tito at kita ko ang pagkislap ng luha sa kanyang mga mata. "Mahirap kalimutan ang Mama mo. Nagkapamilya ako pero hindi tuluyang naging masaya. Hinanap ko siya para tuluyang palayain ang sarili ko mula sa matinding pagmamahal sa kanya pero hindi ganun ang nangyari."

"We started seeing each other secretly. We had an affair. Mali ang lahat, I know I'm in a committed relationship with someone but Perla.." Tito trailed off. Pumatak ang butil ng luha sa kaliwang pisngi niya. "will forever be the woman I loved. At mas mahirap suwayin ang puso kaysa gawin ang tama."

"H-hindi po iyan totoo.." nanginig ang boses ko. Ni hindi ko makilala ang sariling boses dahil sa poot at sakit na namumuo sa dibdib ko ngayon.

"I'm sorry that I have to dragged you and Sandro into this mess. Pero hindi ako patutulugin ng konsensiya ko hangga't hindi ko nalalaman ang totoo. Please, Venus."

Umiling ako, ang mga luha ay walang tigil sa pag-agos sa aking pisngi.

"Hindi po maaaring kapatid ko si Sandro at hindi gagawin ni Mama ang sinasabi ninyo. Ang sinabi niya sa akin ay nararapat na walang sinasaktang tao ang pagmamahal." nanghihina kong sinabi.

Marahas kong pinunasan ang mga luha subalit panibagong luha na naman ang lumandas sa aking pisngi. Paulit- ulit kong ginawa iyon pero ganoon pa rin ang nangyayari.

Damn! Damn it! Damn these lies!

"I'm sorry. Ako ang may kasalanan. Tinulak niya ako palayo pero nagpumilit ako. Sinubukan naming lumayo, sinubukan kong iwan ang pamilya ko. Pero pumasok sa isipan ko ang mga anak ko, hindi ko sila magagawang iwan."

"Itinigil namin ni Perla ang pagkikitang iyon pero hindi ko alam na nagbunga ang ilang buwan naming pagsasama.. I'm sorry.." Tito cried in vain. "Dahil sa kagaguhan ko, pati mga anak ko ngayon nadadamay."

My shoulders rocked because of my sobs. Isinubsob ko ang mukha sa aking palad, walang pakialam marinig man ng mga kapitbahay ang malakas kong hagulhol. The pain was just getting unbearable. Sa araw na ito, ilang beses na nawasak ang puso ko. At mga Marcos ang dahilan ng lahat ng iyon!

Waves of LifeWhere stories live. Discover now