"Naalala nya yung lygar pa yun?" Sabi ni Jamie sa sarili.

"Here! Buti nalang open na sila nung pumunta ako. Nagulat nga sakin si Ate kasi bakit daw ang aga aga kong pumunta kanina. Wait!" Ibibigay na sana ni Cid kay Jamie yung porridge na binili ng maalala nya na malamig na nga pala eto.

"Hala wait, malamig na pala ito. I think I need to reheat it. Wait lang Love ah! Napakabaliw ko talaga! Magpapakain pa ako sayo malamig, sabi nga pala ng doctor dapat mainit lagi ang kakainin mo bago ibigay sayo, so that we can train your stomach again into eating this kind of food again." Napangiti na naman si Jamie ng makita nya yung muling pagkataranta ni Cid sa harap nya, pero syempre hindi nya pinapahalata iyon.

Pagkatapos initin ni Cid yung pagkain ni Jamie agad agad nya ito inihanda para ipakain sa kasintahan. Isa ito sa mga ginagawa nya for Jamie, he is helping him with everything. Mabuti na nga lang hinahayaan sya ni Jamie kahit medyo ilag parin ito sa kanya. Sapat na ito basta masigurado nya na okay ang binata.

"Here is your food, Love! Come, I will help you eat." Abala na ngayon si Cid sa pagpapakain kay Jamie ng may biglang pumasok sa kwarto kung saan sila naroon.

"Hi! Oh wow! Mukha abala kayo ahh! Nakakaabala ata ako?" Bakas sa mukha ni Jamie ang pagtataka kung sino ba itong biglang pumasok. Sa kabilang banda, gulat naman ang mababasa sa mukha ni Cid.

"Woah! Kelan ka pa dumating! Anong ginagawa mo dito!" Gulat na sabi ni Cid.

"Alam mo naman kung gaano ako ka curious na makita itong taong naging dahilan para tumino ka. Tingnan mo nga naman, inaasikaso mo pa sya and the fact na you never did that to other people kahit nga sakin na mismong kapamilya mo eh! You are always the arrogant and snob boy that you always act to be tough, but looking at you now? I can really say na, God! You've change, as in really change! I can't believe I'm seeing this side of you!" The man who entered the room said.

"Baliw! Kung ano ano na naman yang pinagsasabi mo! Kelan ka pa dumating?" Tanong ni Cid.

At dahil narin sobrang nagtataka na siya kung sino na itong nagsalita ay hindi na nakatiis si Jamie, tinanong nya na si Cid, kung sino ba talaga etong lalaki na nagsalita by holding his arm.

Napatingin si Cid kay Jamie, nakita nya yung mukha ni Jamie na parang nagtatanong sa kanya, kung sino ba yung lalaking pumasok sa kwarto nya. Kahit hindi nakakapagsalita si Jamie ay naintidihan parin sya ni Cid.

Agad agad na mas lumapit si Cid kay Jamie at hinawakan ang mukha nito. Hindi ito nakaligtas sa paningin ng lalaking kasama nila ngayon sa kwarto. Nung una ay nagulat sya dahil for him, It looks so surreal seeing it in actual. Hindi nya akalain na makikita nyang umakto ng ganito ang bunsong kapatid sa ibang tao.

"Ah Love! It's my brother! Remember the brother that I always tells you about. The one who is helping me para sa recovery mo. Siya yun! My brother always had my back on everything kahit na minsan..." Then he looks at his brother.

"Pinagtritripan nya ako at ginagawang pang blackmail yung mga bagay na alam nya laban sakin!" Madiin na sabi ni Cid habang nakatingin sa kapatid.

Natawa naman ang kapatid ni Cid.

"Hahaha sorry, my dear little Brother! Pero sino ba ang may kasalanan kung bakit marami akong pangblackmail sayo! Napaka mo naman kasi hahaha" He then look at Jamie, na medyo shock parin. Lumapit ito sa higaan ni Jamie at inilahad yung kamay nya.

