I sighed wearily. Hinilot ko ang sentido at itinukod ang siko sa katabing lamesa. Sumasakit ang ulo ko. Nag-aalala ako kay Sandro at dadagdag pa si Samantha at Miko.

Hindi ko na alam kung paano kontrolin o diktahan ang sarili!

"Kilala ko na si Sandro bago pa man kayo magkamabutihan. He's a heartbreaker, Ven. Lahat ng nagtatapat sa kanya, binabalewala niya na tila hindi mahalaga sa kanya ang damdamin ng mga ito. I thought he's gonna change when he met you. Pero hindi at pinagsisihan kong hinayaan ko siyang mapalapit sa'yo. Ngayon, kung ayaw mong makinig sa akin, bahala ka."

Padarag na lumabas si Samantha na agad namang sinundan ni Miko. Wala akong ibang nagawa maliban sa sundan sila ng tingin. Maybe they just need time to sort everything out.

Aakalain nilang hindi seryoso sa akin si Sandro dahil hindi naman nila alam ang nangyayari sa amin. They never know how he treated me.

I tried texting him again, hindi ko alam kung pang ilang tawag at texts ko na sa kanya ito ngayong araw. But the hell I care! Kung kailangang tadtarin ko siya ng messages para lang replayan ako, gagawin ko.

To Sandro:

Nakauwi ka na daw? Pupunta ka ba dito sa bahay o gusto mong bisitahin kita sa inyo?

To Sandro:

Replayan mo'ko, please?

Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga nang hindi pa rin siya nagrereply sa akin. Pinigilan ko'ng maiyak habang nagtitipa ng bagong mensahe para sa kanya.

Ayokong mag overthink dahil sasaktan ko lang ang sarili ko para sa wala.

To sandro:

Sandro, please?

Isinubsob ko ang mukha sa braso kong nakapatong sa lamesa. Kung hindi talaga siya magrereply sa akin hanggang mamayang hapon, pupuntahan ko na siya sa bahay nila.

Minutes after I sent the last message, tumunog ang cellphone ko. Agad akong umahon sa pagkakasubsob at halos tumalon ang puso nang makita ang pangalan ni Sandro.

"Sandro!" I hissed after pressing the answer button.

Sinalubong ako ng katahimikan sa kabilang linya. Kung hindi ko narinig ang malalim na buntong hininga ni Sandro pagkatapos ng ilang segundong katahimikan ay aakalain kong wala akong kausap.

"Ven.." his voice was low and cold.

Pagkarinig ng boses niya, kaagad na nakadama ng kasiyahan ang puso. My heart misses him so much.

"Ano ang nangyari? Hindi mo na 'ko kinakausap. Busy ka ba?"

He heaved a sigh again. Tila mahirap sa kanya na kausapin ako ngayon. "Ven, I'm just working on something."

"Something? Sandro hindi ba pweding mag reply ka man lang sa akin? Pinapatay mo ako sa pag-aalalang baka may masama nang nangyari sayo. Hindi naman aabutan ng minuto ang pagtitipa ng mensahe, ah?"

"I'm really sorry. I'm just busy."

"Naiintindihan naman kita. Do you want me to visit you?"

"No.." agap niya. Nagulat pa ako sa biglaan niyang pagtatanggi. "Ako ang pupunta sayo kapag maayos na ang lahat. I just want you to focus on your studies and job."

Natahimik ako. Hanggang ngayon hindi pa rin niya alam na nawalan na ako ng trabaho. Hindi sinabi ni Simon sa kanya. Kungsabagay, si Si kasi man of a few words. Nagsasalita lang kapag importante. Eh sa tingin siguro nun hindi naman ako mahalaga para pag-aksayahan ng laway.

"Just trust me, Ven." Sandro said gently. "The least that I will do is to hurt you. Kailangan ko lang muna ng panahon sa ngayon."

"May sasabihin ako sayo.." namaos ang boses ko.

Waves of LifeWhere stories live. Discover now