"Wala nang laban sa atin ang kabilang partido. Mga dayo lang sila. Hindi naman taga Ibaan o taga Batangas manlang. Nasa atin ang puso ng tao, hindi ba Philip?" halakhak ni papa.

"Di tayo pwedeng makampante. Hindi sapat na taga rito lang tayo para iboto nila. Pero malaki nga rin ang advantage natin," sagot nung Philip. Nakaakbay siya sa upuan ng kanyang asawa. Nasa kaliwa ng asawa ni Philip ang isang batang lalaki habang nasa kanan naman ni Philip ang anak na babae. Malapit lang siguro ang edad nila ni Florence.

She's quiet. Minsa'y nakatingin lamang sa ibaba. Hindi ko alam kung ano ang mayroon sa ilalim ng mesa. At minsan naman ay igagala ang mata sa mga bisita. Nahuli niya ang mga mata ko na nakatingin sa kanya. Akala ko'y magigitla siya. But she shamelessly played a staring game with me.

You want it, huh?

My eyes wandered around her facial features. She has black hair, not too long and not too short. Her face is a mix of oval and heart shape. And has an angular jaw. Her eyes are the definition of an angel. Lips are thin. She occasionally does a slight twitch with her nose.

When you look at her, there's just no way anyone could be mad at her. No one would ever raise voices at her. And if they did...

And if they did, what Noah?

I can see her doing the same. Nagtagal ang kanyang mata sa aking labi. When she looked back at me, I arched a brow at her. Her cheeks turned red but dismissed it by drinking the water served beside her plate.

"Hijo, anong kukuhanin mo sa kolehiyo? PolSci, like your papa?" my titos said expectantly.

Papa smiled proudly, ready to endorse his dreams for me instead of letting me speak.

"Aba syempre, kuya! He's Ibaan's future mayor. Mana sa ama," si Papa.

"No," agad kong pagpasok sa usapan.

My relatives eyed me with question. I knew it was coming. What else will I expect from these people?

"Ayaw mo magpolitician? So mag eengineer ka or doctor?" they asked, encouraging me to say yes. But I won't

I shook my head.

"I'll be a teacher," I answered non chalantly and stopped eating my food. Dahil alam ko na kung anong klaseng diskusyon ang mangyayari. At kailangan ko nanamang ipagtanggol ang sarili ko.

They reacted as if what I said just now was scandalous.

"A-ano? But... sayang naman ang talino mo! And your papa has the money," they said.

"That's just a phase. Kalaunan ay magiging praktikal din si Noah. He'll realize that teaching wouldn't take him far," ani papa.

Tumango ang mga tito at tita ko.

"Definitely."

"I won't change my mind," I persisted. Wala nang kahit anong rason para magbago ako ng pangarap. Noon pa man ay alam ko nang ito ang tututungtungan kong propesyon.

"Nikolov! Anong pumapasok sa kokote ng anak mo?" ani tito. "Walang guro sa pamilya natin! We are too capable for a job as simple as that!"

Sa gitna ng komprontasyon na iyon. Inosenteng sumali sa usapan ang babaeng anak ni Philip Castillo.

"Ayos lang naman po siguro kung gusto niyang mag guro. Kung doon siya magaling, dapat ay hindi na siya ipilit na ipasok sa propesyon na hindi siya interesado. Mas magsasucceed siya sa trabaho na gusto niya dahil mas gamay niya ito. Sila papa nga po ayos lang sa kanila na maging teacher ako. Diba papa?"

She looked at her father. Philip smiled.

"Anak, okay sa akin na maging teacher ka dahil babae ka. Bagay sa'yo ang maging teacher. Pero si kuya Noah kase, syempre mas maayos kung mas nasa mataas siya na mga career."

A Silence In The ChaosWhere stories live. Discover now