"By the way, you must be Jamie! I'm Max! Max Alonzo! Older brother ni Cid!" Sabi ng kuya ni Cid. Medyo nataranta at uupo sana ng maayos si Jamie pero pinigilan sya ni Cid. Medyo nakahiga pa kasi yung porma nya.

"Oh, no! You don't have to move, Love!" Sabi ni Cid then tinapik nya yung kamay ng kapatid nya.

"Baliw ka ba kuya? Bakit ka makikipagkamay lay Jamie ngayon alam mo naman na hindi pa nya kaya! Nangaasar ka ata eh!" Sita ni Cid sa kapatid.

Halatang nagulat si Max ng marealize ang pagkakamali.

"Oppss, sorry! I forgot! Sorry, I didn't mean to offend you or something. Sadyang excited lang talaga ako na makilala ka. See?" Then he goes out of the room. After a few seconds, he came back and this time, may dala na siyang maleta.

"See? Pagkagaling na pagkagaling ko sa airport, dito na agad ako dumiretso! Ganun kita kagusto na makilala. Actually pati si Ate, mom at pati si dad pero alam nyo naman mga yun, parating nasa kung saang saang parte ng mundo. Anyway! So you're Jamie!  The famous Jamie, who made it possible for this troublemaker brother of mine to change. I'm glad na nameet na kita today! You have no idea how much my family wants to meet you lalo na ako. Sobrang laki ng utang na loob ng family ko sayo. Kung alam mo lang!"

"Po?" Eto lang yung nasabi ni Jamie, kahit marami syang bagay na gusto itanong sa kapatid ni Cid.

"Ahhh, hindi mo ba pa alam kung gaano kalala itong kapatid ko noon? Wait! Maikwento nga sayo! Ganito kasi iyon...." magsisimula na sanang magkwento ang kapatid Cid.

"Kuya! Ano kaba! Pumunta ka ba dito para siraan ako! Subukan ko lang! Makikita mo talaga hinahanap mo!" Pagalit na sabi ni Cid.

"Hahahaha, see! That is Cid! That is my real brother! Ang mainitin ang ulo at laging galit kong kapatid!" Pabirong sabi ni Zac.

"Kuya!"

"What! I'm just stating the fact!" Sagot ulit ni Zac. Hindi maiwasan ni Jamie na hindi matawa habang pinapanood kung paano magbangayan ang magkapatid. Napatingin naman si Zac at Cid  na naging dahilan para sumeryoso ulit ang mukha ni Jamie.

Ilang segundo ang pagkailang sa isat isa. Naputol lamang ito ng magsalita muli si Cid.

"Ay nako kuya, kung andito ka lang para manggulo, buti pa umuwi ka na muna! Matulog at baka kaya ka nagkakaganyan dahil pagod ka sa byahe! Pinapagod mo ang Love ko sa litanya mo! Saka ka na bumalik kapag matino kana kausap!" Sabi ni Cid habang tinutulak nya palabas ang kapatid.

"Ano ba Cid! Wait! Gusto ko pa makausap si Jamie mo! Wait! Wait! Jamie! Hindi pa ito ang huli nating pagkikita ahh! Gusto pa kitang makausap at makilala! Pag okay kana usap ulit tayo! Marami akong kwento sayo regarding sa kapatid ko! At saka don't worry about anything! My brother and my family got you! Basta focus on your recovery! Mababaliw ata itong kapatid ko pagnawala ka eh! Okay! Okay! O..." Hindi na natapos ni Zac ang sinasabi dahil tuluyan na syang naitulak palabas ni Cid palabas sa kwarto.

Then hinihingal na humarap ulit si Cid kay Jamie na mukhang nagulat sa mga nangyayari Jamie just looked at him with full of questions in his face. Cid smiles at him awkwardly before speaking again.

"Love! Do you want to continue eating?" Eto ang nasabi ni Cid na mas lalong pinagtaka ni Jamie.

TO BE CONTINUED

WAANJAIMJORA

Twisted Fate Book 1 ♡Completed♡Where stories live. Discover now