I will never be stupid again when it comes to Jamie! I will never untrust him again! Never!

I can see how tired he was! Namamaga na din yung mukha nya which is normal lang daw sabi ng mga doctor.

Two weeks nang ganito si Jamie pero still no progress sa kalagayan nya. Nung una nga ayaw syang ipadala sa isang kwarto mas okay daw if nasa ICU sya, pero I insist na ilipat sya sa kwarto para na rin makasama namin sya at ng family nya.

Sinigurado lang na maayos ang pagmomonitor sa kanya. Nagbabayad ako ng dalawang private nurse para lang sa kanya. Isa sa umaga, isa sa gabi! Palitan sila! Dito din nag stay si Jamie sa pinakamalaking kwarto sa ospital na ito. Kasya 4 na kama. Kaya nagawa naming itabi kay Jamie ang kama ng kanyang ina at mga kapatid. Wala akong pakialam sa kung magkano ang magastos ko, ang mahalaga ay maayos sya. Ang tanging nais ko lang ay masigurado na mananatiling buhay si Jamie! Yun lang ang mahalaga at wala ng iba.

Noong una ay ayaw pumayag ni mama sa offer ko pero my friends helped me convince her. Eventually, pumayag na din sya lalo na at nakikita naman nya na lubos na naalagaan si Jamie sa ospital na ito.

Hindi rin ako umaalis sa tabi ni Jamie! Kasama nya ko sa lahat ng test, lahat ng procedure na ginagawa sa kanya. Nandun ako lagi sa labas nakaabang na matapos sya. Wala naman pumapalag sakin kasi pag-aari ng pamilya ko ang ospital na ito.

Kapatid ng father ko ang may-ari at chief surgeon ng hospital na ito, inilipat namin sya dito, days after ng operasyon nya kasi alam kong dito mas maasikaso at maalagaan si Jamie.

I will do whatever it takes for him to get better. Kahit magpapunta ng doctor mula sa ibang bansa ginawa ko na para kaya Jamie. Suportado naman ako ng father at kuya ko. Himala nga kasi ewan ko ba ang alam ko wala syang pakialam sa mga ginagawa ko pero nagulat ako ng tinawagan ako ni papa na kahit ano daw gusto ko at gawin ko. Gusto nga din nya makilala si Jamie.

(A/N: saka ko na ieelaborate yung part na ito ahh)

Hindi ako humihiwalay kay Jamie sa kahit anong pagkakataon. Hindi ko kaya! Pagkatapos ng nangyari na ito! I swear I will never let him be away from me again, not again! Mabuhay lang sya at bumalik lang sya sakin! I swear babawi ako!

I will do whatever it takes para makabawi sa kanya!

Nung nakaraang araw kinausap ako ng doctor, na baka daw ibang Jamie na yung bumalik sakin in case magising man sya. Sa lala daw kasi ng pagkakabangga kay Jamie, mababa daw yung chance na magising sya at kung magigising man daw sya ay sigurado marami na syang deficits sa katawan like sa paglalakad or sa pagsasalita.

Actually, masakit man sabihin at isipin, he's currently in a coma. Marami nagsasabi sakin na dapat daw sumuko na kami kasi wala narin naman daw magagawa if umasa pa kami. Sobrang nasaktan ako nung marinig ko yun!

Muntik ko pa ngang mabugbog yung doctor na kausap ko nung time na yun buti nalang napigilan ako ni Andy, pero wala akong pakialam sa sabihin nila. Hanggat hindi si Jamie ang bumibitiw, hanggang may hininga si Jamie. Sinasabi man nila na machine lang nag tumutulong sa kanya para makahinga. Wala akong pakialam!

Kaya kong magintay kahit gaano pa ito katagal! Siguro nagpapahinga lang sya! Gigising din sya. Si Jamie pa! He's the bravest man I know! Alam kong kakayanin nya ito.

Hindi ako pumapasok, nagpapapunta nalang ako dito ng private tutor para sa mga classes kk. I also attended class thru video call with the help of Andy, para masiguro ko na araw at gabi kasama ko si Jamie at nababantayan ko sya.

