Chapter 6

5.2K 144 4
                                    

CASSANDRA'S POV

"Anong sabi ni tito Robert kay Gian, Sandy?" Tanong ni Kath at kunwari nakikinig si Jessie pero na kay Mr. Hernandez ang tingin na nasa counter ng canteen. Madalas kaming yayain dito ni Jessie kapag breaktime dahil dito lang niya nakikita si Mr. Hernandez. Nahalata ko iyon, pero ewan ko kay Kath, palibhasa manhater ata kaya walang love life.

"Malay ko at ewan ko. Wala namang kinuwento sa akin si Gian. Babalikan niya ako in two weeks, 'yun ang usapan nila ni Dad."

"Do you like him na?"

"May magagawa pa ba ako Kath? At wala namang masama kung magkagusto ako sa kanya. Besides guwapo siya at matalino."

"Yun na nga eh. Mayaman ka at matalino siya. Ang taong matalino hindi gumagawa ng plano ng hindi pinag-iisipan." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"What do you mean, Kath? Na pera lang ang habol niya sa akin?"

"Tumpak! Di ba Jessie?"

"H-Ha? O-Oo tama si Kath, Sandy." Nabigla pa sa pagsang-ayon si Jessie kay Kath. Dahil wala namang ibang laman ang isip niya ngayon kundi si Mr. Hernandez.

Pero bakit hindi sumasang-ayon ang kabilang usip ko. At mas naniniwala ako na walang masamang binabalak sa akin si Gian.

"CONGRATULATIONS baby!" Sabay yakap ng mommy ko, buti na lang at dito na sa bahay nagcelebrate ng graduation ko.

Pagod na ako at gusto ko ng matulog.

"Thank you Mom, Dad. Akyat na po muna ako, thank you din po sa gift." Hindi na ako masu-surprise kung ano ang laman ng kahon na ito. Kung hindi gadgets, alahas, pera.

"Sandy, wait..." May dinukot si mommy sa bag. "...pinaaabot ni Gian, para sa iyo" nakangiting inabot sa akin ni mommy ang isang maliit na hugis parihabang kahon.

"M-Mommy, kaylan po binigay ni Gian ito sa inyo?" Takang tanong ko.

"Kanina lang. Hindi na siya nakalapit sayo, dahil busy kayong nagpapapicture nila Kathleen at Jessie. Nagpaalam din agad dahil may meeting pa daw siyang pupuntahan."

"Open it, gusto rin naming makita ng mommy mo kung anong regalo niya sayo." Si Dad, mas sabik pa sa akin buksan ang regalo ko. Kaya binuksan ko nalang ito sa harap nila. A branded ladies wrist watch.

Ito ang surpresang natanggap ko sa araw na ito. Lalo na ang

Pagdalo ni Gian sa graduation ko. Sayang nga lang at hindi ko siya nakita dun. Wala ding note o card itong regalo niya.

Papunta na ang tulog ko nang mag-ring ang phone ko. Si Kath. Ano nanaman kaya ang ibabalita nito sa akin.

"Hello."

" Sandy, we're going to paris, sama ka? Sasama si Jessie."

"Sige, kung papayagan ako ni Dad, kaylan?"

"Tomorrow."

"What? Bukas na? Hindi ako prepared. Kung pinayagan ako ni Dad, susunod ako sa inyo."

"Okay, goodnight na. And by the way, happy birthday!"

"Sige na, bukas pa iyon. Thanks."

my little wild wifeWhere stories live. Discover now