As I am walking along the corridor of this resort, para sana pumunta sa isang restaurant dito, di na ko umabala ng crew service, kahit sabi ni Cid noon na pwedeng pwede naman if may gusto ako. All I need to do is call them pero nahihiya ako. Kaya eto, lakad mode ang peg ko!

Bago pa ko makarating sa restaurant, nakita kong nakaupo si Andy sa may seaside at umiinom mag isa.

Anong ginagawa nya dun at bakit magisa lang sya? Asan yung mga barkada nya?

"Andy!" I tried calling him pero mukhang hindi nya ko naririnig, so nagdecide akong puntahan sya para sana ayain kumain. Kakaano naman kasi kumuha magisa ng food dun sa restaurant. Ang mamahal ng pagkain kahit sabi sakin ni Cid noon na bayad na daw lahat ng gusto ko.

"Hi!" Bati ko kay Andy, nahalatang kinagulat nya.

"oh, ikaw pala Jamie!" He said while holding that one botle beer.



"Yeah, It's me! The one and only!" Pabiro kong sabi sa kanya, mukha kasi syang seryoso! I just want to lighten the mood!


"Ikaw talaga puro ka biro!" Sabi nya after matawa ng konti.

"Eto naman, di ka na mabiro mukha ka kasing seryoso mag nagiisa dito. Emo mode kaba tonight? Anyways, aayain sana kita kumain! Nagugutom na ko pero nahihiya lang ako pumunta dun sa restaurant ng walang kasama."

Napatayo naman si Andy dahil sa sinabi ko medyo nagulat pa nga sya.

"Oh, bakit naman! Hindi ka pa kumakain? Anong oras na ah! Asan na ba si Cid at bakit hinahayaan ka nyang ma..."  Hindi ko na sya pinatapos

"Oh, chill ka lang! Nakatulog kasi kami ni Cid, yung kaibigan mo andun tulog pa. About naman sa pagkain, ang mamahal kasi ng mga pagkain dun! Nakakahiya naman tapos yung mga taong kumakain ay naku halatang ang yayaman nila and ang sososyal ano ba naman laban ko sa mga yun di ba?" I only said what I really feel. Totoo naman eh, I feel like an outsider judging by how other look at this place.

Natawa naman si Andy sa sinabi ko! Aba pagtawanan talaga ko!

"Ikaw talaga! Jamie ano ka ba! Guest ka ng resort namin so you can do and have whatever you want. Bakit ka naman mahihiya and hell kaibigan mo kaya yung anak ng may-ari lang naman ng resort na ito. You have every right to do and get whatever it is that you want because I already allowed it!"

"Kahit na! Nahihiya parin ako!" Sagot ko naman. Totoo naman! Ano ba naman ako sa mga taong kalevel nila Andy and Cid.


"Ay naku ikaw talaga! Halika na nga baka magwala na yung anaconda dyan sa tiyan mo!" Aba asarin daw ba ko!

"Anaconda ka jan!" Eto talagang si Andy hindi pa rin nagbabago. Lagi parin akong inaasar basta magkaroon sya pagkakataon.

"Eto naman di na mabiro! Halika na samahan na kita!"

"Talaga?"

"Oo naman! Baka pagalitan pa ako ni Cid pag hinayaan kita magisa! Asan na nga pala yung lokong yun bakit hinahayaan kang mag isa, Alam naman nyang napaka mahiyain mo pa naman"

"Ayun tulog na tulog! Ewan ko pagod ata?"

"Pinagod mo ata eh?" Malokong tanong ni Andy. Ano daw?

"Anong pinagod? Di ko gets!" Anong pinagod? Ay nako, minsan talaga ito si Andy, may mga pinagsasabi na hindi ko talaga maintindihan!

"Wala! Wag na nga halika na kain na tayo. Minsan talaga may pagka naïve ka sa mga bagay bagay!"

Naglalakad na kami ni Andy papuntang restaurant.

"Ay wait hindi ba natin aayain sila Connie din? The more the merrier!" Masayang sabi ko sa kanya.

"(Pabulong) Ngayon nga lang kita masosolo magaaya ka pa ng iba?" Di ko masyado narinig pero parang may sinasabi si Andy!

"Ano yun Andy? May sinasabi ka?"

"Ahh wala, ang sabi ko lang is wag kana magabala kasi kumain na ata sila kanina!" Oh ganun ba? Kaya siguro tinatawag nila kami kanina.

"Ahh ok, Sige sige halika na! Nagugutom na talaga ko!" I said while caressing my tummy! Sinisikmura kasi ako pag nalilipasan ako ng gutom. As in masakit sya kaya never ako nagpapalipas ng gutom, kahit kaunti basta magkalaman lang tyan ko okay na ko!

~~~

After naming kumain ni Andy, naisipan namin maglakad lakad muna. Wala lang! Ewan ko ba sa taong ito. Bigla bigla nalang nagaaya at dahil daw sinamahan naman nya ko kumain dapat daw sya rin samahan ko maglakad lakad at dahil nga sa mabait ako pumayag na rin ako. Wala pa rin kasi si Cid, baka tulog pa. Kaya okay lang naman siguro na sumasama ako saglit kay Andy!

Siguro sampung minuto na kaming naglalakad. Wala lang naglalakad lang kami dito sa sea side! Walang nagsasalita samin na naging dahilan para mapuno ng katamikan ang pagitan naming dalawa at tanging ingay mula sa mayat-mayang paghampas alon ng dagat ang tangi namang naririnig.

Ewan ko ba, naging tahimik kasi bigla si Andy, para syang may malalim na iniisip. Currently umiinom pa rin sya ng alak. Sinita ko nga kasi napansin ko ginagawa nyang tubig yung alak. Nakaisa na sya kanina before ko sya ayain then 2 habang kumain kami. Tapos isa ngayon yung hawak nya. Sabi nya lang sakin nung sinita ko sya, di naman daw sya nalalasing kaya hinayaan ko nalang.

Hindi naman sya bata para lecturan ko pa ng kung ano at alam naman siguro nya yung ginagawa nya. Sobrang tahimik lang naming dalawa. Parehas lang kaming nakatingin sa paligid. Grabe ang ganda dito, sobrang peacefull ng lugar.

After a few minutes na walang nagsasalita nagulat ako ng bigla syang timugil at iharap ako sa kanya. Ano bang trip ng taong ito?

"Jamie, pwede ba magtanung sayo?" Medyo hesitant nyang tanung sakin. Weird din yung kasalukuyang expression ng mukha nya.

"uhmm oo naman ano ba yun?" Mukha syang seryoso! Anong meron?

"uhmm... Wag na nga lang..." Sabi nya then sabay iwas ng tingin sakin, kaya napilitan akong hawakan yung braso nya para tumingin ulit sakin. Ang gulo nya ah!

"Uy sabay ganun! Ano ba yung itanong mo? Itanong mo na! Nacurious na ko!"

He still looked hesitant, like pinagiisipan nya talaga if kung sasabihin nya ba sakin or hindi. Mas lalo tuloy akong  naguguluhan habang nakatingin sa kanya.

Lumipas ang ilan pang segundo, bigla syang tumingin sakin ng seryoso at diretso. Binukha ang kanyang bibig tsaka sinabi ang mga katagang sobrang nagpagulo sa akin at sa mga mangyayari sa hinaharap.

"Jamie, if ba wala sa tabi mo ngayon si Cid, may posibility ba maging ako yung piliin mo?"

 To be continued

WAANJAMJORA

Twisted Fate Book 1 ♡Completed♡Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin