"Ooows?"

"Look...lasing tayong pareho nun, Gian. Hindi ko ginusto iyon!" Nagiwas siya ng tingin.

Papatunayan kong mali ang sinabi niya kaya mabilis akong lumapit sa kanya at itunukod ko ang mga kamay ko sa kama sa pagitan niya.

Nanlaki ang mga mata niya nang ilapit ko ang mukha ko sa mukha niya at di niya alam ang sasabihin at gagawin.

Matagal ko ng gustong gawin ito. So I kissed her. Claimed her lips gently. Nung una umiiwas hanggang sa hindi na siya tumututol sa mga halik ko.

"See, drunk or not, Cassie. May mangyayari at may mangyayari sa atin." Pahangos na sabi ko habang siya'y namumula ang mukha at hindi makatingin sa akin ng diretso.

Ito ang iniiwasan kong mangyari. Ang magkalapit kami at humantong sa ganito.

Kaya pinutol ko agad ang halik when she kissed me back. Bago pa kumawala ang natitirang pagpipigil ko sa sarili.

"Come on, Cassie. Ikaw naman ang magluto ng breakfast natin. Palagi na lang ako."

"Ano naman ang alam ko sa pagluluto! And I have never prepared breakfast in my whole life!"

"It's time you start learning, sweetheart." Hinila ko siya papunta sa kusina.

Nagpainit ako ng mantika sa kawali.

"Paki labas ang itlog sa ref."

Sumunod naman siya at iniabot sa akin.

"Okay. I'll show you how to..." Nagring ang phone ko.

Daddy Robert's calling...

"Sasagutin ko lang ito. Kapag mainit na ang mantika basagin mo lang itong itlog, lagyan mo ng konting asin tapos bantayan mo hanggang sa maluto."

Nagmadali akong pumasok sa library para hindi marinig ni Cassie ang usapan namin ng Daddy niya. Dahil lingid sa kaalaman niya araw-araw akong tinatawagan ng Daddy niya para kamustahin siya.

"Yes, Dad. Sorry po medyo natagalan ako sa pagsagot ng tawag nyo."

"It's okay, Gian "

"May kailangan po ba kayo, Dad?"

"Yeah. Kung wala kayong lakad ni Cassie kung pwede dito na kayo magdinner. Namimiss na rin daw siya ng Mommy niya."

"Sure, Dad. Makakarating po kami.

Pagbalik ko sa kusina ay naglalagay na ng pinggan sa lamesa si Cassie.

Nadismaya ako nang makita kong hindi maganda ang pagkakaprito ng itlog. Sunog ang gilid nito at naghalo ang dilaw sa puti.

"For starter...pwede na. Pero sana binate mo nalang 'tong itlog."

"Di ba sabi ko sayo hindi ako marunong magluto! Bakit ba wala kang katulong dito sa bahay!" Mataray na sabi niya.

"Wala akong pansuweldo sa katulong. At hindi ako kasing yaman ninyo, Cassie. Kaya nga tinuturuan kitang magluto."

"Hindi mo ako tinuruan! You left me here at inuna mong sinagot ang tumatawag sayo!" At bigla na lang siyang umiyak.

Tinakpan niya ng palad ang mukha niya kaya nakita kong may ilang butil na pula ang kanang braso niya.

Natalsikan siya ng mainit na mantika habang nagpiprito!

"I-I'm sorry." Sabay yakap ko sa kanya.

"Sshhh...I'm sorry." Nang humina ang pag-iyak niya ay kumalas ako sa pakakayakap sa kanya at humila ng upuan at pinaupo ko siya.

"Hintayin mo ako dito. I'll be right back."

Nagmadali akong pumunta sa kuwarto at natatarantang hinanap ang ointment sa drawer.

"Masakit ba ang mga paso mo?" Nag-aalala kong tanong sa kanya habang pinapahiran ng ointment ang mga paso niya.

"Hindi naman masyado." Pilit siyang ngumiti.

"Are you sure?" Hindi ko pa rin maiwasang mag-alala sa kanya. Nakakaguilty.

"Oo nga sabi. Salamat." Sabay hila ng braso niya na hawak-hawak ko pa rin.

"So, kainin na natin ang niluto mo."

Hindi mahiwa ng tinidor ang itlog sa tigas ng pagkakaprito nito.

"Susubuan kita. Ah." Binuka niya ang bibig at tinanggap niya ng isinusubo ko ngunit iniluwa rin agad.

"Bakit?"

"Nasobrahan ko ata sa asin, Gian." Tinikman ko ang niluto niya.

Oo nga. Sobrang alat talaga. May kasama pang shell ng itlog!

"Gian, huwag mo nang kainin. Magkakasakit ka sa bato niyan eh."

"No, it's okay. Iinum na lang ako ng maraming tubig." Isinubo ko ang iba pa at nginuya habang nakatitig sa kanya.

"Tama na, Gian." Saway niya  habang natatawa.

Masarap din pala sa pakiramdam ang mapangiti ko siya.

my little wild wifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon