Chapter 13

4.8K 135 8
                                    

GIAN'S POV

"Ryan, di ko matatanggap ang kasong iyan. Katatapos ko lang sa isang kaso tapos heto na naman? Paki sabi nasa bakasyon ako."

Eight o'clock in the morning nang tumawag si Ryan para sabihing may gustong kumuha ng sebisyo ko. Sa lahat ng kaso ito ang iniiwasan ko.

"Anong magagawa ko kung ikaw ang gusto nilang kunin? Pagbigyan mo na, Bro."

"Ryan, alam mo namang hindi ko gustong tumanggap ng annulment case! Baka hindi ko lang maipanalo iyan!"

"Okay. Fine. Sama ng gising mo, Bro. Ano bang nangyari kagabi?"

"It's none of your business. Bahala ka ng magpaliwanag diyan."

Ilang umaga na bang masama ang gising ko dahil sa lintek na couch na ito! Dahil kahit minsan ay hindi pa ako natulog sa tabi ni Cassie. Nagsinungaling ako sa kanya nang minsan tinanong ako kung saan ako natulog, dahil gusto ko lang malaman ang reaksiyon niya. Sa nakita ko ayos lang sa kanya. Mas mabuti na rin sigurong dito muna ako. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at di ko matupad ang ipinangako ko kay Cassie.

Dinampot ko ang unan at kumot na ginamit ko para ibalik uli sa kuwarto.

Nadatnan kong may kausap sa phone si Cassie.

"Not now, Jake...I'm sorry...okay... Bye."

Ang Jake na nanan na yun ang kausap niya.

Nagtuloy na lang ako sa banyo at nagshower.

"Saan ka natulog?" Bungad na tanong ni Cassie na nakaupo sa kama paglabas ko ng banyo.

"Sa library. Bakit mo naitanong?"

"Wala." Tinitigan ko siya. Kahit bagong gising at sabog pa ang buhok, maganda pa rin siya.

At masarap asarin sa umaga.

"If you want me to sleep with you, then all you have to do is ask." Nakangisi kong sabi.

"No! Hindi ko gugustuhing mangayari pa uli iyon! Ever. Again!" Pinagkadiin-diinan pa niya ang huling sinabi.

my little wild wifeWhere stories live. Discover now