PART 25

4.1K 78 9
                                    

"See you soon beautiful."

                                     - Calvin.

Agad na itiniklop ni Denise ang card na galing kay Calvin ng biglang bumukas ang pintuan ng kanyang opisina.

Hindi na siya nagulat pa ng bumungad sa harap niya si Isiah.

Ilang buwan narin ang nakalipas simula ng mangyari ang insidenteng naaktuhan silang dalawa ng binata ng kaibigan niyang sina Sam at Crista at pagkatapos mangyari iyon ay iniwasan na niya si Isiah.

Ang dahilan?

Sa pangyayaring iyon ay biglang nagbukas ang isip niya at nakaramdam ng takot. Takot dahil alam niyang malapit ng matibag ang pader na iniharang niya para kay Isiah. Takot na nakakaramdam na naman siya ng saya kapag kasama ito pero baka sa isang iglap ay iwan na naman siya nito.

Konting konti nalang at baka maisuko na naman niya ang buong puso niya rito kaya naman pinairal niya agad ang utak kaysa puso.

Ilang buwan na niya itong hindi kinakausap dahil alam niya sa sarili, na kapag nagpadala ulit siya ay wala na siyang kawala pa. Alam niyang bibigay na siya rito.

Halos maibigay na niya sa binata ang lahat lahat sa katawan niya ng araw na iyon, pero ipinapangako niyang hindi na dapat pang maulit iyon.

Hindi na!

Kinakausap niya lang si Isiah kapag tungkol sa trabaho, pero kapag sa iba na napupunta ang usapan, hindi na niya ito inimikan pa hanggang sa ito na mismo ang aalis sa harap niya.

Araw, linggo at buwan na ang nakalipas na ganoon ang trato niya sa binata pero sa loob loob niya, nasasaktan siya at hindi niya alam kung kaya pa niyang tikisin ito.

Takot pa siya. Takot pa siyang masaktan ulit.

"Kanino galing yan?" Tanong ni Isiah. Nakatingin ito sa bulaklak na padala ni Calvin. It was a bouquet of lilies.

Isiah even crossed his arms, leaning on the door while his face obviously looks annoyed.

Sumandal siya sa kanyang swivel chair at kaswal na nagsalita siya. "From my boyfriend."

Kitang kita niya ang paggalawan ng panga ni Isiah hanggang sa napansin niya ang mata nito.

Kumirot ang puso niya sa nakita.

Kitang kita niya ang sakit na bumalatay sa mukha nito, ang mga mata nito ay parang pagod na pagod. Mukha rin itong kulang sa tulog. Isiah doesn't look fine.

Ilang buwan na niya itong iniiwasan pero patuloy parin ito sa panunuyo sa kanya. Umaga, tanghali at gabi.

Parang pinipiga ang puso niya sa nakikita kaya mabilis siyang umiwas ng tingin, hanggang sa namalayan nalang niyang nagbukas-sara ang pintuan.

Nanghihinang napapikit siya at agad na naglandasan ang luha sa mata niya. Gustong gusto niyang lapitan si Isiah at yakapin, pero pinigilan niya ang sarili.

Para ano? Baka umasa lang ito sa kanya. Kailangan niyang pagtibayin ang sarili kung ayaw niyang masaktan ulit.

"Pero nasasaktan ka parin." Bulong ng isang bahagi ng isip niya.

Ipinilig niya ang kanyang ulo at ipinagpatuloy nalang ang trabaho.

PAGKALIPAS ng dalawang oras ay pumasok sa opisina niya si Alfred.

"Mam may nagdeliver po ulit ng bulaklak para sa inyo."

Napataas ang kilay niya. Wala naman itong hawak na bulaklak. At sino naman ang magbibigay sa kaniya? Imposibleng si Calvin dahil kakapadala lang nito sa kanya ng bulaklak at nasa harap niya, nakapatong sa desk niya.

HOT AND COLDWhere stories live. Discover now