I also come to the point na nagpapaturo ako sa mga nurse kung paano asikasuhin si Jamie. Mga simple task na pwede akong gumawa katulad ng galawin si Jamie every two hours, need daw kasi yun para hindi mastuck yung katawan ni Jamie.

Yung simpleng pagpapakain sa kanya gamit yung feeding tube. Yung simpleng pagpupunas sa mukha, kamay at paa nya. If it involves na yung mas private part ng body nya ayun tumatawag na ko ng nurse. Hindi ako sumusobra dahil alam king ayaw ni Jamie yun.

Kinakausap ko sya, naniniwala kasi ako na nakikinig sya. I can still sense him. I know he's here. Every single day, I always say sorry to him and hindi ko rin maiwasang maiyak lalo na pag kaming dalawa lang.

I sing him every night, alam ko kasi gusto nya yun. Sa ilang taong kasama ko sya, medyo kilala ko na yung mga gusto nya na ginagawa ko sa kanya.

Miss na miss na kita love!

Your smile! Your laugh! The way your eyes looks at me when you are happy and the way it squints when you're mad at me. Your hands holding mine! Your speaking voice!

I'm sorry kasi nakalimutan ko lahat ng importanteng bagay na yun nung nagalit ako! I really forgot! I'm so sorry, love!

Love please don't let go. Please don't go! Please love! Please!

(A/N: turn on the I wanna grow old with you music para mas feel)

I wanna make you smile whenever you're sad
Carry you around when your arthritis is bad
All I wanna do is grow old with you

I'll get your medicine when your tummy aches
Build you a fire if the furnace breaks
Oh it could be so nice, growing old with you

I'll miss you
Kiss you
Give you my coat when you are cold\

Need you
Feed you
Even let you hold the remote control

So let me do the dishes in our kitchen sink
Put you to bed if you've had too much to drink
I could be the man who grows old with you

I wanna grow old with you

~~~

3 Months after

Time Check 10 pm

Kakatapos lang ng visiting hours kaya kakauwi lang ng mga bisita ni Jamie. As much as possible kasi need ni Jamie ng tahimik na environment sabi ng mga nababasa ko sa internet. Less stressful environment, mas tumataas ang factor para magising sya kaya sumusunod nalang ako para narin sa ikabubuti ni Jamie.

As I was preparing my bed. Yes, bed! Pinalagyan ni tito ng kama dito sa tabi ni Jamie, kasi halos ay hindi pala halos dahil dito talaga na ako nakatira. Mas smaller bed ito kumpara dun sa bed nung family ni Jamie nung una. Doon sa kabilang kwarto na nagstay yung family ni Jamie.

Never akong umalis, kahit lumabas man lang di ko magawa. Ayoko kasing umalis sa tabi ni Jamie.

Baka kasi...

Ay wala hindi mangyayari yun! No! Never! Kaya eto, kung titingnan mo yung kwarto ni Jamie, alisin mo lang yung napakaraming aparato sa tabi nya, mukha syang kwarto lang talaga sa bahay.

Yvonne and Connie are okay with me now. Nakita siguro nila yung dedication ko sa pagaalaga kay Jamie. One day, nagulat nalang ako at may daladala na silang food for me. All of them tried to make me go out pero never kong ginawa. Gusto ko kasi parati akong nasa tabi ni Jamie! I already did the biggest mistake when I choose to go away from him instead of talking things out ito tuloy ang nangyari. Hinding hindi ko na gagawin ulit yun.

In the end, hinayaan nalang nila ko. Lagi nalang nila kami dinadalaw ni Jamie. Umabot na din pala sa 10 million ang bill ni Jamie. Buti nalang at hindi ako pinapagalitan ng father ko. Supportive ang family ko kasi nakita nila kung sino si Jamie sa buhay ko.

Maraming sumosuporta samin ni Jamie pero ewan ko ba. Hindi ko alam, pero as days goes by, I feel like I am losing him!

I feel so helpless!

I buried my face beside him ear!

"Love, I love you so much! I will wait for you so please hang on! I can never imagine my life without you! Please come back to me! Kahit gaano katagal, magiintay ako!"

Maghihintay ako Jamie! Maghihintay ako sa pagbabalik mo, mahal ko!

TO BE CONTINUED
WAANJAIMJORA

Twisted Fate Book 1 ♡Completed♡Where stories live. Discover now