Kabanata 65

Depuis le début
                                    

"Pare! Ano bang ibig mong sabihin? Anong inagaw?" Nagtatakang tanong ni Andy. Napatayo tuloy ako! Ang lakas ng loob nya na itanggi yung ginawa nila ni Jamie.

"Aba nagmamaang maangan ka pa! Loko ka pala talaga eh noh!" Susugudin ko sana sya para bugbugin dahil kanina pa ko nagtitimpi sa kanya, kung hindi lang nandun si Jamie baka nagantihan ko na ito sa ginawa nya sakin kanina sa school.

Alam ko kasing may trauma si Jamie, hindi nya kayang nakakakita ng violence sa paligid nya. Ayokong mahirapan sya! Pucha naman kasi! Bakit ba ganito ko sya kamahal! Na kahit sobrang nasasaktan ako sya pa rin yung iniisip ko!

Pinigilan ako ni Andy and he acted like he doesn't want to fight me, na sobrang pinagtataka ko. Anong meron at bakit ganito yung mukha nya?

"Pare! Tama na wala akong panahon para makipagaway sayo. Kailangan ka ni Jamie ngayon! Kailangan ka nya kasi..."

Hindi ko na sya pinatapos kasi medyo nagtaka na talaga ako sa kung paano sya magsalita ngayon. Mukha syang kinakabahan na nagmamadali! Anong kailangan! Hindi ko sya maintidihan!

"Anong kailangan hindi ba ikaw yung pinili nya. Di ba ikaw na yung gusto nyang makasama nya? "

"Pre! Anong pinagsasabi mo? Ikaw ang mahal nya! Anong ako yung pinili nya at paano naman ako napasok sa usapan? Ako? Pinili nya? Paano? Impossible!"

Aba talaga, kaya di ko napigilan binigay ko sa kanya yung phone ko para makita nya.

"Ayan tingan mo kung anong tinutukoy ko!" Ang lakas lakas nyang magmaang maangan anong akala nya sakin? Madaling maloko?

Pinakita ko sa kanya yung cellphone ki! Sobrang nagtataka sya sa kung anong gusto kong ipakita sa kanya. Ito yung mga text messages na nanggaling kay Jamie.

"Oh ano! Masisi mo ba ko kung bakit ako nagkakaganito. That morning, I planned to surprise him by going to his house and to fetch his family para makasama natin sa resort because I know how much he want his family to be with him, especially that time na akala ko napapasaya ko sya pero may ibang tao lang palang gumagawa nun except me. Nasa daan ako that time! Habang nasa sasakyan ako nag text sya sakin na maghiwalay na daw kami kasi may iba syang mahal at ikaw yun. What the hell di ba! Wala akong kaalam alam! Akala ko masaya kami! Akala ko ako yung mahal nya. Nung gabing din kasi na yun, he told me that he loves me tapos biglang ikaw na pala! Sobrang humihingi pa sya ng tawad kasi nung time lang daw nya yun na realize na ikaw yung mahal nya. Na ikaw yung lalaking makakapagpasaya sa kanya! Alam mo ba kung gaano ako nasaktan nung time na yun. Kung gaano kasakit na gusto ko nang magpakamatay ng tao. Hindi pa nga ako naniwala nung una, kaya I texted him na hindi magandang biro yun pero see what he responded me. All your picture na naglalandian. A video na you telling him that you love him. I don't know how he have that video pero meron sya pare. I asked him how the hell did na videohan nya kayong naguusap and he said that nung time na daw na yun ay vinevideohan nya yung sarili nya pero bigla kang sumali. Grabe noh! Parang sinasadya talaga ng tadhana na magkaroon ng ganito para mas maniwala ako. Kasi alam siguro na pagsalita lang ni Jamie ay hindi ako maniniwala! Ganun ko sya kamahal! Tapos yung huling picture! Yan yung pinakamasakit kasi nakita kong hinalikan mo si Jamie. Talaga pre mahal mo sya? Kelan pa! Kelan mo pa ko inaagawan! Ngayon sabihin mo sakin! Na wala akong karapatang magalit! Sabihin mo!"

Hindi ko na napigilan yung sarili ko at sumabog na ko. Bakla na kung bakla pero naiiyak ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon

"Pre alam mo naman na di ba ngayon lang ako nagmahal ng ganito! Bakit si Jamie pa? Bakit sya pa yung aagawin mk! Sana iba nalang! Kunin mo na lahat wag lang sya! Wag lang sya!"

Twisted Fate Book 1 ♡Completed♡Où les histoires vivent. Découvrez maintenant