Crashhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh

Bogshhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh

*sound of car crash*

"Jamie!" sigaw ko.

Sobra kinagulat ko nung makita kong nabangga ng isang sasakyan si Jamie habang tumatawid sya ng daan.

Jamie!

Agad agad akong tumakbo at lumapit sa kanya.

"Jamie, please wake up. Tulong! Tulong! Tumawag kayo ng ambulansya! Jamie, please hang on! Help is on the way! Please hang on!"

Please tulungan nyo kami!

Napakarami naring taong patuloy na lumalapit samin. Maya maya nakita kong lumapit samin yung isang guard.

"Sir, papunta na po yung ambulansya!" Sabi ni manong guard.

Sobrang nanginginig yung kamay ko sinusubukan kong pakiramdaman si Jamie. Gising pa sya pero hindi sya nagsasalita! Puro dugo! Napakaraming dugo na nagmumula sa kawatan ni Jamie. May lumalabas na ding dugo sa bibigay nya.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko! Kung dapat ko ba syang hawakan. Grabe yung itsura ni Jamie! Punong punong ng dugo yung buong katawan nya. Maya maya nakita ko syang nagsasalita! Pinilit kong ilapit yung tenga ko sa bibig nya.

"Jamie, please hang on! Malapit na yung tulong!"

"Cid! Cid! Please! Please help me! Love, Please help me!" Sabi ni Jamie na tila naghihingalo. Sobrang hirap na din sya pero pinipilit nya parin magsalita. Hindi ko tuloy maiwasang hindi masaktan kasi hanggang ngayon si Cid parin! Hanggang sa huli si Cid parin. Bakit ba sya parin? Kahit sya na yung dahilan kung bakit nagkaganito ka sya parin! Pero hindi na importante kung nasasaktan ako dahil mas kailangan ako ngayon ni Jamie.

Maya maya dumating narin yung ambulansya! Agad agad naman nilang sinakay si Jamie. Sumama na ko para mas mabantayan si Jamie. Tuluyan narin nawalan ng malay si Jamie.

God! Please help Jamie! I can't lose him! Wala akong pakialam kahit na hindi ako ang mahalin nya! Sapat na sakin yung nakakasama lang sya! Sapat na sakin basta anjan lang sya. Please lord! Don't take him away from me.

Please don't!

~~~

Pag dating namin sa hospital, agad agad narin inasikaso ng mga doctor si Jamie at ipinasok sya sa emergency room. Hindi na ko pinayagan pumasok kasi bawal daw. Sobrang takot yung nararamdaman ko ngayon para ka kanya. Awang awa ako dahil narin sa pinsalang natamo nya! Napakarami ng sugat at pasa. Hindi rin sya gumagalaw! Hindi ko alam kung anong gagawin ko! Sobrang nanginginig parin yung mga kamay ko!

Maya maya ay inilabas sya ng emergency room at dinala sa operating room. 4 oras na simula nung pinasok si Jamie sa operating room. Sobrang kinakabahan na ko!

Andito narin yung pamilya ni Jamie, Iyak lang iyak yung mama ni Jamie. Tinawagan ko narin sila, buti nalang at binigay sakin ng registrar office yung emergency contact ni Jamie nung tumawag ako kanina. Hindi ko narin kasi alam gagawin ko. Napakaraming bagay na dapat gawin kay Jamie na nangangailangan ng consent ng kanyang kamaganak.

I can't decide on anything! I don't know what I should do! I feel so weak and terrified. Kinakabahan ako bakit ba ang tagal nila! Jamie, please hang on! Please hang on!

Andito lang kami nagiintay sa labas ng operating room ng biglang bumalik sakin yung mga huling salita ni Jamie. Do you really need him right now, Jamie?

Cid! Cid! Please! Please help me! Love, Please help me!"

Do you really need him?

If sya yung magiging dahilan para maging okay ka kaya kong gawin ang lahat Jamie! Para sayo! Kaya kong gawin ang lahat basta gumaling ka lang! If this will make you better and will make fight for your life then I will do everything! I can do everything just for you.

Nilapitan ko yung mama ni Jamie.

"Tita, I know you don't know me pero I'm Andy po, friend po ako ni Jamie! Ako po yung nagdala sa kanya dito" She lifted her eyes to see me. She is crying so hard.

"Anong nangyari? Bakit nagkaganito yung anak ko! Nasaan si Cid?" Mukhang hindi pa alam ng mama ni Jamie yung gulo sa pagitan ni Cid at Jamie. Gusto ko man sabihin sa kanya pero alam ko wala ako sa lugar para gawin yun. May dahilan kung bakit sa kabila ng ilang linggong sakit na dinanas na Jamie ay hindi nya pinaalam sa mama nya ang mga nagyayari. Hahayaan ko nalang na si Jamie ang magsabi at magpaliwanag sa kanyang ina.

"Ah, tita! Wala rin po akong alam. Pasensya napo alam kong nahihirapan po kayo ngayon pero kailangan ko pong umalis saglit. May kailangan lang po akong gawin para kay Jamie, pero babalik din po ako!" Halatang may pagtataka sa mukha ni Tita pero sa huli ay tumango na lamang sya.

Agad agad akong tumakbo para puntahan yung isang tao na alam kong pagsisihan ko sa huli pero kung para kay Jamie kakayanin ko.

Sana tama yung gagawin ko.

To be continued

WAANJAIMJORA

Twisted Fate Book 1 ♡Completed♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon